IVY
Chapter: 23
Hindi makapaniwala si Ivy nang dalhin siya sa isang malaking mall ni Damian, dati nadidinig lamang niya ang mga eto, sa mga kadalagahan na nag uusap sa kanilang lugar. Nakasunod lamang siya kay Damian kung saan eto magpunta. Napahinto siya ng huminto ito.
"Miss, can you please show to this lady all the women's wear, occasional, formal at maging sa mga pambahay. Isama mo na din ang pantulog."
Ngumiti ang sales lady. "How many po sir?"
"A couple of pieces. Basta papiliin mo siya." Sabay lingon kay Ivy. "Ivy, sumama ka sa kanya para matulungan ka sa mga damit na gusto mo."
"Damit na gusto ko?" Takang tanong ni Ivy.
"Yes."tugon ni Damian at nilingon muli ang saleslady, "Please assist her."
Ngumiti ang saleslady at lumapit na kay Ivy.
Napatingin naman si Ivy dito at tila nakita niyang sumenyas si Damian, kaya napilitan na siyang sumama.
Saglit naman na nilibot ni Damian ang tingin sa paligid, at naghanap nang maaaring bilhin.
Halos madaming dami na nakikita si Ivy, lahat talaga ay magaganda sa paningin niya. Ang iba naman ay talaga pang sosyal na pang mayaman, pansin din niya ang mga simpleng damit na nakita, ito ang mga pinili niya ang mga kulay nito ay hindi makintab at tama lamang sa kulay niya. Morena lang kasi siya dahil nasunog ang balat niya sa pagsasaka, ngumiti siya nang mapansin ang tila kulay puti na bestida, wala itong manggas at tila may style na butones sa harapan kinuha niya ito at pinagmasdan.
"Bagay siya sayo."
Nilingon niya ang saleslady at nakangiti na kinuha ito.
******
May 30 minutes bago bumalik si Damian sa women's wear. Hinanap niya pa si Ivy. Maya-maya ay nakita na niya itong lumabas at tila dala na ang mga napiling damit, lumapit siya. "Okay na ba lahat 'yan?"
"Madami na po eto."
Napatango si Damian at tumingin sa saleslady. "Paki total na, thank you." At iniabot ang card niya, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya saglit siyang tumalikod.
Agad naman na tumalikod ang saleslady at dumiretso sa counter, nagtingin tingin pa si Ivy sa paligid, pansin niya ang mga naka display na panloob parang nakakatuwa ang mga ganitong disenyo.
"Ma'am baka gusto po ninyo i try ang new design namin na underwear."
Ngumiti nang pilit si Ivy, at umiling.
"Sige miss, bigyan mo na siya pati nang underwear." Sabat ni Damian.
Napalingon si Ivy at nakita niya si Damian sa kanyang likuran. "Masyado na po madami."
"So? Hindi naman pwedeng iisa lang gamitin mo sa bahay." Pagbibiro nito.
Ngumiti lang si Ivy at napakamot.
Agad na lumapit ang isang babae sa counter at dala ang mga panloob na inordee ni Damian. "Sugar daddy siguro yun?" Wika nito at nginuso ang dalawa.
"Ang judgemental mo." Wika nang isa na tumulong kay Ivy sa mga damit.
"Kitang-kita naman na tatanga tanga ung babae, mukhang mahirap at walang pinag aralan." Sabay tawa nito.
Napalingon si Ivy, alam niyang siya ang pinag uusapan ng mga eto. Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib. Lumabas kasi muli si Damian dahil may kausap ulit ito.
"Ma'am eto na po." Masayang bati nang unang tumulong sa kanya.
Lumapit naman ang isang babae. "Ang swerte mo ahh, mayaman sugar daddy mo."
"Po?" Di niya maintindihan na sabi.
"Hey tumigil ka nga saway ng isa." At iniabot na ang mga paper bag pati ang card.
"Inuuto mo lang yung matanda, tsaka eww tanga siya sana kumuha naman siya nang may pinag aralan." Paano kanina pa niya napapansin ang palinga linga nito.
Napakagat labi si Ivy at tila pumatak ang luha, tumalikod na siya at nagmamadaling lumabas.
"Grabe ka duon sa costumer natin." Puna nang saleslady.
Napalingon si Damian nang makita itsura ni Ivy. "I call you later." Sabay patay niya ng cellphone. "Ivy, what's wrong?"
"Umalis na po tayo. "Tugon niya na napaiyak.
"Hey, bakit?" Tila muling tanong niya.
"Di ko kasi sila maintindihan, sabi nila swerte daw ako dahil may sugar daddy ako tapos ang tanga mo daw kasi walang pinag aralan kinuha mo. Anu po ba ung sugar daddy?" Inosente niyang tanong na may luha ang mga mata.
Napailing si Damian at agad na hinawakan ang kamay nito.
Nagulat si Ivy nang bumalik sila sa loob nag women's wear. Tila napapasunod siya sa mabilis na hakbang nang lalaki at dumiretso sa dalawang babae na nakatayo.
Agad niyang nakita ang babaeng nang insulto sa kanya.
"Patay ka." Bulong nang isa.
Pero mataray lang na tumingin ito sa dalawa. "Yes sir, may nakalimutan po ba kayo?"
"Yes, nakalimutan ko sabihin na you are fired." Agad na sabi ni Damian.
Napataas ang kilay nang babae at tila hindi inaasahan ang sinabi nito. "Bakit ako matatanggal, hindi naman kayo ang Boss ko."
"I don't need you, at kahit hindi ako ang boss mo. Ako ang may ari nang mall na 'to at your boss is only my employee." Tugon niya at tumitig. "Pakitanggal din ang badge mo, hindi bagay sayo ang nakasulat dahil hindi ka marunong mag care ng costumer." Agad na silang tumalikod ni Ivy at hawak pa din ang kamay nito.
Nakatingin lang si Ivy sa kamay ni Damian hanggang makalabas sila at makalayo.
Sumakay na sila sa kotse, wala ang driver ni Damian kaya ito ang nag drive, pero hindi muna nito pinaandar ang kotse. Tahimik siya na umiyak, naalala niya kasi ang sinabi na tanga siya at mahirap.
"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ni Damian.
"Kasi, tanga talaga ako. Wala kasi ako pinag aralan, inuto lang ako ng mga tao at tinalikuran, namatay ang inay ko dahil sa katangahan at kasalanan ko. Nagmahal lang ako, pero niloko niya ako." Sabay kulong nang palad niya sa mukha.
Napalingon si Damian at nakitang umiiyak na naman eto, wala sa loob na hinawakan niya ito sa balikat. "Ivy, hindi mo kasalanan ang lahat— sila ang may kasalanan, tao ka lang. Nagmahal— at kung sino man yung lalaking 'yun napakatanga niya."
Napaangat ng mukha si Ivy at tumitig kay Damian. "Minahal ko naman siya, minahal ko si Devin. Pero sinaktan niya ako, nilihim niya na may pamilya na siya. Bumalik pa siya para bayaran ako. Sinira niya buhay ko, winasak niya damdamin ko."
Napatigil si Damian sa sinabi nito. "Devin— kamu?"
Tumango si Ivy. "May ari siya nang hacienda namin. Akala niya, kaya ako nagpabuntis para makaahon sa hirap. Pero hindi— mahal ko lang siya kaya ko hiniling iyon, lalu at gusto ko siya maipakilala kay inay, kaso— kasal na pala siya at may mga anak." Muling binalot ng luha ang kanyang mga mata.
Kinabig ito ni Damian at niyakap. "Ssshhh, tahan na... Don't worry, i'm here Ivy. Mag aaral ka, para hindi ka na maliitin ng iba." Bulong niya
Muling napapikit si Ivy at yumakap na din kay Damian.
********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomansaSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...