Fourteen - Weird

12.4K 270 29
  • Dedicated kay TO MY BELOVED TB-bers
                                    

Mahaba yung update.. wag sana kayong tamarin.. bwahaha

sobrang like ko yung mga feedbacks nyo last update.. sana dito din para ganahan ako mag update. hahaha 

tenkyow!!

Palundag lundag pa ako habang papalapit kay Halley na ngayon ay nasa harapan ko na at nauuna sa paglalakad.

“Paramoreeeeee!!! Wait mo naman ako.”

Pero tila wala siyang narinig at seryosong nakatingin pa sa notebook na hawak hawak nya.

“kumpleto na ba?” tanong ko sa kanya nung nakalapit na ko.

“naka drugs ka ba?”

“huh?”

“na overdose ka ata nung mg agamot na iniinom mo nung nagkasakit ka.”

“ako?! Hala hindi ah!”

“talaga lang ah!”

“oo nga, grabe naman toh. Bakit mo naman nasabi yun?”

“kasi kanina ka pa nakangis idyan.”

“eeehh..”

^___^V

“kitams! Para kang sinapian eh.Hindi bagay sa iyo.”

“ang sama mo Halley” sabi ko sabay pout.

“joke lang eh.. halika ngaipa-powerhug na lang kita!” pagkasabi nya nun ay ni hindi na siya nagdalawang isip pa at bigla na lang akong niyakap ng sobrang higpit.

“arrgghhh!.. Halley!!”

“hahaha..”

“bi-taw bitaw na..”

Wooo! Wagas talaga makayakap yun. As in power hug talaga. Para ka nga lang nauubusan ng lakas after nyang yakapin. Sobrang higpit ba naman na nakakapanghina

Parang nang-aagaw ng lakas eh =_=

“okay na ba yang list?” tanong ko ulit sa kanya.

“hmm, oo medyo may aayusin na lang. nakapag assigned na din ako ng mga magdadala para sa camping.”

“ah..”

“uiii!! Ano sasama ka na ba? Para mailista na kita dito. Ipapasa ko na ito kay Mam.”

“ah.. eh..a-ano hindi pa kasi ako nakakapagpaalam eh.”

“hala! Paano na yan!..pilitin mo si mama mo Aisha. Last camping na natin ito oh. Dapat kumpleto ang barkada.”

“oo sige.. wag kang mag-alala.”

“hmm okay.. oh paano pupunta muna ako sa locker’s area ah.”

“sige sige..”

Nauna na maglakad sa akin si Halley. At ako ay naiwan sa kinatatayuan ko habang iniisip yung about sa camping.

Sa totoo lang wala naman talagang problema kay Mommy kasi for sure papayagan naman ako nun. Ang inaalala ko lang talaga is yung kay Bryce. Syempre dahil sa may trabaho na ako at nagkataong siya pa yung amo ko eh kailangan ko talagang magpaalam sa kanya.

Tapos mabuti kung sa isang restaurant or convenience store ako nagta-trabaho na pwedeng may leave at meron akong kapalit pag hindi ako nakapasok ang kaso hindi eh. Pag-aalaga ng bata yung trabaho ko at hindi naman yun basta basta pwede na langi pagkatiwala sa iba.

Kung sasama si Bryce edi malamang walang maiiwan kay Kyle..

Haisst…

Napatingin ako dun sa may place kung saan naming palagi pinapanood niChel yung training nila Bryce at kung sinuswerte nga naman ako eh nakita ko nandun si Chel.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon