Twenty 3 - Fired

10.3K 194 27
                                    

Hayan update!!.. haha sabi na ang swanget talaga ng last update ko eh.. dang konti ng feedbacks.. T_T osya.. sana this time magustuhan nyo.. haha, nag update na ko bago mag pasukan..

hello nga pala kay SolarSparkle...  ^_^

guys!!.. please do help me recommend this story.. haha.. saka sana maglabasan na mga silent readers!!... ayun..

thank you!

Inayos ko yung bonnet sa ulo ni Kyle saka siya nginitian..

“Hayan!!.. pogi pogi na ng baby ko..”

Pagkatapos nun ay bumaba na ako ng taxi na sinasakyan namin. Mabuti na lang at mabait yung driver at tinulungan nya ko ayusin yung stroller ni Kyle.

Andito kami ngayon sa mall ni Kyle at Sabado ngayon.

Marahil ay nagtataka kayo kung bakit kasama ko ngayon si Kyle gayong weekend ngayon at wala naman akong trabaho.

Ilang days din kasi akong absent dahil sa binabantayan ko si Papa sa hospital. Napagpasyahan ko kasing mag spent muna ng time para sa kanya. Pinayagan naman ako ni Bryce dahil sa tingin nya ay makakabuti kay Papa iyon. Eh dahil sa nahiya naman ako sa kanya dahil ilang araw na akong hindi pumapasok sa trabaho ko kaya naman nag VOLUNTEER ako na bantayan muna si Kyle ngayon.

Tuwang tuwa naman ang loko. Tamang tama daw ang timing ko dahil may practice daw siya at kailangan nya daw ng mag aalaga kay Kyle.

At dahil sa bored naman ako sa bahay nila ayun napagpasyahan kong ipasyal si Kyle.

Paikot ikot lang kami dito sa mall. Tingin tingin kami ng damit tapos kakain din kami at syempre picture taking. Sasabog na nga ata memory card ko kasi puro pictures at videos ni Kyle.

Hindi ko naman siya madala sa arcade games dahil hindi pa naman siya maalam nun kaya naman dinala ko siya sa mga inflattables.

Syempre hanggang jump na mababa lang ang nagagawa namin. Tapos nagpapadulas lang kami sa mga mababa na slides.

Sa kalalaro naming eh hindi na namin napansin yung oras. Alas dos na pala ng hapon.

Mabuti na lang at hindi iyakin ito si Kyle.

Nung natapos na rin yung oras naming ay umalis din kami agad.. Ihing ihi na kasi ako..

At habang papunta kami ng CR ay hindi mawala sa isip ko kung paano ako mag cr eh wala namang magbabantay at maiiwan para kay Kyle. Mamaya bigla na lang may mag kidnap nito. Ang cute cute pa namang bata ito.

Pero habang palapit na ako ng CR eh may napansin ako..

Teka kilala ko talaga ito..

Bigla naman akong kinabahan..

Hala!!

Paano na lang kung may makakita sa aking kakilala ko at may kasamang bata. Mamaya kung ano na lang yung isipin nila.

Isipin pa nun anak ko ito.

Dali dali akong nagtago..

Siya talaga yun eh.. malakas ang feeling ko nakilala ko talaga yun..

Magtatago na sana ako sa isang stall ng may umagaw ulit ng pansin ko..

Hindi na maalis ang tingin ko sa kanila habang magkasama silang naglalakad..

Paanong nangyari ito?

Nagulat na lang ako ng magtama ang mga mata namin.

Siguro ay hindi niya ineexpect na magkikita kami.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon