IVY
Chapter: 54
Bumangon si Ivy at tila hindi makatulog, naubos naman niya lahat nang pagkain na binili ni Damian, pero pakiramdam niya na nagugutom na ulit siya. Saglit siyang sumandal sa may headboard, at nilingon si Damian. Nakita niyang masarap na ang tulog nang asawa, ngumiti siya at tila umalis sa higaan, nakatalikod kasi ito dahil nangalay na sa pwesto, kaya lumipat siya para mapagmasdan ang mukha ni Damian. "Ang gwapo mo." Bulong niya at hinaplos ang mukha nito.
Bigla niya naalala ang unang araw na nakita ito sa Hospital, bumungad sa kanya ang mukha nito na puno nang pag aalala— una ay tila nabigla siya at nakaramdam nang takot, pero sa huli ay tila may kung ano kay Damian na nagpalubag sa kanyang kalooban. Hangang sa magkita muli silang dalawa at kupkupin na siya. Saglit siyang ngumiti at ang daliri ay ipinagapang sa mukha nito. "Sana hindi mo isipin na minahal kita dahil sa utang na loob— totoong mahal kita Damian." At nahiga na siya sa tabi nito. Sumiksik siya para mas lalung malapit kay Damian.
Naramdaman ni Damian ang pagsiksik ni Ivy, napadilay siya at nagtataka nang makitang lumipat ito, kaya ngumiti siya at niyakap ang asawa. "I love you." Bulong niya at hinalikan ang noo nito.
"Eto talaga gusto ko sayo, ang paglalambing mo." Nakangiting tugon ni Ivy.
Ngumiti lang si Damian. "Matulog na tayo dear." Bulong niya.
"Yes love." Biro ni Ivy at muling yumakap nang mahigpit.
********
Dahan-dahan na nagmulat nang mga mata si Devin, saglit siyang napatingin sa paligid ngunit wala siyang maalala. Bigla niya naalala si Ivy, tama si Ivy na babaeng mahal niya. Babangon na siya nang may pumasok mula sa kwarto, saglit niyang tinitigan ito. "Ma-ma, Gregoria?"
Ngumiti si Gregoria, talagang siya ang nagbantay kay Devin habang nasa Hospital ito at nagpapagaling. "Kamusta na iho?"
"Kasama niyo po ba si Greta?" Bigla niyang tanong.
Napakunot ang noo ni Gregoria. "Iho?"
"Gusto ko na po sana— makipaghiwalay? May nabuntisan kasi ako na babae. Mahal na mahal ko po si Ivy."
Muling napapatitig si Gregoria sa kanyang manugang. "Tatawag lang ako ng doctor." Sabay talikod para lumabas.
Napailing si Devin at napatingin sa paligid, hindi niya maintindihan kung bakit siya nasa Hospital. Samantala ang huli niyang naaalala ay umuwi lang siya dahil ang ama niya ang nasa Hospital. Tumayo na siya at naghanap nang gamit, pansin niya may nakakabit pa sa kanya na aparato, nakaramdam siya nang kaunting hilo nang may pumasok ng Doctor at mga nurse.
"Mr. Branson."
Pinaupo muli si Devin sa kama, at pinasandal sa unan na nilagay sa kanyang likod.
"How's your feeling?"
"Okay naman ako Doctor, pero nguguluhan ako." Tugon niya. "Bakit ako nasa Hospital?"
"Mr. Branson, nahulog ka sa coma sa loob nang mag iisang buwan. But you're lucky na muli ka nang nagkamalay, ano ba ang naalala mo?"
Umiling si Devin. "Naaalala ko na umuwi ako nang Maynila, dahil si Papa ay na-Hospital. 'Yun lang ang huli ko naalala."
Napasinghap ang Doctor at hinawakan ang balikat ni Devin, saglit itong tumayo at nilingon si Gregoria. "Mrs. Villamor, mukhang may selective anmesia si Devin."
Napataas ang kilay ni Gregoria at sinulyapan ang lalaki na tila inaasikaso ng mga nurse, bago muli tumingin sa Doctor. "What do you mean, Doc?"
"For instance, this could mean forgetting some parts of a traumatic event. Mas nanaig sa isipan niya ang mga masasayang memories, at 'yun lang naaalala niya." Paliwanag nang Doctor.
Napatigil si Gregoria, kaya pala sinabi nito na gusto na hiwalayan ang anak niya at si Ivy ang nasa isipan. Tila umaayon na ang panahon. Muli siyang tumingin sa Doctor, "May lunas ba eto?"
"Medyo matagal siya bumalik, kung magagamot agad." Tugon nito.
Umiling si Gregoria, "Hayaan na lang natin muna siya." Sagot niya.
"Ah, okay. Sige maiwan ko na kayo." Ani nang doctor at lumabas na kasabay ang dalawang nurse.
Lumapit na si Gregoria kay Devin at naupo sa gilid. "Devin, gusto mo na ba talaga makioag hiwalay kay Greta?"
Napatitig si Devin sa kanyang biyenan, at tumango. "May— may anak na ako kay Ivy, kailangan ko siya panagutan. Lalu sa ngayon, na hindi naman maayos ang relasyon namin ni Greta."
Ngumiti ng tipid si Gregoria, "Hayaan mo, tutulungan kita. Pero dapat mo malaman, na kinuha siya nang Uncle Damian mo."
"Si-si Uncle? Paano?"
"Mahabang istorya, sasabihin ko sayo kapag nakalabas na ka na dito." Tugon niya at ngumiti, pansin niyang napapaisip na si Devin sa ngayon.
*********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...