Chapter:8

496 2 1
                                    

IVY

Chapter: 8

Panay ang tawa ni Ivy sa mga kwento ng mga bata, kakatapos niya lang maglaba at pauwi na sila— pero agad din siya napahinto nang makita ang tatlong lalaki na humarang sa kanila. Naalala niya ang mga ito na taga palengke, dahil madalas niya na duon makita ang mga eto. 

Tila nagtago naman ang bata sa kanyang likuran, dahil parang natakot ang mga ito.

"Ivy, baka pwede mo naman kami samahan?" Sabay ngisi nang unang lalaki.


Napalunok si Ivy, ngunit iling ang kanyang sinagot. "Pasensya na kayo pauwi na kasi kami." Imik niya at inayos na lang ang pagbitbit sa dala. "Tara na mga bata." Wika niya at humakbang na para lagpasan ang mga eto.

Pero pinigil ang braso niya kaya nalaglag ang mga labahan niya. "Anu ba!" Reklamo niya

"Kapag sinabi namin samahan mo kami! Samahan mo kami!" Singhal nang pangalawang lalaki, at mabilis na hinatak siya.

"Anu ba! Bitawan ninyo ako!" Sigaw niya.

Agad naman na kinagat nang batang babae ang kamay nang lalaki.

"Araay!" Sabay tabig sa bata.

Napaupo ang isang bata at mabilis na tinulungan nang dalawa nakita nila na binuhat ang kanilang ate Ivy at halos itakbo nang mga lalaking di kilala.

Tumayo sila at nagmamadaling tumakbo.

"Bitawan ninyo ako!" Sigaw ni Ivy at panay ang palag pero wala siyang laban sa mga eto, sa lalaki nang katawan. Tumadyak siya at pinaghahampas ang mga ito, ngunit walang talab hanggang sa pabalya siya na nilapag sa may madamo at tagong lugar.


"Ngayon, masosolo ka na namin." Nakangising sabi nito

Nagbalak na tumayo si Ivy, ngunit mabilis siyang sinalubong nang sampal nang isang lalaki kaya lumagapak muli siya sa madamong lugar, hinihingal siya na napa angat ng mukha. Pumutok agad ang labi niya nang maramdaman niyang hinawakan na siya sa magkabilang kamay nang dalawang lalaki. "Maawa kayo sa'kin! Pakawalan ninyo ako!" Sigaw niya halos ang litid niya ay nangangalit na sa pagsigaw, ngunit alam niya na wala masyadong makakadinig dahil malayo sila. Sinubukan niyang igalaw ang mga paa, ngunit sinikmuraan siya nang lalaking unang sumampal sa kanya. Halos masuka siya at mamilipit sa sakit kaya siya nakaramdam nang panghihina, nang hablutin na nito ang suot niyang bestida— tila natira sa kanya ay ang saplot niya sa dibdib at pang ibaba.

Tila mas lalung natuwa ang tatlo sa kinis nang balat nang dalaga, at ang napakagandang hubog nang katawan nito. Mabilis na hinubad nang lalaki ang short pati brief niya, kanina pa nangangalit ang kanyang alaga at sabik na sabik na tikman ang katawan ni Ivy. Nang may humampas na kahoy sa likuran niya.

Napatigil ang dalawa na binitawan si  Ivy at sumugod. 

Pero mabilis na nakaiwas si Devin sa mga suntok nito, nag aral siya nang martial art sa state bilang self defense niya, kaya isang tadyak lamang sa lalaki at ang isang binale niya ang kamay sabay balibag dito. Nakita niyang tumayo pa ang lalaking pinukpok niya nang kahoy kaya agad siyang lumapit para hawakan ito sa damit at itayo sabay suntok sa sikmura.

Napa atras si Ivy nang makita si Devin na dumating, halos yakapin niya ang sarili niya ngunit nasira ang kanyang damit. Naiiyak siya na hindi maintindihan, kung hindi dumating ang lalaking ito. Marahil ay kung ano na ang kanyang inabot. 


Bumagsak ang tatlo, hinihingal si Devin na hinawakan ang kahoy. Nang dumating na ang mga pulis kasama si Mang Vicencio.

"Sir Devin!" 

Hindi siya umimik at sumenyas kay Mang Vicencio. Nakita niyang tumango ito. 

"Damputin niyo na ho ang mga yan." Utos ni Mang Vincencio.

Dinampot na nang mga pulis ang tatlo, kilala na nila ang mga eto, dahil may ilan na din naging kaso. At ngayon ay siguradong hindi na makakalabas ang mga eto.

"Officer, siguraduhin niyo na hindi na sila makakalabas sa kulungan." Saad ni Devin at mabilis na tumalikod, hinubad niya ang suot na leather jacket at nagmamadaling lumapit kay Ivy.


Nasa sulok lang si Ivy at tila halukipkip na umupo nang lapitan siya ni Devin at lagyan ng jacket. 

"Ligtas ka na." Sambit ni Devin, mabuti na lang talaga at nasalubong niya ang mgs batang kalaro ni Ivy, at nakilala din siya ng mga eto. Kasama niya si Mang Vicencio nang magsumbong ang mga bata kaya mabilis na siyang tumakbo sa tinuro nang mga eto, at tanging pagsigaw ni Ivy ang naging daan niya para lang makita ang dalaga. 

Nangangatal ang buong katawan ni Ivy at wala sa loob na yumakap kay Devin, ngayon ay tila nakahanap siya nang kakampi niya at magtatanggol sa kanya. Pumikit siya nang mariin ay panay lamang tulo nang kanyang luha.


*****


Agad na sinalubong ni Aling Zeny ang anak at niyakap. Binalita sa kanya ang nangyari dito, at kitang-kita niya ang itsura nang anak niya, lalu ang sugat sa may labi nito. "Diyosko, Ivy " umiiyak nitong sabi at napansin ang lalaking naghatid dito. Kaya siya napakalas. 

"Inay, siya po tumulong sakin. Si Sir Devin po, may ari nang Hacienda."  Wika ni Ivy.

"Maraming salamat po sir. At hinatid ninyo ang anak ko." Naiiyak pa din si Aling Zeny at pinagmasdan ang anak. "Hindi ko alam gagawin ko, kung ano nangyari sayo."

"Huwag po kayo mag alala— nakakulong na po ang mga taong nanakit  kay Ivy... " sabat ni Devin. "Sige po maiwan ko na po kayo." Paalam niya at tumalikod.

Napalingon si Ivy, at nakita niyang palayo na si Devin para sumakay sa sasakyan nito. Naalala niya na suot pa din niya ang jacket nang lalaki, at sigurado na magkikita pa sila muling dalawa. At hindi lang 'yun, tila mas lalung nanaig ang damdamin niya para dito. 

Napatingin naman si Aling Zeny sa anak niya, lalu ang pagkakatitig ni Ivy sa lalaking mayaman.




******

#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon