IVY
Chapter: 12
"Zeny, alam mo ba na laging kasama ni Sir Devin si Ivy?"
Napatigil si Zeny sa pamimili at nilingon ang dating kasamahan sa bukid. "Lagi?"
"Madami nang nakakakita sa dalawa— ito'y payo lamang. Alam ko na inosente ang anak mo, at walang alam kundi ang tumulong sa'yo. Pero alam din natin na mabait si Sir Devin, pero hindi sila maaaring dalawa."
Humarap nang tuluyan si Zeny. "Alam ko ibig mo sabihin, dahil mahirap kami at mayaman sila?"
Umiling ito at hinawakan ang balikat niya. "Halos dalawang buwan na naririto si Sir Devin, hindi niya ba naiisip ang pamilya niya? Kasal ang taong 'yun, nabanggit sa amin ni Mang Vicencio iyon nuon. Kaya alam ko na pamilyado siya, kawawa naman si Ivy kung mahuhulog nang husto ang loob niya."
Tila napatigil si Zeny, hindi niya lubos maisip ang sinabi nito. Wala siyang alam sa pagkatao ni Devin lalu at hindi niya masyado nasusubaybayan si Ivy, pagkat lagi na sumasama ang pakiramdam niya. Kaya mabilis na niyang kinuha ang mga pinamili at tumalikod sa kausap.
********
Panay ang pabalik-balik nang lakad ni Ivy, hindi na kasi siya dinatnan at lagi na siyang nahihilo. Pakiramdam niya na para siyang magkakasakit, kaya naisipan niya na magpa konsulta sa doctor— ngunit laking gulat niya sa nabalitaan at resulatng ibinigay sa kanya. Agad niyang nakita si Devin na bumaba sa sasakyan, ngumiti siya nang lumapit ito.
Agad na yumakap si Devin kay Ivy, naging lihim ang kanilang relasyon at patago ang kanilang pagkikita. Masaya siya sa piling ni Ivy, at alam niyang ganuon din ang dalaga.
"Devin, may sasabihin ako."
"Anu 'yun?" Tila tanong niya habang nakangiti.
Agad na may kinuha si Ivy sa bulsa na papel, hindi kasi siya marunong magbasa pero sinabi naman sa kanya ang resulta. Ang nais niya lamang ay si Devin ang makabasa nito.
Kinuha ni Devin ang papel, binasa niya iyon at tila napangiting tumingin kay Ivy. "Ta-talaga?"
Tumango si Ivy at mas lalung lumapad ang ngiti, nagulat pa siya nang buhatin siya ni Devin at umikot ito na tila tuwang tuwa. "Devin, ibaba mo na ako." Tugon niya at saway dito.
Napilitan siyang ibaba si Ivy, at nangingiting tinitigan ito. "Sobrang saya ko— sigurado ako na kung babae siya kasing ganda siya nang kanyang ina."
"At kung lalaki— kasing gwapo mo ba?"
Muling natawa si Devin at hinawakan ang mga kamay ni Ivy...
"Alam ko na masaya ka— pero, dapat na malaman na ito ni inay. At kailangan natin magpakasal."
Napalunok si Devin at tila natahimik, saglit na nawala ang ngiti niya.
Napansin iyon ni Ivy. "May problema ba?" Bigla niyang tanong.
"Ivy." Sabay hawak nang mahigpit sa kamay nito. "Hindi ko— hindi ko kaya na pakasalan ka."
"Nagbibiro ka ba?" Maang niyang tanong, ngunit pansin niyang seryoso ang mukha ni Devin. "Ba-bakit?"
"Patawarin mo'ko kung hindi ko nasabi sayo— natatakot ako na umiwas ka. Pero ang totoo, kasal na ako." Pag amin niya.
Napatigil si Ivy, parang hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito. "Hindi kita— hindi ko maintindihan?" Naiiling niyang sabi.
"Ivy may asawa na ako. Kasal na ako— pero walang halong pagmamahal. Kinasal lang kami dahil sa mga negosyo namin." Sabay lapit kay Ivy. "Ikaw ang mahal ko, alam mo 'yan. Wala akong ibang hinangad kundi ang makasama ka."
Napailing si Ivy. "Paano ako? Ano ang magiging labas ko?" Biglang pumatak ang luha niya ,naguguluhan siya. "Anu sasabihin ng mga tao sa'kin?"
"Ivy.."
Agad na inalis niya ang kamay ni Devin. "Inuto mo lang ako? Kasi alam mo na tang ako at walang pinag aralan! Naniwala ako sayo."
"Ivy, totoong mahal kita kaya panagutan ang bata. Pero hindi ko kayang pakasalan ka!"
Naiiling si Ivy at lumayo dito. "Tama ang inay, hindi dapat ako nagtiwala. Masyado ako nagtiwala sayo!" Sabay talikod pero mabilis na hinawakan siya ni Devin
"Paraan mo ba eto para pakasalan ka? Para makaahon ka sa hirap?! Kaya kitang buhayin, pero isang bagay lang ang hindi maibbigay sayo."
Napatitig si Ivy, at umiling. "Lahat binigay ko sayo. At nagtiwala ako, at hindi ko paraan ito para umahon ako sa hirap dahil— totoong tao ako." At agad na inalis ang kamay ni Devin sabay takbo niya palayo dito.
"Ivy! Ivy!" Tawag niya. "Ivy, huwag kang umalis!" Saad niya ngunit hindi ito huminto. Tila naiiling siya at nagkamali sa sinabi niya, nabigla siya dahil hindi niya alam kung paano ito kakausapin ng maayos.
Halos tumutulo ang luha ni Ivy habang tumatakbo, hindi niya lubos maisip na malalaman ang totoo at mula pa sa lalaking mahal niya. Sobra siyang nasasaktan at tila hindi niya alam kung paano haharapin ang totoo.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...