Feeling ko madidisappoint kayo sa update na ito. well anyways! haha andyan na yan eh yan yung nagawa ko. oha! magkasunod na araw ang update ko! hahaha... eh kasi naman samantalahin ang walang pasok. and yeah pa add sa fb ko aziaofwatty@yahoo.com.ph saka naghahanap ako ng taong mabait at hindi busy na pwedeng gawan ako ng cover photo? haha wala lang ^_^V osyaaa.. ^_^ thanks nga pala sa mga nag add..
oo nga pala dahil sa malapit na matapos ang TB. i think mga 10 more update to go eh nag post ako ng bagong story entitled After All.. kaya kung may time kayo pa check na lang! thanks! ^_^
“No”“No Aisha, hindi ako papayag. ” mahina pero puno ng conviction na sabi ni Bryce.
Pero hindi ko siya tinignan. Nanatiling nakatuon ang pansin ko sa puting dingding ng kwarto ko.
“We could work this out. Wala naming may gusto nung nangyari. It was just a mere accident. Wala kang kasalanan dun. Kung yun ang pino-problema mo pwes ako na magsasabi sa iyo ni hindi nabawasan ng mga nangyari yung nararamdaman ko para sa iyo. Mas lalo nga kitang minahal.”
Pero hindi ko siya pinansin. Kahit pa bawat salitang lumalabas sa bibig niya eh napapalambot nito ang puso ko.
“Aisha tignan mo ko. Please wag naman.” Bakas na bakas ang urgency sa boses ni Bryce. This time napatingin na ko sa kanya. Pero agad kong iniwas ang tingin ko.
Hindi ko kayang Makita yung sakit sa mga mata nya. Hindi lang yun dahil sa kauna-unahang pagkakataon nakakita ako ng takot sa mga mata nya.
“Kung kinakailangan mong magpasa pa ko ng resignation letter sa iyo, bigyan mo lang ako ng konting panahaon hanggang sa makalabas na ko dito.” And I must give myself a round of applause dahil sa kawalan ng emosyo ng pagkakasabi ko nun.
“No… No…No.” hindi makapaniwalang sabi niya. Kita ko sa may peripheral vision ko ang pag iling iling ng ulo nya.
“This is not happening. No.”
At hindi din nakaligtas sa pandinig ko ang pagpiyok niya na syang nagging dahilan para lumabo ang mga mata ko.
“Let’s just stop this.” At saka ako nahiga at tinalikuran siya. Ramdam ko pa yung mabibigat na paghinga nya habang nakatalikod sa kanya. Yung mga tingin niya na pakiramdam ko’y tumatagos sakin.
Ang sakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/832666-288-k668237.jpg)
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Teen FictionMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...