Forty 5 - Invitation

6.6K 126 28
                                    

Ayan ah, may update agad! hahaha tinatapos ko na kasi sya para maumpisahan ko na yung iba ko pang nakatenggang stories. Sana lang ay sipagin akong gumawa ng outline! hahaha :-)

sorry nga pala sa mga typo

at dahil marami ng nakakamiss sa kanya eto na po. buti pa sa kanya may nakakaalala. :-(. tampo ako, hahaha charot!

para po kay ate violish hindi ka po naka follow sa akin kaya ganyan yung dedication. :-)

--

"Bwahahaha" isang malakas na pagtawa ang pinakawalan ni papa kaya naman ako, si mama at si Bryce eh sabay sabay na napatingin sa direksyon nya.

Ngiting ngiting nakatingin ito kay Kyle na nasa kama nya at naglalaro silang dalawa. At ang ngiting nakapaskil sa mukha nito ay talaga namang nakakahawa kaya nakita ko na lang yung sarili ko na nakangiti sa kanila.

Ahhhh, hankyut kaya nila tignan! Hahaha.

Si papa simula ng ipakilala ni Bryce si Kyle sa kanya eh halos araw araw na nyang pinapabisita ito sa kanya. Patakas nga lang kasi bawal namam ang bata sa ospital. Ewan ko ba pero tuwang tuwa sya dito. Palagi nga silang naglalaro at minsan hindi na ko napapansin ni papa. NAKAKATAMPO kaya! :-(

Pero hayaan mo na nga, sa tingin ko naman eh ang pagpunta dito ni Kyle palagi eh nakakapagpabilis ng recovery nya kaya ayun bukas na bukas din ay pwede na siyang lumabas ng hospital.

Nakakatuwa lang isipin kasi dati ayaw pa ni Mama kay Bryce yung hindi pa masyado sang-ayon tapos ngayon tignan mo para lang kaming isang pamilya sa loob ng silid na ito. Minsan nga mas tinatanong pa nila mama at papa sila Bryce at Kyle kesa sa akin.

kesyo kung nakauwi na ba sila? Kumain na ba sila? Anong oras sila pupunta dito, at marami pang tanong na puro sa kanila na lang.

at promise nagtatampo na talaga ako.

Pero sige na nga SLIGHT na lang, hahahaha.

"ey bi cee di ee efg etcsh ay jekay enenen nopi" rinig kong kanta ni Kyle habang naputol na naman ito dahil natawa na namam si Papa. Paano eh bulol pa kasi magsalita itong si Kyle? Ang galing nga dahil isang taon pa lamang sya eh nabibigkas nya na ng ganito ang alphabet yun lang bulol pa. Hahaha

At dahil nga tatawa si papa eh mapuputol sa pagkanta si kyle at uulitin na naman ito sa umpisa. Minsan pa nga ay pabibilangin nya ito pero hanggang 3 lang naman ang kaya. Pero kung tutuusin mabilia ang progress ni Kyle dahil mabilis syang maka catch up. Nakakaintindi na rin ito. Sa tansya ko nga ay matalinong bata ito.

"Ang cute talaga ng anak mo Bryce" papuri ni Papa kay Bryce na sya namang gumanti ng ngiti. Nakaupo kasi kami sa may sofa habang nanunuod ng Phineas and Ferbs sa TV. Ewan ko ba kung dahil lang kay Kyle at nanunuod sya nito o dahil sa mahilig lang talaga sya sa mga kenkoy na palabas. Paano nakipag agawan pa sa akin ng remote. Hindi tuloy ako makapanuod ng vampire diaries eh adik pa naman dun ang author. (hahaha epal lang :-) ).

"Sana lang ay wag nyo pa munang sundan itong si Kyle ah. Kuntento na ako na sya na lang muna. Kaya ko pa namang maghintay hanggang sa makatapos kayo at magpakasal. "

Literal na napanganga ako sa sinabi nya habang si Bryce na,an eh biglang naubo. Ewan ko pero biglang namula yung pisngi ko hindi lang dahil sa sinabi nya pero pati na rin nung naalala kong ginawa namin sa unit nya. Pero hep! Wag green, KISS lang yun period.

"Papa! Ano ba yang sinasabi mo" suway ni Mama kay Papa

"Bakit? Nagsasabi lang ako ng opinyon ko dahil alam mo naman ang mga kabataan ngayon. Malayong malayo sa kapanahunan natin."

"kahit na, hindi ka dapat basta basta nagsasabi lang ng ganun." tumigil ito sa pagsasalita at humarap sa akin.

"Maiba nga pala ako Aisha, nakausap ko ang Tita Ollie mo sa skype sabi niya sa New Zealand ka na daw nya pag-aaralin."

"huh?, ah eh" nauutal kong sabi sabay sulyap kay Bryce na nakatingin na sa akin ngayon. Agad kong iniwas yung tingin ko.

"ah oo nga, nasabi nya na sa akin yun."

"Mabuti naman, kaya maghanda ka na. Anytime eh pwede ka ng sabihan nun kung kelan ka pwedeng sumunod na dun sa kanya. Malaking tulong na yun para sa atin. Susunod na lang kami ng papa mo dun pag okay na ang lahat."

Matapos ang mahabang litanya ni Mama eh nagkaroon ng biglang katahimikan sa kwarto pero na lang sa ingay mula sa TV at kay papa at Kyle na naglalaro.

Ako lang ba talaga yun at guni guni lang pero kasi bigla na lang tumahimik si Bryce at hindi na ko pinansin.

**

Kasalukuyang naglalakad kami ni Bryce habang buhat buhat nya ang natutulog na Kyle patungo sa condo nya. At naiinis na ko

Kanina pa kasi sya tahimik at kanina pa rin ako kainakabahan kung bakit sya ganyan. Alam ko namang dati pa eh tahimik na itong taong toh pero ehhh...

"hui!" kalabit ko sa kanya nung hindi na ko nakatiis pa.

"hmm?" yan lang yung tanging sinagot nya habang diretso pa ring nakatingin sa daanan. Kainis toh! Hindi man lang ako tignan!

"hindi mo ba ko pinapansin?" tanong ko and this time eh tumigil na ko sa paglalakad kaya napatigil din sya.

"pinapansin" kita mo na! Pati pagsagot sa akin ang tipid!

"hindi eh, bakit ka ganyan?"

"anong bakit ako ganito?" anak ng! Naiinis ako lalo sa sagot nito.

" i mean ganito."

"anong ganito?"

"hay naku! Wag ka ngang ganyan, alam kong sinasadya mong magtanga tangahan. Bakit ba kanina mo pa ko hindi iniimik?"

"kinakausap kita ah." isa pang sagot sakin nito ng ganyan matatamaan tong lalaking ito.

"hay naku! Bahala ka nga!" sabi ko sabay walk out. Bahala siya, nakakainis kaya. Ang hirap kayang mag isip ng dahilan king bakit biglang hindi ka na lang papansinin ng tao. Syempre iisipin mo anong nagawa mo para magkaganun sya diba?

Napatigil lang ako sa paglalakad ng may biglang humawak ng kamay ko. Agad na napatingin ako sa kanya at nagulat ako sa sobrang seryoso nyang mukha. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan sa expression ng mukha nya.

Nagulat na lamang ako ng bigla nya kong yakapin.

Kahit pa nakaharang si Kyle eh ramdam ko ang mahigpit na yakap nya.

"wag kang umalis. Wag mo kong iwan." seryoso sya ng sinabi nya yan. Hindi ko man nakita ang mukha nya pero alam totoo yung mga sinasabi nya.

Automatic na napayakap din ako sa kanya. Hindi ako makapag salita. Dahil sa biglang emosyon eh naluluha ako at kung magsasalita ako eh tiyak na basag ang boses ko.

"Aisha, magsalita ka please."

Pero nanatili lang akong nakayakap sa kanya hanggang sa bumitaw sya sa pagkakayakap. At kahit medyo madilim na sa kinatatayuan namin eh hindi nakalampas sa mga mata ko ang pamamasa ng mga mata nya. Halatang naiiyak sya.

"ui! Hindi ka naman aalis diba? Dito ka na lang. Wag ka ng lumayo. Please" para syang batang iiwan ng nanay nya. Nagmamakaawa na isama sya nito sa pag alis.

Pero hindi pa rin ako makapagsalita. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya. Hinawakan ko na lang ang magkabilang pisngi niya at mata sa matang sinabing

"palagi lang akong nandito."

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon