Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Seven - Apology accepted or FAIL?

13.8K 243 12
                                        

 NOTE:

sorry sa matagal na update. ang tagal kong pinag-isipan kung ano yung susunod na gagawin ko pero in the end ang panget pa rin ng nagawa ko.

sorry. hahaha..

si Chel po yung nasa gilid ^_^

sana ma enjoy nyo kahit pangit. hahaha

Bakit ba minsan napakahirap para sa isang tao humingi ng kapatawaran. Na para bang kahit minsan ikaw na ang may kasalanan ang hirap pa rin.

Katulad ko ngayon.

Aware na aware ako na ako yung may kasalanan pero sa tuwing kaharap ko na sya at sasabihin na ang magic word na kahit nga dito ay hindi ko masabi kaya malamang sa kanya hindi ko pa rin masabi.

Yung tipong parang umuurong yung dila mo o kaya naman may exam kayo at bigla ka na lang na mental block.

Ganun. Ganun na ganun yung nararamdaman ko at ilang araw na ang lumipas simula nung nagkausap kami.

“Do you understand class?”

“Yes.”

Napatingin ako kay Chel na inaayos na yung gamit nya sa may bag. Lunch time na namin at heto na naman ako walang naiintindihan.

Naman naman kasi eh…

Hindi talaga ako sanay na nanghihingi ng sorry sa isang tao. Hindi dahil sa ma pride akong tao kung hindi dahil sa hindi naman talaga ako sanay. I mean huling away ko eh nung grade 2 pa ako at yun ay yung nabali ng seatmate ko yung bagong crayons na binili sa akin ni mommy. Tapos after nun wala na.

Nagso-sorry naman ako kay Chel at sa iba pang mga kaibigan ko pero bakit ganun..

Bakit pagdating kay Bryce ang hirap hirap mag sorry?

“tara na girl” sabi ni Chel pagkalapit nya sa akin.

Tumayo naman ako at naglakad palabas kasama sya.

Pagkadating namin ng canteen ay agad na naghanap kami ng mauupuan. Mahirap na baka mawalan pa kami minsan ang crowded pa naman dahil sa ang daming tao. Pagkalapag namin ng mga gamit naming ay tumayo na si Chel para mag order ng pagkain. Nagpasabay na rin ako sa kanya.

Nitatamad akong tumayo at makipagsiksikan at saka pumila eh.

Maya maya lang ay nagulat na lang ako bigla ng ilapag ni Chel yung tray ng pagkain saka pumeywang.

Teenage BabysitterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon