Chapter: 2

856 8 0
                                    

IVY

Chapter: 2

Maaga nagpunta sa palengke si Ivy, binigyan siya nang papel ng kanyang ina para sa mga bibilhin, kaso hindi naman niya eto mababasa kaya madalas na ibigay na lang eto sa mga tindera. 

Kumpleto na ang napamili niya nang makita niya ang mga sasakyan na parating— saglit siyang napatigil. "Siguro, sila yung may hacienda dito?" Bulong niya. Naalala niya kasi ang sabi nang kanyang ina, na ang lupang kanilang sinasaka ay pagmamay ari nanv mayamang pamilya na naninirahan sa ibang bansa at may bahay sa Maynila. "Talagang mayayaman ang mga taga-Maynila." Naiiling niyang bulong  at tumalikod, ngunit sakto na dumaan sa tubig ang gulong nang pasunod na sasakyan. Tila nabasa siya pati ang kanyang pinamili.

Agad naman na huminto ang kotse at bumaba duon ang lalaking nagmamaneho nito. "Miss, i'm sorry." Paumanhin nito at lapit.

Napa angat nang tingin si Ivy, pansin niya ang tila pagkagulat na reaksyon nang lalaki. Hindi niya alam kung ito pa ang nagulat. Ang mukha nito ay hindi taga rito. Ang kutis nito na marahil ay mayaman talaga ang pinagmulan, matangos ang ilong nito. Ang mukha nito ay tila kakagaling lamang sa pag aahit nang balbas. Ang kasuotan ay hindi pangkaraniwang na ngayon lang niya nakita. 

"Miss, are you okay?" 

Napamaang si Ivy, hindi niya kasi alam ang sinasabi nito. Napalunok siya at yumuko, kahit naman magreklamo siya ay wala din magagawa dahil mayaman ang kaharap kaya agad na siyang tumalikod at tumakbo. 

Napatigil si Devin sa inasal nang babae, kaya siya napatigil at natitigan ito dahil sa mukha nito na napakaamo. Ang mga mata nito na parang nangungusap, medyo morena ito dahil na din siguro iba ang pamumuhay sa probinsya keysa sa lungsod. 

"Sir Devin?" 


Napalingon siya at napansin niya na ang kanyang mga tauhan ay huminto din pala. Ngumiti lang siya at lumapit, talagang bumaba lamang siya para humingi nang sorry sa babae pero hindi lamang eto umimik.


********


"Ivy, anu ba 'yan itsura mo?" Halos gulat na gulat si aling Zeny sa anak.

"Eh nay, may dumaan kasi na sasakyan. Siguro, dumating na yung may ari ng hacienda. "


"Oh, hindi ka lang man ba nagreklamo? Kasi mali pa din ang nangyari sa'yo?"wika nang ina.

"Mali din po kasi ako." Tugon niya na tila pinagdikit ang mga kamay na parang bata at yumuko bahagya.

Napailing si Zeny. "O siya maligo ka na— at pupunta na tayo sa palayan. Tatanghaliin tayo masyado." Bilin nito.


"Opo inay." Mabilis niyang tugon at nagmamadaling umakyat sa kanilang bahay.

Muling napailing si Zeny, kahit kelan ay may pagka isip bata ang anak na si Ivy. Pero kahit siya ay biglang napaisip kung sino na nga ba ang dumating. Sigurado na pag uusapan na muli ang lupa na kanilang sinasakahan...



******


Halos nagmamadali si Ivy na nauna sa palayan, inilapag na niya ang kanyang ibang gamit at inayos.


Naglalakad si Devin habang kausap ang nangangalaga nang kanilang lupain, nang mapansin niya ang babaeng naglalagay nang mahabang manggas at tila nagtatali nang buhok. Napatigil siya dahil hindi siya maaaring magkamali sa mukhang ito. "Wait, sino siya?" Sabay turo niya.

Napatingin si Mang Vicencio,. "Ahh, si Ivy anak siya ni Aling Zeny, isa sa mga masipag dito na bata."

Napakunot ang noo ni Devin at nilingon ang matanda. "Nagtatrabaho siya dito?" 

"Opo, masipag po siya. Tsaka kailangan talaga niya tulungan ang kanyang ina— dahil silang dalawa na lang po ang namumuhay." Tugon ng matanda.

Napatango lang si Devin at muling pinagmasdan eto.

Tila naramdaman ni Ivy na may nakamasid sa kanya,kaya agad siyang lumingon. At nagtama ang kanilang mga mata nang lalaking hindi niya nakalimutan ang mukha. "Teka, siya 'yung..." Pero nagtataka siya kung bakit nakatitig ito sa kanya at tila kausap ni Mang Vicencio. Muli siyang tumalikod at naalala niya na baka nga eto ang may ari nang lupang sinasakahan nila. Mabilis na niyang sinuot ang kanyang balanggot na gawa sa nipa na karaniwang suot talaga nang mga magsasaka. Nagmamadali na siyang lumusong sa putikan at talagang lumayo siya dahil baka bigla siya maalala nito at kausapin.

Natawa bahagya si Devin sa inasta nang babae sigurado siya na naalala siya nito. "Ivy" bulong niya.


********



#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon