Walang prologue.. haha sorry.. anyways ENJOY READING! ^_^
please do leave some comments and vote
*******
Nakaupo sa may bench si Aisha kasama ang kaibigan na si Chel. Kasalukuyan niyang binabasa ang librong hawak habang ang kaibigan naman ay patagong nanunuod sa mga varsity players na nagte-training sa may court.
Aakalain mong parang pelikula lang ang pinapanuod ni Chel dahil sobrang focus nya dito.
Haisst,,
Araw araw ganito na lang ang parati naming ginagawa ni Chel. Pagkatapos kasi ng klase ay dali dali siyang hihilain nito sa may bench na katapat ng court para makinuod sa mga varsity players dito.
Meron kasi itong ultimate crush na simula pa lang nung unang masilayan ng kaibigan ay para na syang nabaliw..
Si Bryce. Isang mayaman, matalino, gwapo, rookie sa basketball at talaga namang hinahangaan ng marami.Simula ng dumating yan Bryce na yan sa school namin ay hindi na ata natahimik ang school. Halos araw araw ay pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihan lalo na kung makakasalubong nila ito o dadaan sa corridor. Nagmimistula silang mga napako sa kinatatayuan with matching sparkling eyes pa. kulang na lang ay isa-isahin nyang abutan ng mga saklay ito dahil parang nagiging mga jelly ace ang mga tuhod nila. At sa ayaw nya man at sa gusto ay kasama siya sa mga babaeng nasa corridor hindi dahil sa may gusto sya kay Bryce kung hindi dahil sa lagi siyang sinasama at hinihila ni Chel.
“Oi!” tawag nito sa kaibigan.. ngunit hindi man lang natinag ang kaibigan sa panunuod..
“chel! Hui!” katulad ng kanina ay hindi pa rin siya narinig nito.
“ROCHELLE JANE BALTAZAR!! ” hindi na niya napigilan pa at sinigaw na nito ang buong pangalan ng kaibigan.
“Oh?” walang pakialam na sagot ni Chel habang nananatiling nakatingin sa mga naglalaro.
“Hindi pa ba tayo uuwi? Mag six na kaya ng gabi! Naku ikaw talaga ah! Magsasaing pa ko!”
“Hindi yan!! Konti na lang matatapos na rin ito.”
“Hindi makakauwi ng maaga ang nanay ngayon Chel.”
“uwaa!! Samahan mo muna ako dito Aisha!” pakiusap ni Chel
“Chel naman eh..”
“please… pretty please…” pagpupumilit ni Chel.
“ay nakow bahala ka dyan. Hi-”
“AISHA!!” nagulat naman si Aisha sa biglaang pagsigaw ni Chel kaya naman napatingin ito sa kanya na may tinuturo sa likod nito. Agad namang tumalikod si Aisha para tignan kung ano ba yung dahilan ng pagsigaw ni Chel pero hindi inaasahan nito na may bola pa lang paparating sa direksyon nito at saktong tumama sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...