dedicated to her.. kasi natawa ako talagang nag message pa sya sa akin na uulit ulitin nya yung pagbabasa nito para lang maging 3k reads na hahaha.. at nawindang ako kasi pag tingin ko 70 reads na lang ang kulang at kailangan ko nang mag update. ..seriously ate, ikaw lahat nagbasa nun? haha joke.. maraming salamat po sa pagbabasa
feeling ko hindi nyo toh magugustuhan.. bwahaha wala kasi si ano eh,.. si ano... haha baka sa susunod na update na lang muna siya..
Humikab hikab pa ko habang kinukusot ng isa kong kamay ang kanang mata ko.
“baho..”
Sinamaan ko ng mukha yung nasa kabilang pila.
“tumigil ka Joniel.. 3x akong nag toothbrush at paulit ulit akong nagmumog ng Listerine at kahit na bagong gising ako hindi ako bad breath” =_=
“sungit neto.. joke lang eh..”
“mag biro ka na sa lasing wag lang sa kulang ang tulog.”
“eh bakit ba puyat ka?”
“nakakapuyat kasi syang isipin.”
Napatakip na lang ako bigla sa bibig ko..
Hanobayung sinasabi ko?! Inaantok pa nga ata talaga ako..
“a-anong?-”
“good morning students!” bati sa amin nung head teacher namin.
Nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil kung hindi malamang sumabak na naman ako sa isang interrogation nito.
“please do prepare your things at I-double check na rin para wala tayong maiwanan. As soon as matapos na ang registration ay maari na kayong sumakay sa bus na naka assign sa inyo. Thank you.”
Mabilis na sinunod naman naming yung sinabi nung head teacher naming. Aba! Lahat ata ay excited para sa camping na ito.
At oo kasama ako, hindi ko nga akalain na papayagan ako ni Bryce eh. Pero sabi naman nya may nahanap na siya na pwedeng mapag iwanan kay Kyle at kung sino yun?. Aba malay ko sa kanya.
Hindi ko na rin kasi natanong dahil sobrang natuwa ako at na excite para sa camping na ito. 3 days and 2 night ang camping na ito. Actually yearly naman siya nangyayari pero sa iba’t ibang venue ginaganap kaya naman kada taon ay iba iba talaga ang mga activities na ginagawa naming.
Pero isa lang ang sigurado ako…
MAG EENJOY AKO DITO…
**
“andito na tayooooooo…. 1 2 3 ” - chel
“kyaaaaaaaa!!!” sabay sabay na sigaw ni Halley at Chel.
Kaya naman halos nawalan ako ng pandinig ng 10 seconds sa pag sigaw nila na yun. Paano ba naman pinaggigitnaan nila ako at talaga namang nakaharap pa sila sa akin nun…
Sabi ko na nga ba wrong decision talaga ako na tumabi sa kanila eh… isipin nyo na lang yearly nangyayari ang camping at oo..
Pang apat na taon na nilang ginagawa sa akin yun.
Hindi naman kasi strict sa bus kaya kahit hindi mo ka section pwede magtabi as long as same year kayo.
9 am pa lang nung naka nakadating kami sa site at masasabi kong ito na ata ang pinaka the best sa lahat ng venue na pinag-ganapan ng camping.
Dahil pagkababa namin sa bus ay isang gubat ang sumalubong sa amin.
Agad na pinapila kami by section. Mahahalata mo sa lahat na excited talaga dahil panay ang kwentuhan nila at hindi maiaalis yung ngiti nila sa labi.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Fiksi RemajaMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...