update! sorry matagal.. haha pagpasensyahan nyo na.. tao lang ako, tinotopak, tinatamad at nagdadamdam.. nyahahaha
spread the love guyss!! haha
wala nang proofread.. dang baba ng feedback last updaye.. anyways! hahaha yae na nga..
"Aisha" hindi makapaniwalang sabi ni mama sa akin.
Halatang halata sa boses nito ang pagtataka. Tinignan ako nito simula ulo hanggang paa at saka nabaling ang tingin nito sa magkahawak na kamay namin ni Bryce.
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko.
Sheeemaay!
Paano nangyari ito?!
Unti-unti akong bumitaw sa pagkakahawak ng kamay namin pero humigpit lang ang hawak dito ni Bryce na syang naging dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Tinignan ko sya ng nababaliw ka na ba look pero hindi nya ito pinansin at nanatiling nakatingin kay mama.
"Good afternoon po Tita" malambing at puno ng galang na sabi ni Bryce kay mama.
Muling nabaling ang tingin ko kay mama. Tumingin ito sa akin at saka tumingin kay Bryce at nag nod.
Na para bang ngayon nya lang napansin yung presence ng kasama ko.
"Aisha" muling sabi ni mama. At ngayon ko lang narealize na hinihintay nya kong magsalita.
"Ah.. M-ama. Andyan pala kayo." Nakita kong napakunot ng noo si Mama at promise gusto kong hampasin yung sarili ko.
Syempre andyan si Mama sa harap, kaya nga nagkakaganyan ka eh.
"Ma, si Bryce nga po pala." Pagpapatuloy ko sa sinabi ko. Takte! Hindi talaga ako handa para sa ganito.
Totoo palang nakakakaba yung mga ganitong sitwasyon. Pero yun nga lang baliktad dahil hindi ba dapat si Bryce ang kinakabahan dahil sya yung ipapakilala ko?
Eh bakit parang sya pa tong kampante at ako naman ang hindi mapakali.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Mama, tanda na kulang pa yung impormasyong sinabi ko.
At bago pa ko makapagsalita eh naunahan na ko ng lalaking katabi ko.
"Bryce De Vera po, boyfriend ni Aisha."
At promise napanganga ako sa sinabi nya.
**
Eto na ata ang pinakamatagal na sandali sa tanang buhay ko. Pakiramdam ko bawat segundong lilipas ay labinlimang minuto ang katumbas.
Magkaharap kaming dalawa ni Bryce habang katabi ko naman si Mama. Nakatuon ang atensyon namin sa spaghetti na hinahalo niya.
Di makabasag pinggan lang ang peg naming tatlo. Halos dinig na dinig ko ang tibok ng puso ko at feeling ko konti na lang at may tutulo nang pawis sa noo ko.
Sheeeet talaga! Hanubanaman ito.
"So iho, magkaklase ba kayo ni Aisha?" Tanong ni Mama kay Bryce.
"Hindi po Tita" nakuha nito ang atensyon ni mama kaya naman napatingin sya dito.
"Hindi?"
"Opo. Magka schoolmate po kami ni Aisha" pag-eexplain ni Bryce.
"Hmmm... Gaano katagal na kayong magkakilala.?" Muling tanong ni mama kay Bryce. At bago pa makasagot si Bryce ay inunahan ko na siya.
"Naku mama matagal na, diba Bryce?" Sabi ko kay mama habang tinitignan si Bryce ng sakyan mo na lang ako look. Kitang kita sa expression ni Bryce na naguluhan siya sa sinabi ko pero in the end eh tumango lang din sya.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...