Twenty 6 - Family Day

10.8K 221 39
                                    

hello!!.. haha dang aga ng update ko.. OMG! haha eh kasi naman sobrang napasaya nyo ko sa mga comments nyo.. as in talaga!!.. hahaHAPPINESS ^_^



and again thank you po!!.. ayun.. sabi ko bago ako mag birthday eh mag update na ako kaya ayun sobrang napaaga. haha eh kasi naman baka maging busy na ako nun kaya eto kahit parang mukhang hindi pinaghandaan at pinag isipan yung update eh eto na ibibigay ko na sa inyo. sana lang magustuhan nyo dahil parang advance BLOW OUT ko na ito sa inyo. pag hindi kayo nagandahan edi hindi.. bwahaha pero charing lang!.. feeling ko kasi ang pangit talaga nito pero babawi na lang ako sa next update. may mga binago kasi ako eh saka naisip ko na ilagay dun sa next update yung mga scene na dapat sana naandito. so ayuuunn.. pabitin talaga. haha



handami kong sinabi!!.. basta comment na lang po! haha batiin nyo ko sa birthday ko!.. haha makapag utos??.. pero joke lang yun.. basta! thank you!.. saka nakakatuwa kasi may mga silent readers na nagsisilabasan. eeehhh pangarap kong mapalabas kayong lahat na readers ko..haha pero IN TIME.. ^_^ sana talaga cross fingers.. at sana marami ulit feedback toh para sumaya naman ako sa birthday ko.  baka manlumo ako nun tapos hindi na mag update. hahaha..


naisipan kong magalagay ng pic ni Bryce. baka kasi nakalimutan nyo na siya hahaha


Andito ako sa may sala kasama si Kyle.

Pinaglalaruan nya yung birdie nya..

ayt!

 I mean yung stuff toy nya na angry bird.

Hindi ko nga sya maiwan-iwanan paano ba naman kasi simula kanina hindi na siya malayo sa akin. Aalis lang ako saglit iiyak na agad. Grabe sobrang namiss ata talaga ako ng batang ito.

Napapaisip nga ako kung paano naka survive si Bryce ng wala ako. I mean alam ko naman na nagagawa nya ito dati pa pero diba? May attachement na sa amin ni Kyle saka parati na nya kong nakakasama kaya naman normal lang para sa kanya na hanapin ako.

Pero syempre nag-aassume lang ako. Hahaha

Medyo na bo-bored na nga ako kasi kanina pa kami dito. Hindi ko naman makulit at malaro ng bongga talaga si Kyle kasi sa may kabilang mesa andun lang si Bryce at seyosong seryosong nakaharap sa books at notebooks nya.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon