Forty 6 - In the mall

6.3K 116 9
                                    

guys! panget ang update! i know! hahahaha sabaw sabaw sya. malungkot ako ngayon eh, anyways para nga po pala sa mga comments na hindi ko na rereplyan dati, sorry po nababasa ko naman po sya ang kaso wala lang akong time makapag reply. so ayun. :-)

--

"Mama wag mo na kasi syang isama." rinig kong daing ni Papa habang pilit na kinukuha nito si Kyle kay Mama.

"Ayoko! Sasama sa amin si Kyle kami naman ang magba-bonding parati na lang kayo."

"Mama naman eh, dali na maiinitan lang ng bata!"

"Hindi, magpapayong kami."

Hindi ko alam kung ilang minuto na nila pinagtatalunan yan. Si mama kasi gustong isama si Kyle sa supermarket. Mamimili kasi kami ng mga lulutuin nya dahil may pa welcoming back chuva chuchu si papa! Hahaha sosyal diba? May nalalaman pang ganun. Eto namang si papa gusto ipaiwan si Kyle kasi nga maglalaro daw sila.

"Tara Lula! Alish" napatingin kaming lahat kay Kyle na nagsalita at sabay sabay na nagtawanan.

"Kita mo na, gusto ng bata akong kasama. Sawa na daw sya sa iyo."

Natawa naman ako sa expresyon ni Papa. Para kasi syang tindero na naagawa ng customer ng kabilang tindahan.

"Sige na nga, balik kayo agad ah!" pahabol pa nito habang palabas kami ng gate. Kumaway na lamang ako sa kanila pati na rin kay Bryce.

Hahaha sila naman daw ang magbonding :-)

**

Kanina pa palipat lipat ang tingin ko. Hindi kasi ako makapag decide kung anong kulay ng bottle ang bibilhin ko. Green ba or blue? Pareho lang kasi ito ng design at parehas din na cute.

Balak ko kasing bilhan si Kyle ng bagong bottle kasi nga lumakas na yung intake nya ng gatas kaya naman mas madalas na yung pagtimpla namin ng gatas. Kaya bibili na lang ako ng mas malaki para hindi timpla ng timpla.

"Mas maganda yung color green." sabi bigla ng babaeng sumulpot na lang sa tabi ko. At nung tinignan ko sya eh halos mapasinghap ako.

Holy! Holy! Holy!

Ang gandaaaaaa. Feeling ko talaga nagkislapan yung mga mata ko pagkakita ko sa kanya. Matangkad sya, mahaba ang buhok. May matangos na ilong at naaaaaapakinis nya. Maputi rin sya.

At nung ngumiti sya shemaaaay para akong natibo ng wala sa oras. Eto na ba yung sinasabi nila na nagkakaroon din ng crush ang mga babae sa kapwa babae? Hindi naman totally nagiging lesbo pero andun ang paghanga.

"okay rin naman ang blue kasi lalaki ang bibilhan mo right? Pero mas cute talaga yung green hindi pa common."

" pa-paano mo nalamang lalaki ang bibilhan ko." tae! Nautal pa ko.

"yung design kasi pang lalaki eh." ewan ko ba pero after nyang sabihin yun eh bigla na lang naging malungkot yung expression nya.

Magsasalita na sana ako ng may isa pang dumating. At ngayon halos lalaglag yung panga ko.

"Hey, I've got it." sabi nito sa babaeng kausap ko kanina

Sabay taas ng fresh milk.

"hmm" sagot nito sabay tumango at humarap sa akin.

"by the way I am Kate and this is Earl." pagkatapos nyang ipakilala yung sarili nya eh nakipag shake hands sya sa akin. Ganun rin naman yung lalaking kasama nya.

Swear talaga para akong nakikipag usap sa mga anghel. At yung lalaki, ang gwapo talaga! Parang wala man lang pores sa mukha at sooooobrang bango. Pero dahil si Bryce nga ang boyfriend ko eh syempre mas gwapo sya.

"ahmm its still your choice pa naman pero kung ako yung bibili nyan para sa baby ko eh i prefer green."

"ahh" walang kwenta kong sagot. Sobrang speechless talaga ako sa mga creatures na ito.

"Kate we have to go." sabi ni Earl matapos nyang tignan yung relo nya.

"yeah. So paano, ahmm ano nga name mo?"

"Aisha"

"Right. So Aisha, mauna na kami ah. Hope to see you again." at lalo akong nagulat dahil bigla na lang syang bumeso sa akin.

Hindi nga close na kami? Napailing na lang ako at pumunta kila Mama for sure naiinip na yun kasi medyo matagal din akong umalis. Nakapila na kasi kami.

"Buti naman dumating ka na, eto buhatin mo muna si Kyle kasi may nakalimutan akong sahog para sa lulutuin ko."

Pagkasabi nya nun eh dali dali nyang ibinigay sa akin si Kyle at umalis.

"oh ano baby nagugutom ka na ba?"

"gutom. Gutom," natawa na lang ako. Nasabi ko ba sa inyo na Isang dakilang gaya gaya ito si Kyle. As in kahit anong salita ginagaya nya. One time nga buhat buhat siya ni Bryce tapos biglang may tumawag sa kanya.

B - hello? Oh pare! Musta na?

K - hello, musta na

B - oo nga eh. Okay naman

K - okay naman. Hihihi gaya gaya ako.

Laghtrip talaga ako nung narinig ko yun! Sobrang taba lang ng utak at talaga namang nakakaaliw na sya.

"m-ama bili!" napatingin ako sa biglang tinuro ni Kyle at sakto namang nandun din yung mga classmates ko kaya naman nagsilapitan sila.

"Aisha!" sigaw ni Faye sabay lapit sa akin.

"oh, andito pala kayo."

"oo, gagawa kasi kami ng project namin sa home economics. Kaw ba tapos na dun?"

"ahh kaya pala. Oo, nung isang araw ko pa nagawa."

"buti ka pa, kami nga ngayon pa lang gagawa."

" okay lang yan matatapos din kayo agad."

"ay, ang cute naman nung bata!" sabi ng isa ko pang classmate si Girlie.

"ay oo nga noh!" hirit pa ni Irene.

Ay dahil nga sa sobrang galaka eh pinagkukurot pa nila sa pisngi si Kyle.

"halaaaa! Ankyot nya talaga. Hindi ko alam na may kapatid ka pala." - Faye

"oo nga! Akala ko solong anak ka!" - Irene

"hala, tignan mo!" - Girlie

At natawa kaming lahat. Kahit kailan talaga pabibo ang batang toh, nag beautiful eyes ba naman! Hahaha ang cute lang eh.

"kyaaaaa! Papicture nga kami!"

"oo nga ang cute talaga!"

So ayun nga nagpapictue nga sila at eto namang si Kyle todo smile. Vain ata toh. Hahaha

"Mag-isa lang talaga ako, anak toh ni Bryce." nasabi ko na lang pagkatapos naming tunawa.

"Bryce?" - Girlie

"Bryce? Yung heartthrobe na taga 4A?" - Faye

"Yung magaling mag basketball?" - Irene

"oo nga! Si Bryce De Vega bakit ba gulat na gulat kayo?" nagtatakang tanong ko pa. Bakit kasi hindi nila kilala yun eh napakasikat nga nun sa school.

"Oh Aisha"

"ay mama nandyan ka na pala. Mga classmates ko nga pala sa school."

"Hello po Tita." - sabay sabay nilang bati.

" Ah Hi!" - bati rin ni mama sabay ngiti.

"Pero, hindi nga? Totoo?" - Faye

"oo nga kulit, hahaha. Osige na una na kami ah malapit na sa pila eh. Byeee!"

Saka sila umalis na parang naguguluhan pa talaga.

Pero ang weird, kataka taka ba talagang may anak na si Bryce?

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon