Chapter: 40

296 1 0
                                    

IVY

Chapter: 40

"Mama!"

"Wag kang lumapit sa akin, at mainit ang ulo ko!" Singhal ni Greta sa anak na bunso.

Umiiyak naman na lumayo ito at nagmamadaling tumakbo pa akyat sa kwarto.

"Greta, what's wrong with you?" Tila tanong nang ina.

Mainit ang ulo na naupo siya, talagang kumukulo na naman ang dugo niya. Lalu nang may magpadala ng mga larawan sa kanya na magkadikit si Devin at Ivy, na para bang naglalampungan. "That fucking whore! She really in my nerves!" Irita niyang sigaw. 

"You mean, the Mistress of your husband?" Sabay iling nang ina. "Sigurp nga minsan may pagkukulang tayo kaya nagagawa nila mangaliwa, ang hindi ko lang din nuon sa ama mo. Sa isang katulong pa."

Napatigil si Greta, tila hindi niya maintindihan ang sinasabi nang ina. "Ma?"

"Ang ama mo lagi ang nasusunod, alam ko na may pagkukulang ako. Pero hindi ko lubos maisip na pagbalik ko dito sa pinas ,mabubuntisan niya ang katulong namin. Pinagkatiwalaan ko si Zeny, pero tila natukso siya sa ama mo, at ang masaklap mas minahal ng ama mo abg kabit niya. "

"Zeny?" Napatayo si Greta isa lang kasi ang kilala niyang Zeny ang pangalan. At iyon ay ang ina ni Ivy. "You mean— may kapatid ako sa ama?"


Tumango si Gregoria. "Nang mamatay siya, sinunod ko lahat nang bilin niya, pero isa lang di ko magawa. Ang hanapin ang anak niya kay Zeny. " lumandas ang luha niya. "Pinilit kita ipakasal kay Devin para lang sa negosyo, dahil yun ang hiling ng ama mo at ang anak niya ay may malaking bahagi."

"Kaya pala panay ang iyak mo noong bata ako?" Tanong ni Greta. "Kaya pala— nilayo mo ako kay Papa!" Napaiyak si Greta. "At parang ngayon, alam ko na kung sino ang kapatid ko." 

Napatitig si Gregoria at tumayo. "Kilala mo na siya Greta?" 

"Like mother, like daugther. At inagaw din niya si Damian. Si Damian na talagang mas gusto ko!" Sigaw niya at nagmamadaling tumalikod patakbo palabas sa kanilang living room. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan at tinungo ang kwarto.

Pabagsak  siyang humiga, parang hindi siya makapaniwala na si Ivy ay kapatid niya. Kung bakit ngayon lang nasabi ng kanyang ina. May isip na siya noon. Sa state na siya lumaki, alam niya ang mga araw na umiiyak ang ina. At nang bumalik sa Pilipinas, ay si Damian ang unang nakilala at tinibok ng puso, pero si Devin ang ipinakasal ng ama dahil nga mas mag ka edad silang dalawa. "Hindi ako papayag na lahat makukuha ni Ivy! Hinding-hindi!" Inis niyang sigaw.



********



"Damian!" 

Nagulat si Damian nang makita ang kanyang Papa. "Papa, what bring you here?" 


"About— your wife Ivy." 

Napatigil siya at huminga nang malalim... "What about her, Papa?"

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote mo! Pero alam mo na naging affair siya ni Devin?" 

"Who told you, Greta?" 

"Hindi na mahalaga! Ngayon pa lang hiwalayan mo ang babaeng hampaslupa!" Sigaw ni Alfonso.


"I will not, matanda na ako at may sarili nang buhay. Kahit na sino ang pakisamahan ko ako na ang nakakaalam nun." Sagot niya 

"Masyado ka nang matigas Damian! You really like your mom!" Sigaw nito.

"Papa, kaya nga ako lumayo para may sarili na akong buhay. At hindi ko kailangan na humingi pa ng payo sa inyo." Tumingin siya sa kanyang relo. "I'm sorry Papa i need to go for an urgent meeting."  Paalam niya at tumalikod.

"Damian! Hindi mo dapat ako sinusuway, wala g magandang idudulot sayo ang asawa mo!" Habol nito.

Tumigil si Damian at nilingon ang kanyang Papa. "Kaya si Mama masama ang loob ng mamatay, dahil masyado ninyo siya hinigpitan. Hindi na ako magtataka— kung bakit malayo din ang loob ko sa inyo, at si Kuya Gustavo ang mas malapit sa'yo." Huminga siya nang malalim. "Tao pa din si Ivy, Don't judge her." Sabay muling talikod.

Tila napadiin ang hawak ni Alfonso sa kanyang baston, hindi siya makapaniwala na sasagutin siya ni Damian nang dahil lamang sa babaeng napulot nito kung saan.



*******


#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon