IVY
Chapter: 24
"Mr. Branson." Agad na salubong sa kanya nang magiging tutor ni Ivy.
"Nice meeting you Ms. Miranda. This is Ivy, at siya ang sinasabi ko sa inyo."
Ngumiti ito nang makita si Ivy. "Don't worry i can handle her." Sabay ngiti. "Hi Ivy, i'm teacher Miranda."
"Ahmm Miranda, she don't understand english. Please step by step okay." Paliwanag ni Damian.
Muling napatango si Mirand at hinawakan ang braso ni Ivy. "Siguro naman— okay na kami munang dalawa."
Napatango si Damian. "Feel at home, and i hope na may magandanda result."
"Don't worry. I own you." At muling tumingin kay Ivy. "Iha, halika duon tayo sa table."
Napasunod na lamang si Ivy at tila hindi umiimik, tahimik itong naupo sa itinuro ni Miranda.
Bumuntonghininga naman si Devin at saglit na kinuha ang mga pinamili nila at umakyat, hinatid niya muna ito sa kwarto ni Ivy. Personal niya itong ginawa, nang lumabas ay agad siyang nagtungo sa library room. Saglit niya inalala ang sinabi nito. "Devin." Bulong niya at naiiling na umupo. "Kung hindi ako nagkakamali ang Hacienda sa San Isidro, iisa lang naman ang pwedeng mamahala duon. At kung si Devin nga—" muli siya napailing. Bakit bigla naging kumplikado ang lahat para sa kanila. "Ibig sabihin, ang pamangkin ko ang may kasalanan kung bakit siya nagka ganito." Bulong niya at sumandal.
Ang hacienda ang pinamana sa kanyang kuya, mas gusto kasi nito na mayroong bakasyunan. Isang beses lang siya nakapunta duon at halos anim na taon na ang nagdaan. Malayo ang agwat nila ng kanyang kuya, halos sampung taon lang ang tanda niya kay Devin. Dahil may edad na ang kanyang mga magulang nang ipagbuntis siya. Hindi iyon inaasahan nang kanyang mga magulang, na magkakaroon pa sila nang isang anak at siya nga iyon. Mula nang mamatay ang ina ay mas pinili niya ang mag isa at magsarili. Humiway na siya sa kanyang ama dahil magka ugali ang kuya niya at ito. Mahigpit at gusto'y sarili lamang ang masusunod.
Noong nakaraan lamang namatay ang kanyang kuya, si Devin naman at ang asawang si Greta ay bumalik sa state at gusto daw muna nito na magpahinga at asikasuhin ang ibang naiwan. Saglit na kinuyom niya ang kamao, ayaw niya talaga sa lahat ay naaapi ang mga taong walang alam at may mahirap na pinagdadanan. At isa pa na gumulo sa isipan niya.
Muli siyang tumayo at kinuha ang libro na may nakaipit na larawan. Agad niyang binuklat iyon at kinuha. Ngayon ay alam na niya— kung bakit kahawig ni Ivy ang babaeng noon ay nakita niya sa bukid. Ang batang babae na masayang nagsasayaw sa gitna habang umiikot ikot. "Siya si Ivy..." Bulong niya at tila naramdaman niya ang pumatak na luha mula sa kanyang mata...
Napahinga siya nang malalim, ngayon lang niya agad ito napagtahi tahi. Ang babaeng lihim niyang kinagiliwan ay ang babaeng inabuso ng kanyang pamangkin ay iisa. Si Ivy, ang babaeng noon ay gusto sana niya makilala, pero alam niyang bata ito kaya hindi na siya naglakas nang loob. Isa pa alam niyang hindi siya makakabalik sa Hacienda dahil mas madami siyang trabaho dito sa kumpanya. Napaupo siya, hindi niya akalain na magkrus ang kanilang landas at ang nakakatuwa ay ito pa ang resulta. Labis siyang nasaktan, lalu sa pagiging inosente nito, maging ang mga simpleng salita ay hindi alam.
Agad niyang binalik sa libro ang larawan nang makadinig ng katok, at mabilis na pinunasan ang pumatak na luha. "Come in."
"Master, naghanda na po ako nang meryend." Wika ni Aling Ising.
Ngumiti siya at tumango. "Sige po, susunod na po ako." Tugon niya.
Muling tumalikod si Aling Ising at lumabas, tumayo na si Damian. Tila napaisip siya nang mga sandaling iyon. "Hindi dapat apihin nang ganito si Ivy, at dapat lang na pagbayaran iyon ni Devin." Kahit na pamangkin ito ay hindi siya papayag na manakit lamang ito nang damdamin ng iba...
*******
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...