Eight - Nursery Rhyme

13.3K 279 22
                                    

NOTE: guys! i got some announcement. pero unang una sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa lahat ng taong bumoto, nag comment, nagbabasa, nag fan at nag add sa library nila ng story na ito.

pangalawa gusto kong mag sorry sa late update and sad to say baka mga once a week lang ako makakapag update nito. depende pag may naisip na akong mga ideas at kung kelan magiging bakante ang time ko. so so sorry. ngayon pa lang nagsosorry na ako kasi mas magiging busy ako lalo na't finals na..

dyahe!.. but i try to upload as fast as i can. so just stay right there okay?.. haha

please do leave some comments naman po and pa recommend na din sa iba. haha yun lang. thank you!!

Aisha POV

Dala dala yung mga PE uniform namin ay papunta kami ng changing room para magpalit.

Thursday ngayon at ito ang pinakapaboritong araw ni Chel. Hindi lang dahil sa may PE kami ngayon kundi dahil sa kasabay ng PE namin ang section nila Bryce. Syempre yung oras na panunuod nya dun sa ultimate nyang crush nya na yun ay madadagdagan na naman.

Pero ako??...

Pagkatapos ng kagabi ayoko na atang mag krus ang landas namin.

Bukod sa hindi pa kami nagkakabati eh hindi pa rin kami nakakapag usap at pansinan.

Tapos tapos nakakaasar pa!!

Haissst!!.. para lang pala akong nakikipag usap sa hangin kagabi tulog naman pala sya. Sayang yung effort ko noh!.. pinag-isipan ko pa man ding maigi kung ano yung sasabihin ko sa kanya tapos ganun..

Shemay naman..

“dali dali tara na..” hila hila ako ni Chel papuntang open court namin.

Basketball ang PE namin. Pero sa totoo lang hindi lang namang din yun ang dahilan kung bakit gusto ni Chel ng PE actually gusto nya talaga tong subject na ito kasi nag eenjoy sya. Sa lahat na lang ng gagawin naming dito since first year high school kami nag ee-excel siya. Kung hindi naman at least hindi siya kulelat. Nagtataka nga ako kung bakit ayaw nya sumali ng varsity team ng school pero ang sabi nya sakit lang daw sa katawan yun.. sus! Buti nga sya may skills sa mga ganung bagay eh samantalang ako?...

Ako na ata ang taong WALANG TALENT..

Poor me.. -_-

Pagdating namin sa may open court ay nandun na yung section 1 which is yung section nga nila Bryce.  Aminin ko man sa hindi pero matalino ang loko.

Ang galing galing nga nya eh. Varsity na sya kasama pa sya sa mga honor rolls samantalang ako di hamak na average student lang.

Edi siya na.. psh!

Bakit ba parang ang bitter ko?...

Laboooo..

Nag umpisa na mag pa drills yung teacher namin at ganun din naman yung sa kabilang section. Kaya naman yung mga kaklase kong babae eh todo pacute habang natakbo or should I say habang nag-jojogging.

At ang nakakaasar pa eh nakaka 2 rounds na ako saka lang sila makaka isang round.. tae!! Dang daya!!..palibhasa ang daming gwapo sa section 1 kaya yung mga kababaihan naming dito parang asong ulol kung makatulo ang laway sa pagtingin ng mga crush nila. Tapos hindi lang lalaki ang pinagkakaguluhan pati na rin mga babae.

Seriously?! What’s with section 1? Bakit lahat na lang ng gwapo, magaganda at matatalino ay doon napadpad?.

“chel ilang rounds daw?” sabi ko habang patuloy na natakbo.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon