Thirty - 1 Be mine

9.8K 236 109
                                    

dedicated kay ate na nagpakita ng picture sa akin at kamay nya lang nakita ko.. dang ganda ng kamay mo ate. hahaha


hello kay ate may kasi nagbabasa na siya ulit nito at dahil jan titigil na ko sa pagsusulat, haha charot! trivia guys! i was inspired to write this story because of ate may (my brother's wife) and my cute and jolly niece na si Ayesha (pronounce as Aisha, her picture is on the right side) haha dahil sa nag broadcast na rin naman siya sa mga bandang unang mga chapters eh ayan sinagad ko na. haha yung mga idea ko about sa pag aalaga ng bata such as sa pagtuturo dito ay natutunan ko sa kanya hahaha.. so there!


ayan enjoy reading peepz! ^_^


Wala ako sariling naglakad.

Ramdam ko yung tingin sa akin ng mga estudyante kahit na nag resume na ulit ang game.

“Aish!! Dito!!”rinig kong may sgaw kaya naman napatingin agad ako sa kanila.

Nakita ko ang barkada nasa may gilid at kumakaway sa akin.

Agad ko silang nilapitan at pagkadating ko doon ay pinasadahan  agad nila ako ng mga tanong.

“Aisha! Ano yung nangyari kanina?”  - Joniel

“aaahh!! Handayaa mo bestfriend! Bakit wala kang nakukwentong sa aking ganun hah!” – Chel

“Oo nga hindi mo man lang sinabi sa amin may improvements na kayo ni Papable mo. Kelan pa?” – Halley

Hindi ako makasagot. Parang lutang pa rin dahil sa nangyari kanina.

At dahil sa napansin siguro ni Renz yung reaksyon ko ay bigla siyang nagsalita.

“san ka galing? Bakit ngayon ka lang?” and right now gusto ko siyang ilibre sa starbucks dahil sa pag iiba niya ng topic. At ngayon mas sigurado akong masasagot ko ito.

“oo nga! Kanina pa kami tawag ng tawag at text sa iyo. Wala ka man lang response. Akala naming kung ano ng nangyari sa iyo.” Pahabol ni Halley.

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon