Naglakad ng paaalis si Kate at Earl. Nagtama ang mga mata namin. Saglit kaming nagkatinginan bago siya tumango sa akin at naglakad palayo. Agad naman akong pumasok ng condo ni Bryce. Naabutan ko siyang nakatayo at nakatulala sa kawalan. At sa itsura nyang yun para syang batang nawawala sa mall.
Maiingat na lakad palapit ang ginawa ko at kahit nakalapit na ako eh hindi pa rin nya napapansin ang presensya ko. Naiiyak ako sa itsura nya. Malayong malayo sa Bryce na nakilala ko. He look defeated and anyminute now he might break down.
"Bryce" mahinang tawag ko sa kanya. Kitang kita ko ang unti unting pag tingin nya sa akin. At napatakip na lang ako sa bibig ko para pigilan ang impit ng iyak ko. Its like he's seeing me but not really seeing me. Yung tipong nakatingin nga sya pero tagos sa iyo yung tingin nya. He look helpless at wala akong magawa para matulungan man lang sya.
Nakita ko syang huminga ng malalim at saka ngumiti. Isang mapait na ngiti.
"So you've heard and seen everything?" tanong nito sa akin na syang tinanguan ko lang.
"Siguro naguguluhan ka sa mga narinig mo."
"But its true." mahina lang ang pagkakasabi nya nito. Para nga lang hangin ito pero despite that narinig ko pa rin. At balot na balot ito ng sakit.
"I'm not Kyle's father. Hindi ko sya anak." alam ko na kahit hindi nya pa sabihin pero iba pa rin talaga kapag sa bibig nya mismo nanggaling at narinig mo. At kahit ganun hindi pa rin ako makapaniwala. Paanong nangyari yun? He loved Kyle! Too much at kitang kita ko yun. And then it hit me, hindi ba minahal ko rin naman si Kyle kahit na hindi ko ito tunay na anak.
"Kyle. Anak sya ng bestfriend ko, si Kate who happens to be my first love." parang may bombang sumabog lang matapos nyang bitawan ang mga salitang yun. Pakiramdam ko may taling pumaikot sa lalamunam ko at nahihirapan akong huminga. Napahawak ako sa may sofa para hindi mapaupo. Yung parang sa mga palabas lang na umikot ang paningin ko at napasapo ako sa sumasakit na ulo ko. Feeling ko hindi lang dibdib ko ang sasabog kundi pati na rin ang utak ko. Sumisigaw ito ng information overload! At hindi na makaya pa ang mga bagay bagay na nalalaman nya.
Ano pa ba? Ano pa bang hindi ko nalalaman?
Napatingin ako kay Bryce. Kaunti lang ang distansya namin pero parang ang layo layo nya. He's so near yet so far. Okay redundant na pero ganun yung nakikita ko. Para bang nagmahal ako ng taong hindi ko kilala. Hindi lang parang dahil hindi ko naman talaga siya kilala maliban na lang sa pangalan nya at birthday nya pati na rin kung saan siya nakatira. Maliban dun wala na kong alam.
Nagmahal ako ng taong napakaseryoso at maraming sikreto sa buhay. Pero wala naman ibang pwedeng sisihin dito kundi ako diba? Mga pagkukulang ko yun kaya dapat lang na wag akong mag inarte sa mga nalalaman ko ngayon.
"Sorry for not telling you. I didn't see this day will come so soon. Ni hindi ko man lang napaghandaan." at bigla na lang nabasag ang boses niya.
"And now they're taking him away from me." this time nakatingin na siya sa akin habang umaagos ang mga luha sa mga mata nya.
I took steps papalapit sa kanya. At bigla siyang niyakap. At dun siya biglang humagulgol ng iyak. Ramdam na ramdam ko yung panginginig ng mga balikat nya habang binubuhps nya lahat ng sakit sa akin.
Niyakap ko lang siya at inalo alo dahil sa mga panahong ito, hindi man ako makatulong at makagawa ng solusyon sa mga problema niya eh ako naman ang magsisilbi niyang lakas.
**
Hinaplos haplos ko ang buhok ni Bryce. Umaga na at dito na ako sa kanila nakatulog. Nagpaalam naman ako kila Mama at hindi na naman sila nagtanong, alam kasi nila ang pinagdadaanan Ngayon ni Bryce at nagpapasalamat akong naiintindihan nila. Dito na kami sa sofa nakatulog dahil sa sobrang iyak niya. Nakapatong ang ulo nya sa mga hita ko. unti unti kong inangat yung ulo nya saka ipinatong ito sa unan, mabuti pa't makapagluto na lang muna para pag nagising siya ay may makakain kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/832666-288-k668237.jpg)
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
JugendliteraturMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...