Thirty 8 - Lost

7.8K 134 36
                                    

Hello my beloved TB-bers! haha nag update ako kasi em so happy! nyahaha may mga pinakita kasi si mahal kong bff na mga post sa twitter about dun sa story ko entitled a love to last.. haha dang saya lang! nyahaha meron pa lang nagbabasa nun.. kayo baka gusto nyo i-try! nyahaha thank you soo much talaga.. saka sorry sa matagal na pag update.. gumagala kasi ang soul ko sa planet churvaloo ngayon lang siya nakabalik! haha..


and one more thing.. may secret ako. atin lang ahh.. haha eeehh.. sa dulo ko na lang sasabihin.. and yeah may tanong ako! haha gusto nyo ba kong gumawa ng fb account? nyahaha tanong lang.. baka kasi walang mag add dun! haha ^_^



Pumasok ako sa loob ng room. Pagkahanap ko ng silya ko ay agad kong ibinaba ang gamit ko at saka sumalampak dun.

Maaga akong dumating ng school. Na naman.

Simula kasi ng insidenteng yun eh hindi na kami nagkita pa ni Bryce. O mas magandang sabihin na iniiwasan ko sya. Kahit naman kasi pagbalik-baliktarin ko ang mundo at kahit na magbigay ako ng mga dahilan ganun pa rin ang resulta.

Iniiwasan ko talaga siya. Sa hindi malamang dahilan.

Wag kayong magalit kay mama. Wala naman kasi syang sinabi na iwasan ko si Bryce. Nagsabi lang siya ng opinyon nya. At hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong desisyon na iwasan sya.

Kahit mga text at tawag hindi ko talaga pinapansin. Iniiwan ko na nga sa bahay yung phone ko tuwing may pasok. Nagkikita naman kami sa school pero parati akong may dahilan sa kanya. At sa tuwing gagawa siya ng paraan eh hindi ako nawawalan ng excuses.

Sabihin na lang natin na ginagawa ko ito para mabawasan yung guilt ko. Sa mga pagsisinungaling ko kay mama at sa mga paglilihim na ginawa ko. Simula kasi ng malaman nya nahihiya na kong harapin siya. Kahit kasi hindi niya sabihin alam kong nagulat at nasaktan siya.

Sabi niya nga dati we're a team. Tapos ganito pa. Para bang hindi ko siya pinagkatiwalaan lalo pa't importante sa kanya ang mga ganito. Close din kasi kami ni Mama. Gusto nya lagi akong nagku-kwento sa kanya about sa mga nangyayari sa akin lalo pa't wala naman sya palagi sa bahay. Kaya ang malamang naglilihim sa kanya ang anak nya eh masakit talaga para sa kanya.

Nagsidatingan na din yung mga classmate ko. At maya maya lang nag umpisa na din ang klase.

**

"Tara na, punta na tayong canteen. Yung mga babies ko sa tyan gutom na." Sabi ni Chel sabay hawak pa sa tyan nya.

"Sus takaw mo lang!" Mahinang sabi naman ni Joniel pero hindi naman ata mahina yun dahil narinig ni Chel.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon