IVY
Chapter: 82
"Malaki na ba ang inaanak ko?"
Natawa bahagya si Zeny sa sinabi ni Gustvo. "Hindi mo pala nakalimutan."
Umiling si Gustavo.
"Labing dalawang taon na siya." Sagot niya
"Saan siya nag aaral?" Muling tanong ni Gustavo.
Malungkot na umiling si Zeny.
Napahinto ang kotse ni Gustavo at nilingon ito. "Ano'ng ibig mong sabihin sa pag iling na 'yan?"
"Sinabi ko naman sayo, mahihirapan ako na kalabanin ang asawa ni Iñigo, kaya pinagbawalan papasukin sa kahit saan na paaralan si Ivy.". Paliwanag niya.
"Kung sa maynila." Tila request ni Gustavo.
Umiling si Zeny. "Ayoko siyang malayo sa akin, at baka makilala siya nang ama niya. Si Ivy na lang kayamanan ko kahit na wala kaming pera ang mahalaga magkasama kaming dalawa. "
Bumuntonghininga si Gustavo. "Hanggang ngayon nagtatago ka pa din sa kanya, mananatili ako sa Hacienda. At next year baka umuwi na din si Deborah , Devin at Damian. Kaya sigurado na papasyal sila dito. Kung maaari pwede ba na sa Hacienda ka na muna magtrabaho, para naman mayroon akong tao na napagkakatiwalaan?"
"Naku, maraming salamat Gustavo."
"Wala iyon, madami na din ako utang sa inaanak ko." Sabay ngiti niya at nilingon ito.
"Kaya nga una ko nilagay ikaw at si Ising sa listahan nang mga ninong at ninang, kahit na wala ka." Tugon niya. "Pero salamat din sa lahat, kailangan ko din talaga nang trabaho."
Napatango si Gustavo at muling pinaandar na ang kotse.
********
Hindi nagtagal at nagsimula na siya sa Hacienda, madalas din na magpunta si Ivy duon pero mas nagiliwan nang anak niya sa bukid. Bihira lang din magpunta si Gustavo, dahil sa kumpanya na inaasikaso nito sa Maynila. Ngunit isang gabi ay umuwi ito nang biglaan.
Pansin niya ang kakaibang emosyon na gumuguhit sa mukha nito, lalu nang dumiretso ito para mag inom. "Master Gustavo."
Napahinga nang malalim si Gustavo at nilingon siya. "Sorry kung naistorbo kita at pinatawag pa."
Napailing si Zeny. "Mukhang may problema ka."
Tila huminga ito nang malalim at agad na ibinagsak ang baso. "Umasa ako na— kadugo ko ang magtutuloy nang aking pangalan. Pero mali— nagkamali ako." Sabay iling niya. "Wala pala akong kakayahan magkaroon ng anak, kaya si Devin. Ay hindi ko anak." Pumatak ang luha ni Gustavo
Nagulat si Zeny sa nadinig. "Paano mo, nalaman?"
Huminga nang malalim si Gustavo. "Inamin sa akin ni Deborah, dahil nga iniisip niya na mas mahal ko ang trabaho. Sinusunod ko lang si Papa, lalu sa ngayon na— ipinagkakasundo na namin si Devin sa anak ni Iñigo."
"Si Greta?" Tila tanong ni Zeny.
Tumango si Gustavo. "Matalik kaming mag kaibigan, kaya noon pa lang napag desisyunan na namin ang lahat. Pero tulad ngayon— para akong walang silbi, at inuputan na lamang sa ulo nang aking Deborah." Muling iyak nito.
Hinaplos ni Zeny ang likuran ni Gustavo. "May dahilan ang lahat Gustavo, pero kung mahal mo talaga si Deborah, matatanggap mo si Devin dahil halos sa iyo na siya lumaki."
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...