Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Thirty 5 - They're mine

9.4K 173 38
                                        

hoyoon! hahabol pa ko ng update. haha naimbak na sa utak ko eh.


dedicated kay ate DaisyYui.


pero pasalamatan nyo talaga yung bestfriend ko na si withsugarontop kasi siya nangulit sa akin na mag update.. haha osya.. ayoko ng magsabi ng comments please baka ma disappoint lang ako. hahaha ^_^V

Nakasambakol ang mukha ko at nakapout sa harap ni Bryce.

"Oh, paano aalis na ko." Sabi nito sa akin habang sinusuot yung backpack nya.

"Sige ingat." Nasabi ko na lang.

Agad naman syang napatingin sa akin

"Huwag ka ng magalit at magtampo. Nagkataon lang, yaan mo pagbalik ko mamasyal tayo." Sabi nito na halatang kinukumbinsi ako.

"Oo na" sabi ko.

"Tss, bakit nakasimangot ka pa rin?" Tanong nito sa akin habang nakahawak ang kamay nya sa kamay ko.

"Mag-iingat kayo ni Kyle ah, mamimiss ko kayo" pinisil pa nito ang kamay ko saka hinalikan sa noo ang natutulog na si Kyle na buhat buhat ko.

Akala ko tuluyan na itong aalis pero bigla na lang syang bumalik saka ako hinalikan sa pisngi.

"I love you" nakangiting sabi nito sa akin bago umalis.

Oh shit! Namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang pinagmamasdan yung likod nya na papalayo.

Sinirado ko na ang pinto saka pumasok sa unit ni Bryce. Kung itatanong niyo kung san siya pupunta eh field trip lang NAMIN ngayon. At oo, HINDI AKO KASAMA.

Naman naman kasi eh, tyempong walang available na pwedeng mag-alaga kay Kyle at dahil naturingan akong BABYSITTER nya eh malamang dapat ko lang gawin ang responsibilidad ko.

Ang nakakainis lang eh, last field trip ko na ito dahil graduating na ko tapos hindi lang ako makakasama. Ayaw pa nga sanang sumama ni Bryce para samahan ako pero sinabihan ko lang siya na ieenjoy nya.

"Uwaaaaa, hindi ako kasama" pagngangawa ko ng mailapag ko na si Kyle sa may kama. Pero syempre mahina lang, mamaya magising pa edi dalawa na kaming nagngangawa dito.

Tinignan ko yung cellphone ko na may apat na text. Binuksan ko ito saka binasa

'Aisha, sayang hindi ka makakasama, wrong timing naman yang tyan mo. Basta pagaling ka ah. Mamimiss ka namin' - ang unang text ay galing kay Halley, uwaaa ako din mamimiss ko sila. Answeet nya talaga

Teenage BabysitterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon