Nineteen - Friendship gone?

11.1K 205 21
                                    

ahem!.. haha unang una gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa nito, mga nag fan, nag add nito sa library nila, nag recommend sa iba at pati na din sa mga voters at commentors.. hindi nyo alam kung gaano nyo ko napapasaya sa bawat comment na natatanggap ko sa inyo.

sorry tagal ko mag update noh?.. haha gumala kasi ako at naki fiesta eh hahaha.. tapos this week busy din dahil aatend ako ng binyag at burtdei ng pamangkin.. hayaan nyo at padadalhan ko kaya ng tig isang tinapay.. bwahaha

hello po kay

Tswtd_Sunshine

rainyear_love

at kay Hazelatte... ate! thanks sa dedication!! ^_^

gusto ko din mag thank you sa mga reader ng storyaheng ito na nagbabasa din ng iba ko pang stories sa my works ko..

i'm planning to make POV of other character kaso hindi ko alam kung sino. bigay naman kayo suggestion oh.. nawa'y hindi si Bryce cross fingerss.. bwahaha.. basta kung sino pinakamarami. saka ano ba mas prefer nyo 1st pov or 3rd pov na pag gawa ng update?..

one more thing! haha last na talaga.. hmm sinong mabait na pwedeng gumawa ng cover nito?.. haha waaa..sorry!.. ayokong maging demanding ang kaso fail talaga ako sa mga edit chuva.. haha yung mga interested just pm me or mag leave kayo ng message sa MB ko.. kung wala edi sorry ako.. hahaha ayokong mamilit.. dun lang sa mga willing na mag lend ng helping hand sa tamad na tulad ko. bwahaha

happy reading!

Medyo iika-ika pa ako nung lumabas ng gate namin.

Hindi na ako nakasaklay pero medyo hirap pa rin ako sa paglalakad. Hindi na muna kasi ako pinapasok ni mommy dahil sa injured pa ang paa ko. Pagkauwi ko nga eh katakot takot na sermon ang inabot ko pero buti na lang hindi ako grounded.

Isinabit ko na yung strap ng bag ko sa may balikat ko at hahakbang na sana ako ng bigla akong mapatigil dahil sa taong nakasandal sa may gilid ng gate namin.

Dahil sa sobrang gulat ko eh muntikan na akong ma out of balance pero buti na lang at sa mabilis siyang kumilos at nahawakan nya ko sa braso.

“i..i.. i-ikaw?!” utal utal ko pang sagot habang dinuro duro ko sya.

Pero sa halip na sumagot siya sa akin ay nag cross arms lang siya sa harap ko at tinaasan pa ko ng kilay.

“a-anong ginagawa mo dito?”

“I see, wala ka nang saklay. Amin na yang bag mo.” Pagkasabi nya nun eh inilahad nya yung kamay nya sa harap ko.

Dahil sa hindi pa rin ako maka get over kung bakit siya naandito eh nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sa kanya.

Promise, naguguluhan talaga ako.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin yung bag ko at nagsimula ng maglakad patungo sa nakasandal na bike nya.

sa totoo lang ngayon ko lang din napansin yun kung hindi pa siya lumapit dun

“o-oi!! Te-teka” pag-aangal ko sa kanya.

“bakit mo kinuha yung bag ko? Saka bakit ka naandito? Anong ginagawa mo?” sunod sunod lang yung tanong ko sa kanya habang siya eh parang wala lang narinig at umangkas na sa bike.

“ui!!” this time hindi na ko nakapag pigil pa at hinawakan yung balikat nya pero agad ko rin namang binitawan..

Ba-bakit ganun?! Bakit parang nakuryente ako?

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon