Chapter:57

186 3 0
                                    

IVY

Chapter: 57


Abala si Ivy na mag ayos sa kusina, gumawa kasi siya nang ensalada na talong at bumili din nang daing, eto mga gusto niyang kainin. Isa pa nangako si Damian na uuwibsa tanghalian kaya talagang nagluto siya.

"Ma'am Ivy!" Mabilis na lumapit ang pinakabata nilang katiwala.

"Bakit Abby?" Agad niyang tanong nang lumingon siya.

"May bisita po kayo nasa sala."

Nangunot ang noo ni Ivy. "Parang wala naman ako ini-expect na bisita." Sambit niya at napilitan na alisin ang apron at sumunod na kay Abby, iilan lang naman ang kanyang lalakaran. Mahaba lang ang pasilyo hanggang sa makarating sa sala, pansin niya ang nakatalikod na lalaki. Napahinton siya. "Excuse me?" 

Agad na humarap si Devin, lumapad agad ang ngiti niy nang makita si Ivy.


"Devin." Ngumiti din si Ivy at tila mabilis na lumapit sa lalaki. "Thank's God at—magaling kana." 

Hindi napigilan ni Devin na yakapin si Ivy, pakiramdam niya na sobra niya na miss ang babaeng mahal.

Hindi naman iyon binigyan nang malisya ni Ivy, at gumanti din siya nang yakap. "Pasensya ka na, kung hindi na kita nadalaw. Hinigpitan na kasi ako nang lolo mo." 

"It's okay, ang mahalaga andidito na ako." At kumalas siya sa pagkakayakap. "Ivy, okay lang ba na maging close na ulit tayo?" 

"Oo naman, sigurado ako matutuwa si Damian kapag nalaman niya na magaling ka na, isa pa dito ka na managhalian. Tatawagan ko lang siya para makauwi na agad." Sabay talikod niya at kinuha ang cellphone.

Hindi naman umimik si Devin at nakita ang frame na naroroon. Potrait ito nang kasal nang dalawa, hindi niya maintindihan pero ang sabi sa kanya ni Gregoria ay matagal nang may relasyon ang dalawa. At ang pagkakahulog niya ay gawa din nang dalawa, binanggit sa kanya na iniligtas siya ni Greta pero ang asawa ang nasawi.  Bumuntonghininga siya lalu nang muling humarap si Ivy.

"Nakakapagtaka, walang sumasagot. I mean naka off ang cellphone ni Damian, teka maghahain lang ako alam naman niya na nagluto ako kaya uuwi 'yun. Maiwan muna kita d'yan."

"Ivy, tutulungan na lang kita." Prisinta ni Devin.

"Sigurado ka ba?" Tanong niya dahil iniisip niya na baka mabinat si Devin.

"Yes, sigurado ako. " tugon nito at ngumiti

"Okay. Halika duon tayo sa kusina." At una na siyang tumalikod.




*********


Halos busy si Damian nang mga oras na 'yun, nasa kalagitnaan siya nang meeting nang lumapit si Caroline para ibigay sa kanya ang mga papeles na report nang ibang kumpanya, masyado na kasi madami silang proyekto lalu ang pagpapatayo nang mga mall.

Nang biglang maalala ang cellphone, kinapa niya ang kanyang bulsa ngunit wala ito, kaya agad siyang tumayo. Napatingin ang mga ka- meeting niya. "Sorry, but i have an urgent  meeting, we can discuss this tomorrow. At bukas na din ako pipirma."  At agad na tumalikod, napatingin siya sa relo. Naalala niya na may niluto si Ivy, at sigurado na naghihintay na eto. Ang problema ay hindi niya pala dala ang kanyang cellphone, kaya mabilis ang mga hakbang niya papunta sa kanyang opisina.


"Mr. President, wait lang po!" Habol ni Caroline 

Napahinto si Damian at lumingon, sa hindi sinasadya na natalisod si Caroline at mabilis itong napakapit sa kanya, muli siya na out of balance at sumakto ang labi nito sa kanyang labi. 

 Nandilat si Damian at mabilis na naitulak bahagya si Caroline, sabay mabilis na bangon.

"What the hell?!" Inis niyang sabi 


"I'm sorry, hindi ko sinasadya." Inayos ni Caroline ang sarili at tumayo. "Ang bilis mo kasi maglakad, may importante akong papipirmahan."

"Hindi mo ba ako nadinig, na bukas na ako pipirma." 

Napailing si Caroline.


"Let me clear to you the things Ms. Herra. Kung gusto mo magtagal sa posisyon bilang Secretary ko, you must pay attention to all your work and my decision. And one more thing, don't act like an innocent, isang babae lang ang kilala ko na inosente sa paningin ko." Sabay muling talikod ni Damian.

Napakagat labi si Caroline, tila hindi talaga siya makapaniwala sa pagiging prangka ni Damian.


******

Mabilis na pumasok si Damian sa opisina, hinanap niya ang kanyang cellphone malapit sa kanyang table nang makita ito ay nagtatakang napaisip kung bakit naka turn off ito. Pero mabilis na niya itong ibinulsa at agad na muling lumabas para umuwi.


*******



#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon