IVY
Chapter: 61
She was wearing a color cream terno suit. Medyo wide ang pang ibaba nang kanyang cream na jeans, nag half body lang siya na color black na tube at nag doble nang coat. Kahit na buntis ay hindi siya papakabog, isa pa pwede pa siyang umawra anytime. Samahan pa na ang lakad ay tila modelo, talagang gagalingan niya ngayon ang pag arte lalu at mukhang ginagalingan nang Caroline na 'yun.
Nakasunod naman si Damian at tila hinayaan na niya ang asawa na mauna sa bawat hakbanh nito, iba talaga ang karisma ni Ivy na kahit sino ay napapatingin sa asawa. Maswerte talaga siya, lalu at siya ang naging asawa nito.
Pagkarating nila sa floor ay lihim na nagmasid si Ivy, pansin niya ang babaeng nakatayo na may maikling suot na palda. Ang damit nito na tila hindi pang secretary na tulad nang mga suot ni Aiza.
Pansin ni Damian ang pagkakatitig ni Ivy kay Caroline, at mukhang may balak na lapitan ng asawa ang bagong secretary. "Here we are." Bulong niya na halos siya lang ang nakakadinig.
Mabilis na humakbang si Ivy at lumapit sa pwesto ni Caroline. "Are you, the new secretary here?"
Napalingon si Caroline at nakilala niya agad ito, ngumiti siya na nakataas ang kilay. "Yes i am. Mrs. Branson."
Ngumiti si Ivy at tinanggal ang sunglasses na suot. "So, you know who i am."
"Of course, sino ba hindi makakakilala sa asawa ni President." Tugon ni Caroline at tinitigan si Ivy.
"Kung ganun, tigilan mo ang kalandian mo sa asawa ko." Malumanay niyang sabi na sinamahan pa nang ngiti.
Tila nawala ang ngiti sa labi ni Caroline. "Si Uncle Alfonso ang naglagay sakin dito. And you have no rights to fired me... Cause he is the owner of this building." Seryosong sabi nito.
"I know, kaya nga i'm giving you a warning Caroline. Stay away to my husband, alam ko na hindi kita mapapaalis sa salita lang." Sabay lapit pa niya bahagya. "Pero kayang-kaya kitang kaladkarin gamit ang isang kamay ko, mapaalis ka lang dito." Malumanay pa din na sabi ni Ivy na nakangiti.
"Are you threatening me?" Sabay taas nang kilay ni Caroline.
Umiling si Ivy. "No, hindi kita tinatakot. Kayang-kaya ko gawin 'yun." Sabay lingon at sumenyas kay Damian. "Dear, let's go inside. "
Lumapit na si Damian at agad na humawak sa beywang ni Ivy.
Nakatingin lang si Caroline sa dalawa nang lumagpas na ang mga eto at tuluyang pumasok sa malawak na opisina ni Damian. Nagpakawala siya nang hangin, at naiinis na nag walk out.
"Nag walk out siya." Wika ni Damian na sumilip sa bintana. Makikita ang labas nang opisina, pero hindi ang nasa loob. Muli niyang nilingon si Ivy, nakita niyang hinubad nito ang coat na suot. At kinuha ang mga folder na nasa table niya. "What do you think?"
"I guess, na mas lalu siyang gagawa nang way para mapalapit pa sayo. " sagot ni Ivy habang nakatingin sa new project nang asawa.
"Not Caroline, about d'yan sa hawak mo." Pagtatama niya.
Napatigil si Ivy at tumingin kay Damian. "Oh, you mean this?"
Ngumiti lang si Damian. "Masyado ka yata na highblood kay Caroline."
Umiling lang si Ivy. "I feel something weird mula nang mamatay si Greta, and this Caroline that i don't know where did came from?" Binitawan niya ang folder. "I know na may alam si Papa mo dito— anu ba nagawa ko sa kanya at ayaw niya sakin?"
Lumapit si Damian at kinuha ang mga kamay ni Ivy. "Don't mind Papa, ayoko ma stress ka."
"Hindi ako mai-stress. Pero hindi mo maiaalis sa akin ang mag-isip. And Devin, there's something i don't understand, sa pagpunta niya sa bahay." Tila binawi niya ang kamay at nagkibit balikat siya. "Iba nararamdaman ko."
Huminga nang malalim si Damian at yumakap mula sa likuran ni Ivy. "Nasobrahan ka na nang talino ha?" Sabay halik sa leeg nito pagapang sa punong teynga. "Don't worry, i'm always prepare dear." Bulong niya at pinaharap si Ivy.
Ngumiti si Ivy at niyakap ang asawa.
*********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomansaSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...