Seventeen - I'm with you

11.2K 243 40
                                    

dedicated to sa kanya.. haha nag ka chat kami one time at nagkwentuhan kami.. haha thanks sa time ate.. salamat din sa kanya dahil nakabuo na ko ng pangalan para sa love team na Aisha at Bryce.. haha SHABRY at para naman kila Aisha at Lenard meron tayong SHALEN.. hahaha ^_^

ang daming Bryce sa comment last chapter.. eh si JB kaya ang makakakita kay Aisha.. hahaa ^_^V

kaway kaway kay ate peisha!!.haha waaa ate! like na kita ^_^ thanks sa mga bonggang comments mo.. haha 

sana magustuhan nyo tong update na ito. parang ewan lang nung nag tatype ako, haha. sana ma imagine nyo din.. osya..

Agad na napaangat yung ulo ko pagkatawag nya ng pangalan ko..

At halos hindi ko ma iexplain yung saya at relief na nararamdaman ko.

Masaya ba ako dahil may nakahanap sa akin?

Masaya ba ako dahil hindi na ako nag-iisa?

O Masaya ako dahil sa dinami dami ng pwedeng makahanap sa akin ay siya ang nakakita sa akin.

Tumitig muna siya sa mukha ko bago nya ako hinila at niyakap ng mahigpit.

Imbis na tumigil na sa pag luha ang aking mga mata eh mas lalo pa kong naiyak sa balikat nya.

Para lang akong bata sa mga bisig nya.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap namin at pinunasan ang malalaking luha sa mga mata ko na nag uunahan sa pag patak.

“ssshh.. tahan na ha..” pag-aalo nya sa akin na para bata.

Naalala ko tuloy bigla si Kyle, ganito din ba siya kapag pinapatahan nya ito?

Napakagentle lang ng mga kamay nya na nakahawak sa mukha ko.

“ok ka lang ba huh?! Ano may masakit ba sa iyo?! Kanina ka pa ba dito? Ano bang nangyari?” sunod sunod na bwineltahan nya ko ng mga tanong pero halatang halata sa mukha nya yung pag aalala.

Sinasabi nya rin ito habang tinitignan ang mga braso ko. Para bang iniinspect nya kung may bali ba kong buto o kulang ang mga daliri sa kamay ko.

Umiling lang ako sa kanya at hindi ko napigilang mapangiti.

“sigurado ka?” kahit na gabi na eh kitang kita sa maliwanag na buwan yung mukha nya na parang unease at worried na worried.

Ang daming katanungan ang naglalaro sa utak ko.

Mga katanungan tulad ng kung bakit siya andito? Kung bakit niya ko hinanap at paano at marami pang iba.

Pero sa huli ay hindi na mahalaga yun. Marami pang araw ang dadating para maitanong ko lahat sa kanya yun.

At habang tinitignan ko siya na nakaupo sa may harapan ko eh hindi ko na naman napigilan ang sarili kong magsalita at magbitiw ng mga salitang kahit ibitin ako patiwarik alam kong galing sa puso ko.

“I’m glad you’re here.”

Sa una ay nabigla siya at medyo iniwas pa yung tingin sa akin. Hindi ko alam pero nung mga time na yun parang hindi ako nakaramdam ng pagkahiya o sadyang nagiging komportable na ako sa kanya.

Nag nod lang siya sa akin at saka tumingin tingin sa paligid..

“ahmm B-Bryce..”sabi ko habang napahawak ako sa tiyan ko

“san ang masakit?” bumalik na naman yung pag aalala sa tono ng boses nya.

“k-kasi..ahh”

“Aisha, ano?!! Saan?!”

“Bryce…”

“nagugutom na ko..”

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon