Forty - I quit

7K 137 15
                                    

Olaaaa!! ayun hindi ako nakapag update nung Christmas break.. pero meron akong update ngayon.. nyahaha kaya hayaan nyo na pagbigyan nyo na ko. and yeah! thank you so much sa lahat ng maga nakaintindi sa post ko na NOTICE.. pati na rin dun sa mga nag-comment. promise gusto ko kayong i-kiss isa isa! hahaha..ayun.

at sana magustuhan nyo update. First time ito at sana matuwa kayo. One of the reason kung bakit matagal eh dahil sa POV nya ang ginagawa ko. nahihirapan kasi talaga ako sa emosyon guys kaya hinanap ko muna sya sa kaibuturan ng puso ko. hahaha ewan ko nga lang kung effective yan. ayuuun! pang late christmas gift naman jan oh! kahit comments lang! wag lang bitin at update ah!.. mag comment ng ganun sigeee.. wala kayong kiss sakin! hahaha

pa add nga pala fb account ko aziaofwatty@yahoo.com.ph saka sinong pwedeng gawan ako ng cover photos, pa pm lang ako. thanks!

Bryce POV

Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Aisha. Babae daw ang kumuha kay Kyle. Maraming possibilities na ibang tao yun, na sadyang kidnapper lang ang kumuha sa kanya. Pero merong part sa utak ko ang hindi maiwasang isipin na baka siya yun.

Pero parang imposible din! Paanong magiging siya kung matagal na siyang umalis ng bansa. At kung nakabalik man siya alam ko, malalaman ko yun.

Kanina pa hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Simula pa nung malaman ko na nawawala si Kyle. First time lang mangyari ito at parang hindi ko na yata kakayanin pa pag nawala siya ulit. Ngayon pa lang parang nababaliw na ko sa kahahanap sa kanya.

Kanina pa ko takbo ng takbo. Bawat bata na madadaanan ko ay titignan kong mabuti. Nagbabakasakaling si Kyle yun. Pero nalibot ko na halos ang mall ni hibla ng buhok ng anak ko ay hindi ko pa rin makita.

Napasabunot na lang ako bigla sa buhok ko habang iniikot ang tingin ko sa paligid. Kanina pa sya nawawala at nag-aalala na ko. Kung na-kidnap man siya bakit hindi pa tumatawag ang mga kidnappers. Heck! Kahit buong kayamanang matatanggap ko ibibigay ko sa kanya maibalik lang si Kyle.

Pero paano nga kaya kung siya ang kumuha kay Kyle? Wala sa isip kong napahawak ako sa phone ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasa screen na ng cellphone ko ang number niya. Pipindutin ko na sana ang call button ng biglang mag ring ito.

Agad na nakaramdam ako ng kaba.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magsalita. Rinig na rinig ko rin ang bawat pintig ng puso ko, sobrang lakas. Bago pa man ako makapag salita ay naunahan na ko ng nasa kabilang linya.

"I-iligtas mo si-sila!!" balot na balot ng takot at pagkataranta ang boses nung nagsalita.

"hi-hindi ko si-nasadya. Iligtas mo sila!" patuloy na litanya ng nasa kabilang linya.

"teka! Wala kong maintindihan."

"nasusunog sila. Oh god! Save them!" at ngayon halata mo na sa boses nya na umiiyak siya.

"i'm sorry. I'm sorry"

"Fuck! Ano bang sinasabi mo?" inis na tanong ko pero sa totoo lang kinakabahan akomsa mga sinasabi niya.

"Bryce, nasusunog ang bahay. Mamatay sila" parang natauhang sabi niya.

"sinong si-"

"Si Aisha at ang bata" Literal na hindi ako nakahinga ng mga sandaling yun.

Pakiramdam ko may kung anong bagay ang sumakal sa akin.

Shit! Wag naman sana...

**

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon