Chapter:83

191 2 0
                                    

IVY

Chapter: 83

Mula nang lumayo siya sa Hacienda, ay nalaman niyang nagpakamatay si Deborah. Duon umuwi si Gustavo, hindi na siya masyadong nagtanong sa ibang kasambahay, hanggang sa isang araw ay nagkrus ang landas nila ni Devin. "Master Devin."

"Hindi pa tayo tapos Zeny, namatay ang ina ko dahil sa labis na sakita na naramdaman niya sa ginawa ninyo ng Papa." Ngumisi ito at lumapit bahagya. "Maghintay ka lang— dahil darating din ang araw ninyo, lalu ng anak mo." Sabay talikod nito.

"Huwag mong pakielaman ang anak ko! Dahil sisiguraduhin ko na dadaan ka sa bangkay ko!" Galit na sagot ni Zeny.

Lumingon si Devin at ngumiti. "As you wish." At muling tumalikod sabay sakay sa kotse.

Napahinga nang malalim si Zeny, pagkauwi ay nakita niyang naglalaro si Ivy sa harapa nang kanilang bahay. Umakyat na siya at tumungo sa kanyang kwarto, kinuha niya ang box kung saan nakatago ang larawan ni Iñigo, at ang sulat ni Master Damian sa kanya. "Walang kasalanan ang anak ko, kaya sana— hindi siya maghirap tulad nang dinanas ko." Umiiyak niyang sabi at kinuha ang notebook, duon niya isinulat ang mga pinagdaanan niya. Gusto niya malaman ni Ivy ang totoo balang araw. At kung sino ang totoo nitong ama.


*********


Pumatak ang luha ni Ivy nang mabasa ang nilalaman nito, isinulat ito nang kanyang ina noong mga panahon na nanatili na siya sa bukid. Nakita din niya ang kapirasong larawan nang tunay niyang ama at ang sulat na sigurado niyang kay Damian galing, ang lalaking mahal na siyang nagbigay nang kanyang pangalan. Halos malinaw na sa kanya ang lahat— galit ang nabuo kay Devin kung bakit siya nito pinaibig at sinaktan, hindi siya tunay na minahal nang lalaki at tila planado nito ang lahat para na din sa paghihiganti sa kanyang ina.

Pero mas lalu lang siya nasaktan dahil naalala niya si Damian, ang lalaking simula pa lang na tinulungan na silang mag-ina. "Damian." Bulong niya. At halos ikulong ang mukha sa kanyang palad, wala nang mas sasakit pa sa nalaman niya, wala siyang pakielam kung hindi siya tunay na minahal ni Devin dahil isang lalaki ang nasa puso niya. Ang lalaking tinulungan ang kanyang ina para hindi siya mamatay, ang lalaking nagbigay ng pangalan sa kanya. Pero nawala na ang lalaking minahal at pinakasalan dahil sa paghihiganti nang isang ganid sa pamilya.

Nadinig niya ang yabag na umakyat mula sa kanilang barong-barong marahil na bumalik na si Caroline, saglit niyang inalis ang palad na itinakip sa mukha. Ramdam niya na lumapit na eto kaya siya napatingala. 

Ngunit saglit siyang napatigil at napatayo, halos hindi niya magawang magsalita sa sobrang kabiglaan na nagaganap. Mas lalung nagpatakan  ang luha niya nang makita ang lalaking nasa harap niya. "Da-Damian?" 

Ngumiti si Damian at lumapit para punasan ang luha niya. "Sorry Dear, napaiyak kita."

Napailing si Ivy na tila hindi makapaniwala, nakita niya si Caroline na nasa likuran nito. "So, bigyan ko muna ulit kayo nang time." 

Lumingon si Damian at ngumiti. "Thank you Caroline."

"No problem, Mr. President." Naiiling na muling lumabas si Caroline.

Humarap muli si Damian kay Ivy, kitang kita pa din niya ang gumuguhit na gulat sa mukha nang asawa. Kinuha niya ang kamay nito para ipahaplos sa mukha niya.

"Su-sumabog ang kotse mo." Wika ni Ivy.

"I know." Tugon ni Damian. "Pero buhay ako, Ivy"

"Pa-paano?" Tila muling pumatak ang luha ni Ivy at yumakap. "Damian." Sambit niya at napahagulgol.

Napapikit si Damian. "Thank's to Caroline, at sa ina ni Greta, dahil kung hindi sigurado na wala na  talaga ako sa tabi mo." 

Kumalas si Ivy at muling napatitig kay Damian. "I- i don't get it..." 

Huminga nang malalim si Damian at hinawakan ang kamay ni Ivy.  "Si Devin ang nasa likod lahat nito, pati sa nangyari kay Papa." 

Napalunok si Ivy, tila hindi nagkamali ang kanyang hinala.

"Pero bago ko i-kwento ang lahat. Kumain ka muna, dahil tanghali na.. Mas kailangan mo nang lakas para sa malalaman mo." Wika ni Damian.

Ngumiti si Ivy at muling niyakap ang asawa....



********


#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon