Thirty 9 - Tragedy

7.3K 148 30
                                    

Upate! ^_^ about dun sa Fb hahaha.. up to now hindi pa ko makapag decide. feeling ko kasi hindi ko maasikaso yun! hahahaha..

dedicated kay ate Eekia22.. ang dahilan?! haha later ko na i-explain.



Parang tumigil ang oras ko ng mga sandaling yun. Tila pinoproseso pa ng utak ko ang bawat sinabi ng babae.

Si Kyle nawawala, may kumuha sa kanya at babae daw yun.

Kita ko ang awa, paghihingi ng paumanhin at panic sa mata nung babae pero hindi ko kailangan yun. Kailangan ko maibalik sakin yung anak ni Bryce.

"Ate, san dinala yung bata? Anong itsura nung kumuha sa kanya?" Sunod sunod kong tanong sa babae.

"Ay, hindi ako ganun kasigurado kung san pumunta eh pero dun ata banda" sabay turo sa may bandang kaliwa.

"Maganda yung babae, maputi saka medyo may katangkaran. Matangos din ang ilong at may mahabang buhok. " Pagpapaliwanag nito.

"Ate, sorry talaga. Hindi ko naman alam na hindi mo pala kasama yun. Tinawag nya kasi yung bata sa pangalan kaya akala ko siya na yung tinutukoy mo." Tumango tango lang ako

Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Tila na drain yung utak ko at wala akong maisip. Mas gusto ko na lang maglupasay sa sahig at mag-iiyak.

Pero hindi, hindi dapat yun ang gawin ko.

"Ate i-report na natin sya sa mga guard para mabilis ang paghahanap natin dun sa bata" sabi nung babae.

At kahit hindi pa rin ako maka get over sa mga nangyayari eh napilit ko ang sarili kong gumalaw.

Tama, yun nga siguro ang dapat kong gawin.

**

Mali ata na nag report ako sa security department ng mall na ito na nawawala si Kyle.

Dahil pagkapasok ko pa lang ng pinto at matapos akong tanungin ng napakaraming katanungan katulad ng pangalan ni Kyle, edad, yung suot nya at marami pang iba ay sinabihan lang nila ako na maghintay.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon