dedicated to her.. haha mag upload na daw ako eh.. HAHAHA
guys!! so much thank you sa mga nagbabasa. especially dun sa mga nag vote and nag FAN!.. uwaa! T_T
haha sorry kung ang tagal ko mag update, kasalukuyan po kasi akong may ikinakaharap na pagsusulit at iba pang gawain sa paaralan. OHA! anong say nyo sa tagalog ko?.. deep yun! hahaha
at nahihirapan akong gawan ng update ito, nasabi ko na bang wala akong plot nito?.. HAHA parang nasabi ko nakalimutan ko lang..
anyways! hope to receive some comments and votes from you guys!.
dali! para maisipan kong mag update! ahaha ^_^
love lots,
Eiyzee <3
Labasan na namin at dali-dali kong dinala yung mga gamit ko palabas ng room.
“ui! Aisha, wait naman! Ayiieee!.. excited na siya mapanuod si Lenard.” Bigla akong napalingon sa kanya at ewan ko. Namula ako dun sa sinabi nya. Kanina pa kasi ako inaasar nyan kay Lenard dahil sa nangyari at aminin ko man at sa hindi kinikilig ako. HAHAHA..
Wag ko lang talaga maalala yung biglaang pagdating ni Bryce..
Kasi BV talaga yun
“hindi nga. “
“hindi pa daw!.. sus!”
“hindi na nga pala ako makakasama manuod sa iyo.”
“huwaaaat??!! Ba-bakit?”
“may trabaho na kasi ako Chel.”
“ta-talaga?!! Kyaaaa!! Congrats!!” sabi nito sabay yakap sa akin.
“pero bakit hindi ka na makakasama sa panunuod? Hala ka! Sige baka maagaw ng iba si papa Lenard mo kung pababayaan mo siya.”
“tss.. Chel, may trabaho na nga kasi ako at ayaw ng employer ko na ma-late ako sa pag sundo ng anak nya.”
“anak?”
“oo anak. Naku! Magagalit yun sa akin si Bryce, ang sungit pa naman nun!.”
“Bryce? Anak?”
Naku! Patay na!..
“ah-ano kasi yung pangalan ng amo kong lalaki si Bryce.. si si-sir Bryce. Tapos anak, kasi.. babysitter ako?”
Adik! Hindi pa nga ako sure sa sinagot ko.
“babysitter ka?!!!”
“kailangan I broadcast teh?.. tss.. hinaan mo nga yang boses mo.”
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...