Chapter:46

253 3 0
                                    


IVY

Chapter: 46

Mabilis na nakarating si Devin sa kanilang bahay, pansin niya na wala lang man sumalubong sa kanya. Napailing siya nang mapansin na wala ang kotse ni Greta. "Saan kaya siya nagpunta?" Bulong niyang tanong at pumasok, pansin niyang tahimik ang paligid. Tila wala pati mga bata, agad na siyang umakyat sa hagdan at patungong kwarto nang mapansin ang isang cellphone. Napatigil siya at tinitigan ito, alam niyang hindi kanya ang cellphone na eto. Nang makadinig siya nang kalabog, mabilis ang naging tibok ng puso niya tila parang may gusto magwala sa isang kwarto.

Agad siyang bumaba, hinanap ang ingay kung saan nagmumula nang mapagtanto niya na mula ito sa basement nila. Mabilis niyang binuksan ang pintuan at bumaba, doon ay mas lalung malakas ang pagkalampag ng pintuan, nagtataka siya na lumapit.

Nadinig ni Damian na may tao na sa labas kaya muling kinalabog ang pintuan. "Buksan niyo 'to!"

Nabosesan ni Devin iyon, kaya mabilis siyang naghanap nang pantagal sa kandado. Nang makakita siya nang martilyo ay mabilis na pinukpok ito nang ilang beses, hanggang sa maghiwalay ang lock. Mabilis niya itong binuksan at pagkabukas ay bumungad sa kanya ang kanyang Uncle. "Uncle?"

"Devin." Sambit nito at lumabas, saglit siyang lumunok nang ilang beses at humawak sa balikat ng pamangkin.

"Teka, paano ka napunta dito?"

Muling lumunok si Damian. "Si Greta, nadinig ko siya. Devin, hindi mo anak ang mga bata. Isa pa— magkapatid sila ni Ivy."

"Ano?" Tila nagulat siya sa sinabi nang kanyang Uncle, at nakita niya din ang benda nito sa ulo na tila may natuyong dugo pa.

"Si Ivy, nasa panganib ang asawa ko." Agad niyang sabi at hinawakan si Devin.

"Nasa San Isidro siya, iniwan ko siya duon. Baka— baka duon nagpunta si Greta." Tila naiiling niyang sabi at inalalayan ang kanyang Uncle.


Halos nagmamadali silang lumabas nang bahay, agad silang nagpunta sa kotse at sumakay.

"Uncle, sayo ba 'to?"

Napatingin si Damian sa cellphone. "Yes." At kinuha agad sabay bukas. Kailangan niya matawagan si Ivy at masabihan, dalawang oras ang magiging biyahe nila pabalik sa San Isidro, at mukhang malapit na magdilim. "Bilisan mo Devin, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Ivy."

Nadinig niya ang sinabi nang kangyang Uncle. "Mahal mo talaga siya?"

"Iho, hindi mo na kailangan itanong sa akin ang bagay na 'yan... Ivy was my first love, una ko siya nakita noong unang magpunta ako sa San Isidro, at magpahanggang ngayon siya pa din ang babaeng mamahalin ko."  Sagot ni Damian at humanap na nang pwede makuhang mga pulis para puntahan si Ivy sa bahay nito sa San Isidro.

"I'm sorry, dahil nagalit ako sa kanya. Samantalang inosente siya." Sagot ni Devin na pumatak ang luha. Binilisan pa din niya ang magmaneho, dahil hindi siya papayag na may mangyaring masama sa babaeng nagpatibok din ng puso niya. "Pero mahal ko pa din siya Uncle. Kahit na harap harapan na niyang sinabi na— ikaw na ang nasa puso niya."

Napatingin si Damian kay Devin, ngayon lang niya nakita ang pamangkin na umiyak. Totoong mabait si Devin, malayo ito sa ugali nang kanyang kuya at halos magmana sa ugali nang ina. Kaya alam niya na totoo din ang pag-ibig nito kay Ivy, 'yun lamang ay nabulag ito sa mga taong sumira sa kanyang asawa. Hinawakan niya ang balikat nito. "Alam ko na mahal mo siya— at hindi kita masisisi, pero sa ngayon mas mahalaga ang kaligtasan niya sa asawa mo na baliw na yata."

Tumango si Devin at mas lalung pinagbuti ang pagmamaneho.


********

Napadilat si Ivy, pakiramdam niya na nahihilo pa siya, hindi lang 'yun dahil may takip ang kanyang bibig. Nakatali ang kanyang mga kamay at tila nakaupo sa hindi niya alam kung saang pwesto, nang maramdaman niya ang hangin. Ngayon lang niya nakita na nasa manipis siyang flywood, tila tulay ito para sa kabilang ginagawa. Napatingala siya at may tali ito na konektado, pinipilit niyang ikalma ang sarili.

"Nagustuhan mo ba?"

Nilingon niya si Greta.

"Bagay na bagay ka dito, atlis kapag nalaglag ka. Ikaw ang kauna-unahang alay sa tinatayong Mall na 'to." Sabay tawa.

Pinipilit niyang igalaw ang kamay, pero gumagalaw din ang tulay na kanyang pinaglalagyan.

Lumapit bahagya si Greta. "Oh, kawawa ka naman. At wala ang mga taga rescue mo." Sabay ngiti nang tumunog ang cellphone niya, nakita niyang tumatawag si Devin.  Kaya mabilis na sinagot ito gamit ang Video call. "Hey honey!"

Devin:

Nasaan ka?

"Nasa project site ninyo, and look may suprise ako." Sabay pakita niya kay Ivy

"Ivy!" Bulalas nang dalawang lalaki.

Natawa si Greta, "Mukhang, nandyan na din si Damian. Kung gusto ninyong maabutan na buhay ang babaeng ito, dapat walang pulis. Or else." Sabay pakita niya sa lubid na sumusuporta sa manipis na kahoy. "Anumang oras, pwede ko na siya bitawan."

"Fine! Wag na wag mong saktan si Ivy." Si Damian at kinuha ang cellphone. "Pakiusap Greta!"

Ngumiti si Greta. "See you later." Sabay patay niya at muling tumingin kay Ivy. "Ang swerte mo naman, minahal ni Papa ang nanay mong basura, ngayon dalawa pa nag aalala sayo."

Halos gigil na gigil na si Ivy sa mga nadidinig na kutya sa kanyang ina.

"Hintayin lang natin sila." Muling natawa si Greta at tumalikod.

Huminga nang malalim si Ivy, at sinubukan muli na tanggalin ang tali sa kamay.


********

#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon