Note:
pa plug nga pala! please do read "A love to last" and "Stay Forever"
so sorry sa matagal na update! ahaha..
ang gara ng chapter na ito. putol putol ko kasing ginawa kaya hindi ko alam kung tugma pa. HAHAHA
hopefully magustuhan nyo. saka nahihirapan akong isulat ito. diba nga kasi wala akong plot nito? so ng hirap mag isip kaya guys, i'm open for your suggestions okay?.. mamahagi kayo ng ideas.. ahahaha feel free to message me or post on my wall or comment.
walang bayad yun!
ahaha
dedicate ko nga pala toh sa kanya. kasi, nag chikahan kami last night! haha thnx! ^_^
Pauwi na ako buhat buhat si batang Kyle.
Ang hirap umuwi na may buhat na bata tapos may nakapasan na backpack sa likod mo.
Dyahe!..
Kung hindi lang 10k yung sweldo ko dito hindi ko to pagtitiisan.
Buti na lang talaga at super cute ng batang ito. Nawa’y hindi lang sana magmana sa papa nya ang ugali nya.
Gwapo nga ang sungit naman.
Tss..
Dahil sa ang dami kong dala ay hindi ko alam kung paano ko pa nabuksan yung pad ni Byrce basta nabuksan ko na lang ito at saka pumasok.
Dumiretso agad ako sa kwarto ni Kyle at inilapag sya sa crib nya. Buti na lang talaga at hindi iyakin ang batang ito, iiyak lang kung nagugutom or whatsoever tapos minsan siya lang mag isa naglalaro kaya nga minsan naawa ako sa batang ito eh.
Binuksan ko na yung bag ko at kinuha yung damit na dinala ko. Dahil nga kasi after school ay diretso na ako sa pagsundo kay Kyle kaya hindi na ako nakakauwi ng bahay. Buti na lang talaga at halos hindi na nakakauwi ng bahay si mama dahil sa after nya magbantay kay Papa sa hospital ay diretso na sya ng work nya. Kaya naman halos hindi na kami nag kikita =(.
Inilabas ko na mula sa bag ko yung damit na binaon ko para dito na ako magbibihis sa pad ni Bryce. Ang dyahe naman kasi kung simula umaga naka uniform ako hanggang mamaya diba?..
Ang ewww na nun!..
Haha dang arte!..
Tapos pag uwi ko ng bahay saka ako nagwa-wash up. Binalak ko na nga sanang dito na rin mag wash up ang kaso bata kasi yung binabantayan ko. Mamaya habang nasa cr ko umiyak siya edi nagtatakbo pa ako palabas.
Hinubad ko na yung uniform ko at aakamang issusuot ko na yung shirt ko ng.
Bogsh!.
Bumukas ang pinto at..
“kyaaaaaa!!!!”
At automatic na tinakpan ko yung katawan ko ng damit at kinuha yung mga stuff toys ni kyle na nasa kama at pinagbabato sa may pintuan.
“ow!’
“ouch!”
“aray!”
“aw ano ba??!”
“kyaaaa!!”
Sigaw ko habang patuloy na binabato ang kung ano anong mga bagay na mahawakan ng aking kamay.
“damn! Stop that! Nakakasakit ka na ah!.. tss.” Sabi nya sabay glare sa akin.
Like duh!.
Sarap ibato sa kanya yung buong kama. Hindi man lang ba sya nabo-bothered na nagbibihis ako kanina and take note! Ni hindi man lang makuha mag sorry!..kaasar!!..
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...