Hi T-Bbers! hehe..ayan na po update. sana magustuhan nyo ^_^
Tuloy tuloy na pumatak yung mga luha ko at napayakap na lang ako bigla sa kanya.
“wala na huk akong nadatnan dito huk. Hindi siya huk bumalik. Wala siya.”
Para bang bata lang akong nagsusumbong sa kanya habang patuloy lang yung mga hikbi ko.
“Galit na siya huk sa akin Lenard..”
Niyakap nya lang ako habang inaalalayan nya ko maglakad.
Huminto lang kami sa paglalakad nung pumasok kami sa may 7 eleven. Pinaupo nya ako sa mga upuan dun.
“Diyan ka lang babalik ako.”
Tumango lang ako sa kanya sabay punas ng mga luha ko.
Hindi ko alam kung bakit ako naiyak nung Makita ko siya pero siguro dahil na rin sa kanina pa kong nagpipigil ng sama ng loob kaya naman nung Makita ko talaga si Lenard naiyak na lang ako.
Ang sama sama ng loob ko. Hindi dahil sa galit ako kay Bryce kundi dahil sa sarili ko.
Ako naman kasi talaga may kasalanan eh =(
Hayan at sigurado na akong galit talaga sa akin si Bryce dahil hindi man lang nya ko binalikan.
At siguro isa na rin yun sa ikinasasama ng loob ko.
Bumalik na si Lenard at saka ako inabutan ng hot chocolate. Tinanggap ko ko naman iyon at saka humigop sa cup.
“Ahhh… wooo! Dang ineeet!” sabi ko sabay pinaypay ko yung mga kamay ko sa dila ko.
Uwaaaa!!
Napaso ako! T_T
Mula sa gilid ko eh napansin kong natawa si Lenard kaya naman napatingin ako sa kanya habang naka glare.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...