Sorry for the late update. a lot of things happened to me these past few days. hope you guys understand.
enjoy reading ^_^
Simula nung natapos kaming kumain ni Lenard hanggang sa makagala kami at heto nga’t nasa sinehan na kami ay umaalingawngaw pa rin sa pandinig ko yung iyak nung bata.
Na para bang na stuck na sya sa tenga ko at parang recorder na paulit ulit lang.
At ang nakakainis pa eh mas lalo akong nagi-guilty habang patuloy na tumatakbo ang oras.
Hindi ko alam kung anong oras pa matatapos yung movie na pinapanuod namin. Kasi naman eh bakit ba hindi ako umalis kanina pa. Pero sige nga kung ikaw yung nasa posisyon ko at mabibigyan ka ng chance na makadate yung ubod ng gwapong nilalang na katabi ko ngayon tapos crush na crush mo pa sya palalagpasin mo pa ba?
Para lang yung nanalo ka sa raffle ng trip to hong kong tapos hindi mo alam kung sino sa family member mo o mga kaibigan mo ang dadalhin mo.
Diba?!
Ang dyahe lang!
Saka paano ko sasabihin kay Lenard na kailangan kong umalis dahil pupuntahan ko pa si Bryce? Baka kung ano pa isipin nun at kahit anong i-explain ko edi mabubunyag na may anak siya.
Kaloka!
Kung kaya ko lang hatiin yung katawan ko Diyosko hinati ko na..
Pero kanina pa talaga ako hindi mapakali. Linga na ako ng linga sa gilid ko at pagkakataon nga naman may katabi pa kaming bata.
Anak ng tinapa naman talaga oh! Nginitian pa ko..
Nang-aasar ba talaga?!
Isa pa yung pesteng cellphone ko… bakit ba natanga ako at hindi ko na charge kanina yun?!
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...