Hindi pa din makapaniwala si Aisha sa mga nangyayari.
Seriously?! Yung lalaking mayabang kanina at nagsungit sa phone sa kanya ay si Bryce?
And what?!
Siya ang magiging amo ko?!
Nasa loob na siya ng condo unit ni Bryce at kasalukuyang nakaupo sa may sofa nito at kaharap siya.
Tandang tanda pa nya ang araw na tinawagan nya yung flier na nakapost sa poste malapit sa bahay nila.
Flashback.
Uwaaa!!..
Kailangan ko na ng trabaho!! T_T
Halos isang buwan na ring naghahanap ng trabaho si Aisha. Pero kahit ilang beses na syang maghanap ay palagi syang tinatanggihan unang una ay dahil sa bata pa sya at pangalawa naman ay dahil sa wala pa siyang experience.
Gusto kasi sana ni Aisha na makatulong sa nanay nya at mabawasan ang gastusin nito kahit sa pamamagitan man lang ng hindi pag hingi ng baon.
6 na ng gabi nun at naglalakad na siya pauwi ng bahay nila. Ginabi na naman kasi siya ng uwi dahil sa panunuod ni Chel ng training ng mga varsity players.
Suot suot ang backpack nya ay mag isa nyang tinatahak ang daan pauwi sa kanila. Dahil nga sa nagtitipid siya ay hindi na siya sumakay pa ng tricycle papasok ng village nila. Hindi din naman kalayuan ang bahay nila sa may bukana ng village nila.
Habang naglalakad ay kung ano anong mga bagay ang gumugulo sa isip niya. Una ay ang papa nya, ang pag aaral at pera.
Waaa..
Trabaho. Trabaho. Trabaho!
Magpakita ka sa akin! Ngayon din.
Sakto naman ay bigla siyang nadapa habang iniisip ang mga bagay na yun.
“Aist! Lintik na lata yan! Paharang harang sa daan ” =_=
Sige Aisha..
Sisihin ang inosenteng lata..
Kawawa naman..
Buti na lamang at walang tao nung nadapa siya.
Gamit ang poste sa gilid nya ay ginawa nya itong sandalan para makatayo ng tuwid.
Waaa…
Bakit ba ang pait ng buhay ko?!..
Parang buong bahay namin ay pasan ko araw araw gustong gustong isigaw ni Aisha yun ang kaso nga lang ay hindi na niya tinuloy pa ang balak.
Mas magmumukha lang akong kaawa awa at baliw =_=
Wag naman…
Paalis na sana siya ng pwesto nya ng mahagip ng mga mata nya ang isang blue na flier.
HIRING: BABYSITTER.
10,000 a month
Please contact; 0915*******
Nang mga sandaling iyon ay tila nanalo si Aisha sa lotto.
Hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na kinuha ang mobile phone at tinawagan ang numerong nakapaskil dahil sa takot na baka maunahan siya at hindi na siya matanggap pa.
Pero napunta lamang ang tawag niya sa isang voicemail.
Ano ba naman toh.. Jackpot na nga sana voicemail pa!. Sige na nga, baka matanggap pa rin ako. Aba! 10, 000 a month tapos mag-aalaga lang ng bata?! Oh diba ayos na!
![](https://img.wattpad.com/cover/832666-288-k668237.jpg)
BINABASA MO ANG
Teenage Babysitter
Novela JuvenilMayaman, sikat, matalino, rookoie ng basketball ganyan kilala si Bryce Kristoffer De Vega. Ako si Aisha Koleen Peralta, dahil sa kailangan ko ng pera ay pumasok ako bilang isang babysitter. Pero what if kung ang pinagkakaguluhang lalaking si Bryce n...