NOTE!! kyahahaha para sa mga nakabasa nito.. nakalimutan kong iedit! bwahaha basahin nyo ulit.. sow sorry.. seee.. sabi na sa inyo wala ako sa mundo habang ginagawa ko ito eh. hahaha
third POV yung kay Bryce.. i told you guys, hindi ko kayang gumawa ng POV nya kasi hindi ko kayang i express yung feelings nya. natatakot ako na baka mamali ako and such at masira yung image nya. you see I portray Bryce as may man of my dreams.. bwahaha charooo basta
weee ayun, dapat hindi ako mag update ang kaso dahil sa suspended ang klase ko ngayon so ayuuunn.. haha ako ay nakagawa ng update.
dedicated to MsFranny as i promised. hahaha
hi nga pala kay kijara_noal na pang 300th fan ko! yohooo!! hahaha.. THANK YOU SO MUCH MGA TB-BERS Ko <3..
happy 40+k reads din.. haha sa susunod hundred na tayo.. bwahaha charing, syempre feelingera akei. haha ayun saka baka nga pala mapadalang na yung update ko. wag na mag reklamo BUSY AKO. hahaha basta i'll update as soon as I can okay? please do bear with me I really am trying to find time na makapag update kahit na minsan tinatamad na ko. hahaha
ayun.. COMMENTS PLEASE... ^_^
Napasapo na lamang ang binata sa kanyang noo pagkatapos makita ang oras.
Halos tatlumpung minuto na siyang naghihintay sa kanyang sasakyan pero kahit hibla ng buhok ng dalaga ay hindi pa niya nasisilayan.
Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng kaba lalo pa’t alam nya at nararamdaman nyang may bumabagabag dito at hindi niya lang magawang sabihin ito sa kanya.
Hindi na siya nakatiis pa at lumabas na ng kanyang sasakyan para hanapin ang katipan.
Sa bawat Segundo at minutong lumilipas ay hindi siya mapakali. Hindi naman kasi ito nahuhuli pag ganitong uwian na lalo pa’t dadaanan pa nila ang anak nito.
Halos takbuhin na ni Bryce ang daan papasok ng eskwelahan. Doo’y nagpalinga linga siya sa bawat lugar na madadaanan niya.
Napaka imposible naman kasing kasama nito ang mga kaibigan dahil kanina pa niya itong nakitang umuwi ng sabay sabay.
Pinuntahan niya yung lugar na madalas tambayan ni Aisha pero halos bumagsak ang dalawang balikat nya ng maabutang walang tao dun.
‘Nasan ka na ba? Nag-aalala na ko’ text nya ito para kay Aisha. Kanina niya pa rin ito tinatawagan at tinetext pero hindi naman ito sumasagot sa kanya.
Kung kinakailangang suyurin ko ang buong school gagawin ko, Asan na ba siya?. Yan na lamang ang naisip ni Bryce.
Nagpatuloy na ito sa paghahanap kay Aisha.
Kasalukuyang nasa building siya nila. Talagang iniisa isa niya ang bawat silid na makikita para lang tignan kung naandon ba ang dalaga pero wala pa rin talaga.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...