Note:
Ngayon pa lang mag so-sorry na ako sa lame update! ahaha and sorry kasi antagal bago ako nakapag update! ahaha busy kasi eh and sa totoo lang sa lahat ng ongoing stories ko ito lang ang walang plot. paano ba naman nung naisip ko ito ay bigla ko na lang tinaype haha wala talaga sa plano. so anyways. babawi na lang ako paghindi masyado busy.. sorry talaga.. tapos ang iksi pa. HAHAHA..
enjoy reading!..
si lenard nasa gilid ^_^
Nakapalumbaba ako sa may table habang hinihintay si Chel. Andito kasi kami ngayon sa canteen at break na namin.
Pinauna ko na siyang mag order ng kakainin nya kasi..
Kasi wala lang, ewan , feel ko lang. HAHAHA.. hindi kasi ano talaga..
Aisst!.. yung kanina na nga lang.. wala lang, ewan, feel ko lang.. haha adik >.<
“ui!!”
Naalis ako mula sa pagmumuni muni ko nang dumating si Chel
“ano ba chel! Wag mo nga kong ginugulat.. naman eh.”
“tss.. paanong hindi eh kanina pa kita tinitignan dito tapos hindi mo man lang napansin yun pagdating ko. Kanina ka pa kasi nakatulala dyan. Ano bang iniisip mo? Saka ano bang ginawa mo kagabi at parang puyat na puyat ka.”
“hindi ako puyat.”
“sus! Like hello?! First time ko Makita sa klase na si Aisha Koleen Peralta inaantok at kung hindi pa kita kukurutin kanina malamang napapunta ka na sa guidance office dahil natutulog ka sa klase.”
“wala lang yun.”
“tss.. idagdag mo pa ang malalaki at maiitim na eyebugs mo.. like duh! Kadiri kaya, hindi ka fresh tignan. Para kang witch.”
“kukutyain mo na lang ba ako at hindi hahayaang makabili ng makakin mo?. Mamaya maging witch nga ako dyan eh and swear kukulamin kita.”
“haha joke lang bestfriend! Sige na bumili ka na.. haha” ^_^V
Baliw talaga yun =_=
Pero tama nga naman siya. Simula pa kaya nung pumasok ako para akong living dead na naglalakad sa school.
Tss..
Kasalanan toh ng mga nalaman ko kagabi and that is Bryce being a dad tapos anong oras na ako nakauwi. Halos mag 11 pm na kasi nung dumating siya ng condo nya so mga 11:30 na ko nakauwi and TAKE NOTE, ni hindi man lang nya ako naisipang ihatid kahit sa may sakayan man lang.
Like haller!.. gabing gabi na kaya. Kahit hindi nya ako friend kung gentleman sya gagawin nya pa rin yun. Tss BV..
Pakiramdam ko tuloy wrong move pa yung decision na ginawa ko sa pagtanggap sa trabahong ito. Buti na lang talaga hindi nagising yung bata dahil nakuuu!..hindi ko talaga alam yung gagawin ko.
Tapos pagdating ko pa ng bahay gumawa pa ako ng mga homework at halos 1 am na ko nakatulog. Hindi pa naman ako sanay na nagpupuyat dahil usually 9 pm pa lang tulog na ko sa bahay.
Ang dyahe talaga.
Feeling ko tuloy 4 na taon sa buhay ko ang nawala dahil sa lack of sleep.
Nang makarating na ako sa pilian ng mga pagkain ay hindi ako makapili. Ewan ko ba, parang wala talaga ako sa mood ngayon kanina pa nga ako uwing uwi na dahil gusto ko na sumalpak sa kama ko at matulog.
“ang daming masarap noh.”
Napatingin ako ng masama sa taong katabi ko. Parang baliw kasi bigla bigla na lang magsasalita, hindi ko naman sure kung kakilala ko.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...