Twenty 4 - Ignored

10.1K 175 13
                                    

hi mga TB-bers!.. hehe ayunn so sooory hantagal bago ako nakapag update. start na ng class ko at busy busyhan agad ang peg ko. ichura talaga, nasa bakasyon pa man din hanggang ngayon yung utak ko.. dyahe!!.. ahaha

ayun.. basta please do understand na lang kung bakit matagal ako mag update and ayun.. sana mahintay nyo. hahaha..

babes kean!.. heto na po yung dedication!.. hahaha ^_^

sana ma enjoy nyo yung update..

FEEDBACK AH.. hahaha.. saka pa promote na din! ^_^

Halos hindi ma process ng utak ko yung mga salitang binitiwan nya.

Nanatiling nakatulala ako sa may likuran nya habang unti unti siyang papalayo.

Ni hindi man lang ako nakapagsalita.

At nang tuluyan ng nawala siya sa paningin ko para akong binagsakan ng malamig na tubig sa buong katawan.

Nanginginig ako to the point na nanlalambot ang mga tuhod ko.

Naramdaman ko rin ang panlalabo ng mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak.

Napahawak na lang ako sa may dibdib ko..

Bakit ganun??..

Bakit ang sakit?

Pero nakalipas na ang ilang araw simula ng maganap ang pangyayaring iyon. Pero hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung kirot dito sa puso ko.

Yung tipong sa araw araw na ginawa ng Diyos palaging may kulang sa akin

Hindi ko rin ma explain kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

And Kyle??!

Damn! God knows how much I miss him.

Yung pakiramdam na hindi ako makatulog ng maayos kasi iniisip ko kung ano na yung lagay nya ngayon. Kung nakakain na ba sya?, magaling na ba sya?, masakit pa rin ba yung paso nya and such.  Maraming katanungang bumabagabag sa isipan ko.

Gustong gusto kong tanungin si Bryce pero ni minsan hindi niya na ako kinausap pa.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa mga kaibigan ko.

Kasalukuyang nasa canteen kami ngayon dahil lunch break namin.

“Tanggal si Tom noh?” sabi ni Renz pagkatapos ay sumipsip sa soda na iniinom nya.

“oo nga eh!! Sayang talaga crush ko pa naman yun!.. ang cute cute nya..” mukhang nag da-daydream pa si Chel habang sinasabi nya yun..

“Kaya nga parang ako lang..” pagkasabi ni Renz nun ay napahawak siya sa may baba nya.

“Kapal ah! San banda?” sarcastic na sagot naman ni Chel sa kanya.

“Eto oh.. katabi mo na..” sabay harap ni Renz sa kanya at turo sa mukha nya.

Agad namang nag make face si Chel na parang nasusuka siya.

“Bhie, eto na pala yung Orange juice mo.” Napatingin kaming lahat kay Halley na kadadating lang at inabot ang dala dalang orange juice kay Joniel.

“Salamat Bhie” masayang inabot naman ni Joniel yung juice.

At kung ako ay nagulat dahil sa endearment nilang dalawa sila Chel at Renz naman ay napanganga pa.

“Bhie??!! Ano yun?! PBB Teens??!!” sabay na sabi ni Chel at Renz habang tinitignan nila ang dalawa ng paanong-nangyari-yun look.

Nakita ko naman na namula si Halley sabay napatingin kay Joniel, para bang sinasabihan niya ito gamit ng mga mata nya na tulungan mo ako.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon