Chapter:65

184 2 0
                                    

IVY

Chapter: 65

Nakatingin si Devin sa malayo habang nakatanaw sa bintana nang kanyang opisina, balak na niya umalis dito at plano na lumipat bilang Vice President nang kanyang Uncle. Iniikot ikot niya ang kanyang baso na may lamang brandy, habang nakatanaw sa naglalakihang building nang may nadinig siyang pumapalakpak mula sa likuran niya. Napilitan tuloy siyang ngumiti at lumingon. 

"Akalain mo na pati ako— pinaikot mo?" Wika ni Gregoria.

Ngumiti lang si Devin at itinaas ang baso. "Sorry."

Halos nanggigigil si Gregoria na lumapit kay Devin at akmang sasampalin ito, ngunit mabilks na nahawakan ang kamay niya at itinulak bahagya.

Nilapag ni Devin ang baso at tumingin sa kanyang biyenan. "I know  the story about your husband and Ivy's mother." 

Napatitig lang si Gregoria.

"Tulad mo, biktima lang din ang mama ko nang kagandahan marahil na taglay ni Zeny." Sabay ngiti niya. "Kaya hindi ako papayag na ikaw lang ang sisira kay Ivy." 


"At pati anak ko, idinamay mo!" Sigaw ni Gregoria.


"Ikaw ang nag utos nun sa kanya." At kinuha ang baso sabay inom nang alak na nilagay niya, nang maubos ay nilapag niya muli ang baso at nilingon si Gregoria. "Alam ko na lahat nang klaseng pagpapahirap ginawa mo sa kanilang dalawa, kaya nga nakatulong sa akin 'yun, para hindi mahalata ang mga plano ko."


"Napaka walang hiya mo Devin! Pati anak ko namatay dahil sa utos mo! Pinilit mo din siya na magsinungaling, para lang mapaikot ang ulo ng mga taong nasa paligid natin!" 

"Hindi lang ako ang walanghiya dito Gregoria, pati ikaw— pinaikot ninyo akong mag ina. At pinaniwala  na may mga anak ako kay Greta, pero alam ko na... Nuon pa na wala akong anak" sabay ngiti niya. "Ang nakakatawa lang, ay may gusto siya kay Uncle Damian." Lumapit siya bahagya kay Gregoria. "Gusto mo din naman makaganti kay Ivy, lalu at anak siya sa labas nang asawa mo."

"Pero ang ginawa mo kay Greta, ang hindi ko mapapatawad!" 

Bumuntonghininga si Devin. "It's up to you my dear mother-in-law. Mamili ka, makikipag tulungan ka sa akin o—" sabay lapit sa table niya at kinuha ang papeles na naroroon. Sabay bigay kay Gregoria. 

Napatingin si Gregoria sa papel...

"I told you, i know everything about you. Siguro naman ayaw mo na— pulutin ka din sa kangkungan?"  Sabay tawa ni Devin.

"Paano mo nalaman eto?" Tila napapalunok si Gregoria.


"Na wala ka nang pera?" Tanong ni Devin, "kay Greta, kaya nga tinanggap niya offer ko na makipag sabwatan at gumawa kami nang story dalawa.  Na nag aaway dahil kay Ivy." Muling natawa si Devin, talagang hindi na niya mapigil at tumalikod kay Gregoria na naiiling.

Halos nagpupuyos ang galit ni Gregoria sa dibdib niya, dahil sa pagtawa ni Devin.  "Patay na si Greta, pero anu pa talaga ang gusto mo!"

Muling humarap si Devin. "Deal with me mother, and i surely give you a half of my company."  Lumapit na siya at nilahad ang palad. 

Napatitig si Gregoria sa kamay ni Devin at tumingin siya sa lalaki. "Hindi ko akalain na ang lalaking nakilala ko na mabait, ay masahol pa sa demonyo."

"Well, dalawang klase ang tao sa mundo. Isang manloloko at isang nagpapaloko, malas lang dahil kayo ang naloko." At bahagyang tinaas ni Devin ang kamay niya. "Take it? or leave it?" 

Napabuga nang hangin si Gregoria, at tinanggap ang kamay ni Devin. Hindi niya maatin na mawala ang bahay at pera sa buhay niya.

Natawa nang malakas si Devin. "Oh... Dearly, sigurado ako na magiging masaya si Greta kung saan man siya naroroon." 

Inalis na ni Gregoria ang kamay niya at kinuha at tinapon ang papeles na binigay ni Devin sabay talikod at padabog na lumabas sa opisina nito.

Nawala ang ngiti ni Devin at lumapit sa couch para maupo. Alam niya na pinahirapan ni Gregoria sina Zeny at Ivy nuon, kaya hindi ito nakapag aral. Siya din ang unang nakaalam na magkapatid ang dalawa, at duon dumating ang punto na nagtrabaho sa Hacienda ang ina ni Ivy at nahulog ang loob ng ama niya. Saglit niyang ikinuyom ang kamao. Sa galit na nararamdaman kapag naaalala niya ku g gaano kagiliw ang ama sa ina ni Ivy keysa sa kanyan ina. "Unti-unti ko na sila nabibilog." Bulong niya at tila isinandal ang ulo sa sandalan. Sabay tingala at tingin sa kisame. "Ivy and Damian, here i am.." Bulong niya at ngumiti. 



*********


#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon