this chapter is dedicated to scratchpapers.. kyaaaa!! FRIENDSHIP! haha pa thank you ko ito sa iyo dahil dun sa cover na ginawa mo. haha nakakatuwa talaga yun promise!! kasi naisipan mong gumawa nun.. haha loveyaaa!
sa gilid po yung cover na ginawa niya.. hang ganda noh! hahaha ^_^
comments.comments.comments naman ^_^
Naupo ako sa may table kasama ang barkada pagkatapos naming mag order ng pagkain.
Andito kami ngayon sa canteen. Kakatapos lang ng game namin at hindi lang pagod ang nararamdaman namin dahil gutom na gutom din kami.
Ngayon ang last day ng intrams namin at mamaya na ang awarding.
Isinubo ko na ang ham and cheese sandwich ko ng magsalita si Halley.
“Ui! Nuod tayo mamaya ah.” Sabi niya pagkatapos nyang isubo ang fries niya.
“Syempre! Aba! Hindi ata ako papahuli. Maglalaro kaya mamaya si Bryce bebe ko!” sabi naman ni Chel na todo kung makangiti.
“maka Bryce bebe naman toh.” Sabi ni Renz habang nagpupunas ng pawis.
“Che! Basta mamaya ihahanda ko na ang sarili ko. Nag compose pa naman ako ng bagong cheer sa kanya.” Nagde-daydream na sabi ni Chel.
“manunuod ka din ba mamaya Aisha?” biglang tanong sa akin ni Joniel.
“Oo naman! Andun kaya papa Lenard niya” pang-aasar ni Chel
“Bakit? Ano bang meron?” walang gana kong tanong. Hindi ko alam eh.
“Sows! Estudyante ka ba talaga dito?! Bakit hindi mo alam angi isang napakahalagang event mamaya.” Sabay inom ng tubig ni Halley.
“Eh sorry naman! Masyado kasi akong kabado sa mga game natin kaya dun lang ako naka focus.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.
“Wushu! Ang sabihin mo this past few days pre-occupied lang yang isip mo. Ano ba kasing iniisip mo huh?!” mapang usisang tanong ni Halley sa akin.
Pero bago pa man ako makasagot eh naagaw na agad ni Chel ang atensyon namin.
“OMG!!! Gwapo alert! Gwapo alert!” ngiting ngiting sabi ni Chel habang pinapaypayan pa ang sarili. Animo’y nainitan siya bigla.
Agad naman kaming napatingin sa tinutukoy niya.
“Sus! Mas gwapo pa ko dyan.” Bulong bigla ni Joniel pero mukhang hindi ata siya bulong dahil rinig naman sa buong mesa namin.
“Halley pakibatukan nga yang ‘BHIE’ mo.” Sabi ni Chel emphasizing the word BHIE. Agad namang namula ang dalawa at nanahimik. Napangiti na lang ng lihim si Chel. Alam na alam nya talaga ang kahinaan nung dalawa.
Muli kong binaling ang atensyon ko sa lalaking nasa harap ng counter.
Ngayon ko lang siya nakita ngayong araw na ito. Grabe kahit pawisan na siya ang gwapo nya pa rin.
Sabagay busy kasi siya dahil may mga laban din sila ngayon. At walang duda ang section na naman nila ang panalo sa Basketball.
Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko kung paano niya binuksan ang bottled water na binili niya at saka ito ininuman.
Kitang kita ko din ang pag galaw ng adams apple niya habang nainom.
Agad kong iniling ang ulo ko.
Shemay! Bakit ba ko napatingin dun.
Pero bigla na lang akong napalunok ng matuon naman ang atensyon ko sa mga labi niya.
Yung mga malalambot at mapupulang labi na yun na unang umangkin sa mga labi ko.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Ficção AdolescenteMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...