Forty 4 - Wonderdul Disaster

7.3K 137 21
                                    

Hi guys! so ayun pansin nyo yung bagong cover? haha yan po yung gawa ni ate hanna, sabi ko po last update papakita ko sa ayan. thank you po ulit!

ateee, sorry sa matagal na pag update kaya ayan ngayon lang ang dedication mo :-)

sakamat po pala sa paghihintay

--

Ramdam ko yung init ng kamay nya habang magkahawak kaming dalawa. Hindi ko mapigilang hindi siya silipin. Napakagwapo nya talaga. Napakatangos ng ilong at seryoso ang kanyang mukha habang diretsong nakatingin sa dinadaanan namin. Sobrang pagpipigil na yung ginagawa ko para lang hindi tumili dahil ako na ata ang piiiiiiiiinakaswerteng nilalang sa mundo.

Paanong hindi ko masasabing swerte ako eh ikaw ba naman may isang Bryce Kristoffer De Vega ang nagmamahal sa iyo ewan ko na lang kung hindi ka mabaliw. Hahaha

Ang sarap nya kasing magmahal.

"Saan nga tayo pupunta?" nabalik lang ako sa katinuan nung bigla nya kong tanungin. Agad naman akong namula nung ma realize nya na hinahalay sya ng mga mata ko.

"A-ahh secret nga kasi" sabi ko na lang sabay tingin sa mga sasakyang dumadaan sa harap namin.

Nagulat na lang ako ng bigla nya kong hapitin sa may bewang at saka ginawaran ng halik sa noo. And swear feeling ko tumigil saglit yung takbo ng mundo ko at nag slow mo ang lahat.

"I love you po." at parang may bombang sumabog sa puso ko.

Shit! Ang sarap!

Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganun

Hindi ko alam pero parang naiiyak ako na ewan.

Siguro dahil lang ito sa sobraaaang emosyon na nararamdaman ko nga yun.

"Tara sakay na tayo." at sumakay na nga kami.

At kung itatanong nyo kung saan kami pupunta eh secret nga kulit. Hahaha pero kasi may DATE kami ngayon.

As in DATE talaga. Kaming dalawa lang. Walang Kyle na kasama.

Ako at siya. Kaming dalawa.

May date kami kasi nga nililigawan ko sya diba? So bilang *ahem* 'manliligaw' nya eh niyaya ko syang mag date. Oo na, ako talaga nag yaya kasi nag-iinarte siya. If I know nagpapalambing lang tong isang toh. At partida sinundo ko pa talaga siya sa unit nya. 'Manliligaw' nga kasi ako diba? Hahaha

Hindi lang yun kasi ako talaga nag isip ng lahat. As in plinano ko tong maigi mula sa mga gagawin namin, pati yung oras tinansya ko rin hanggang sa damit na susuotin ko pati na rin ang kulay ng nail polish ko ngayon, neon pink. Hahahaha syempre kailangan perfect toh para sagutin na ko agad diba? Hahaha at oo ako din may sagot ng expenses kahit na ilang beses namin tong pinagtaluhan.

At soooooobrang excited na ko. Kung hindi nga lang siya nagalit at pinatulog ako kanina eh malamang kanina pa ko gising. Hahaha feel na feel mo na ba yung excitement ko? Hahaha

Nung una nag uusap lang kami ng kung ano anong bagay. Tanong kasi sya ng tanong kung anong gagawin namin saka saan pupunta. Ayieeee hahaha hindi lang ako yung excited. Pero lumipas pa ang mga minuto eh nawala na yung mga ngiti ko sa labi. Yng parang biglang bula na nagsiputukan lahat ng excitement ko sa katawan. Nakakunot ang noo kong tinanong ang kundoktor.

"Manong matagal pa ba?" kahit sa tingin ko eh naiinis na rin sya sa akin dahil hindi lang isa, hindri rin dalwa at lalong hindi tatlo dahil lagpas pa ata sa mga daliri ko sa kamay ang beses kung tinanong yang mga yan.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon