Hi TB-Bers! haha oha nag update ako kahit wala pang APRIL.
ayan.. this time sa april na talaga ang next update. hahaha..
osya enjoy reading.
PENGENG 15 VOTES!! haha.. saka saka commentS na din ^_^
Isinara ko na yung cabinet ko pagkatapos maghalungkat ng sandamakmak na damit.
Pero nabaligtad ko na ata yung cabinet ko ay hindi pa rin ako makapag decide kung ano yung susuotin ko…
Napatingin ako sa orasan ko na nasa bedside table.
11 na! megash! At kanina pa akong 9 am nangangalkal dito sa mga damit ko.
Ang gulo gulo na ng kwarto ko.
Mga nagkalat na damit ang makikita mo. Yung kama ko puro mga damit tapos meron din sa sahig.
Malamang sa malamang pag nakita ako ng Nanay ko nito tatalakan na naman ako nun ng bongga hanggang sa magdugo yung tenga ko..
Naman naman kasi eh..
Malay ko bang dapat pinaghahandaan ang date!
Saka kung alam ko lang sana edi sana nakapaghanda ako ng bongga. Kaasar naman kasi, kanina lang nag sink in sa utak ko talaga na may date ako ngayon…
At hindi lang simpleng date..
Dahil date ito sa matagal ko nang kinagigiliwan na lalaki..
Saka.. eeeehhh
FIRST TIME kong makipagdate kaya wala talaga ako alam. Mamayang 1 na kami magkikita pero hindi pa rin ako makapag isip kung anong isusuot ko. Hindi ko naman masabi kay Chel dahil panigurado madaming tanong na naman yung gagawin nun tapos pagagalitan din ako nun kung bakit late ko lang nasabi tapos bakit hindi ako naghanda at kung ano ano pa.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...