IVY
Chapter: 66
Kapapasok lang ni Ivy sa kanilang kwarto nang mapansin niya si Damian na may kausap sa cellphone, hindi na niya ito inabala at mabilis na hinubad ang coat.
Napansin ni Damian ang asawa. "Okay, papa. Bye." Pagtatapos niya sa kanilang usapan, ang Don ang tumawag sa kanya. "Hi Dear." Sabay lapit at halik sa labi nito. "Bakit nagpagabi ka?"
"May dinaanan kami ni Aiza, at binili." Napatingin siya kay Damian. "Si Don Alfonso ba kausap mo?"
Tumango eto. "Meron daw siya i-announce bukas. May party siya na ipinagawa sa Hotel na pag mamay ari nila kuya Gustavo, we're also invited. Tamang-tama at saturday tomorrow."
Ngumiti si Ivy at yumakap sa asawa isinandal niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. "I have a bad feeling."
"Really?" Tila tanong ni Damian.
Napatango si Ivy bahagya pero hindi umaalis ang ulo sa pagkakasandal sa dibdib ni Damian.
"Hey, what's wrong dear." Pag aalala ni Damian at bahagya na inihiway ang asawa para pagmasdan.
Ang mukha ni Ivy ay tila nagpapa awa ng mga oras na 'yun. "I'm hungry."
Natawa si Damian sa sinagot nito. "Akala ko kung napapa ano ka na." Natatawa pa din niyang sabi.
"Di ko mapigilan ang hindi magutom, promise... Kumain na kami ni Aiza, but still i'm hungry." Reklamo ni Ivy.
"Okay, okay.... Would you like na sa labas tayo kumain?" Tanong ni Damian.
Tumango si Ivy na may ngiti. "Magpapalit akong damit, ikaw din... Huwag naman na sobrang pang mayaman." Excited na sabi nito at tumalikod sabay lapit sa closet.
Natawa lang muli si Damian. "Go first, after mo magpit i'll change also." Tugon niya at naupo sa gilid nang kama. Pinagmamasdan niya si Ivy, habang busy ito sa paghahanap ng damit. Nangingiti siya na kinuha ang cellphone, pansin niya na may mga messages si Devin sa kanya. Pero hindi muna eto binasa.
*********
Habang nagmamaneho ay pansin niya ang panay tingin Ivy sa labas. "Dear kanina kapa tumitingin sa labas ahh?"
"Naghahanap kasi ako ng balot." Sagot niya na hindi lang man lumilingon.
"Balot?" Napakunot ang noo ni Damian at tila nailing. "Baka naman maging sisiw ang anak natin." Pagbibiro niya at sinamahan ng tawa.
Lumingon si Ivy, nakita niyang natatawa si Damian. "Not funny." Seryoso niyang sagot.
"I'm just kidding dear, pero— gusto mo ba talaga na sa labas kalsada bumili? I mean ung naglalako ng balot?" Muling tanong ni Damian.
Napatango si Ivy at tila muling lumingon, nang may makita siyang isang bulto na nakatayo sa labas, medyo pamilyar ang mukha nito kaya habol tingin siya hanggang sa lumagpas. "Wait, stop the car."
Saglit na napa preno si Damian. "May nakita ka na?" Tanong nito.
Umiling si Ivy at tinanggal ang seatbelt, saglit na binuksan ang pintuan ng kotse para lumabas.
Inalis ni Damian ang kanyang seatbelt at dali-daling lumabas para sundan si Ivy. "Ivy." Habol niya.
Hindi masyadong lumapit si Ivy sa nakita niyang nakatayo sa kalsada, saglit siyang napatitig dito lalu at may kausap itong dalawang babae... Bigla niya naalala ang mukha nang taong nakabili sa kanya.
******
"Anu nga name niya?" Tanong nito kay Monica
Kita ni Ivy ang mapilantik nitong kamay at tila ang pagkakatitig sa kanya.
"Ivy." Tugon ni Monica.
"Ivy, a nice name. I'm Luna..." Pakilala nito at tila umikot pa eto para pagmasdan lang siya.
Ang mga araw na tinuturuan siya sumayaw, at ang araw na tila nanumbalik ang isipan at tumakbo para makatakas sa mga taong hindi niya kilala.
Duon niya naalala na nabangga siya nang kotse, at isang bisig ang bumuhat sa kanya. Habang nakahiga sa kandungan nito, ay sinabi niya na tulungan siya.
*******
"Dear."
Tila nagbalik sa reyalidad ang kanyang isipan nang maalala niya ang eksenang iyon.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Damian at tumingin sa tinitingnan ng asawa. "Kilala mo ba sila?"
Napailing si Ivy at tumitig kay Damian, ngayon malinaw na kung bakit hindi umalis si Damian sa kanyang tabi nang mga araw na 'yun. At kung bakit sinabi nito na may isang babae na nagsabi sa kanya na tulungan siya.
"Dear, hey?" At tila hinawakan sa magkabilang balikat si Ivy.
"Damian." Sabay yakap niya at umiyak.
"Ssshh, bakit ka umiiyak." At tila hinaplos ang likuran nito bahagya.
Yumakap lang siya nang mahigpit at tila biglang natakot na mawala sa tabi niya ang lalaking, kumupkop at nagmahal sa kanya. "Don't leave me, please... No matter what happen wag mo'ko iiwan." Sabay tingala at emosyonal na tumingin sa mukha ng asawa.
Ngumiti si Damian. "No Ivy, i promised. Only death can be apart of us. Pero hangga't buhay ako. Mananatili ako sa tabi mo."
Muling yumakap na lamang si Ivy nang mahigpit kaya Damian.
********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...