Chapter: 5

623 5 2
                                    

IVY 

Chapter: 5

Habang nag lalakad si Ivy ay tila nakasunod si Devin sa kanya, hindi tuloy siya mapalagay at hindi siya sana'y sa ganitong pakitungo. Kaya mabilis siyang huminto at nilingon ito. "Sir, kanina kapa sunod ng sunod ah?" Tinapangan niya ang kanyang awra at tumitig dito, kahit ganito lang siya ay kailangan niya maging alerto sa anumang bagay.

Napangiti si Devin sa inasal ni Ivy. "Iniisip mo ba na— sinusundan kita? Dito din kasi ang daan ko." Sagot niya

Tila napahinto si Ivy at ngayon ay napagtanto niya na iisang lugar nga lang pala ang daanan papunta sa Hacienda at sa kanila, napakagat labi siya at tumalikod. Talagang nakakahiya ang ginawa niya, lalu at ito ang may ari nang lupa na sinasakahan nila. Muli niyang inayos ang pagbubuhat nang kanyang mga labahin, pero nalaglag ang banyera na dala niya.

Mabilis naman na kinuha ni Devin iyon, at agad na tinulungan si  Ivy. "Ako na." Prisinta nito.

"Nakakahiya po sir."

Muling ngumiti si Devin. "Bakit ka ba po ng po sakin? Mukha na ba akong matanda?" 

Umiling siya at tila hindi makatingin ng diretso.

"Hayaan mo nang tulungan kita." Saad muli ni Devin at kinuha ang bitbit ng dalaga. 

"Mabigat po 'yan." Wika niya

"Hindi kaya." Sabay silay ng ngiti ni Devin.

Napalunok si Ivy at tila nagpasya nang hayaan ang binata. Medyo binagalan niya ang paglalakad.

"Mahirap ba ang pamumuhay dito?" 

Napalingon si Ivy sa tanong ni Devin. "Pag sanay ka, hindi ka na mahihirapan." Sagot niya.


Napatango si Devin. "Bakit mas pinili mo ang magsaka? Madaming mas bagay sayo na trabaho?"


Nahihiyang yumuko muli si Ivy at mabagal pa din ang paglalakad. "Hindi po kasi ako, nakapag aral." 

Napalingon si Devin sa sinabi nito, ngayon ay naintindihan niya na kung bakit tila inosente ang kilos nito. Bigla siya nakaramdam ng lungkot para sa dalaga. Hindi niya tuloy alam kung paano ulit siya magsisimula nang kanilang topic.

"Maganda po ba sa Maynila? Yung kapitbahay namin na si Monica, galing duon at duon nag aaral." 

Napatango si Devin. "Actually, sa state ako mas madalas. Ang Papa ko lang ang nasa Maynila. Umuwi lang ako dito— dahil, gusto ko lang makalimot ng mga problema. " sabay ngiti niya bahagya at tumingin sa nilalakaran.

"Ganun po ba, pero masarap siguro maging mayaman. Kasi hindi niyo na kailangan magsaka para may kainin." Muling wika ni Ivy.

"Depende din. Ikaw, may balak ka ba na umalis din dito sa lugar ninyo?" Bigla niyang tanong.

Napalingon si Ivy at ngumiti. "Hindi ko pwede iwanan ang inay ko. Kami na lang po dalawa— kaya po, mas gusto ko kasama ko siya." Sabay hinto niya dahil malapit na sila sa may labasan. 

Napahinto din si Devin at tumitig dito.

"Akin na po, baka may makakita na taga bukid, isipin na pinagbubuhat ko ang may ari ng hacienda." Biro niya.

Natawa lang si Devin at binigay na dito ang bitbit, sa hindi sinasadyang nahawakan niya ang kamay ni Ivy.

Napahinto si Ivy, at tila may kung anong hatid sa kanya ang pagdampi ng palad nito sa kanyang kamay, mainit iyon na may halong kaba na hinatid sa kanyang dibdib lalu at titig na titig ang mga mata nito sa kanya.


Napatigil si Monica nang makita ang kahawakang kamay ni Ivy, nakilala niya ang lalaki na may ari nang Hacienda, nagtataka siya kung bakit kasama ito ni Ivy pero saglit din niyang napagtanto na tila kursunada ito nang mayamang taga maynila. "Nangangarap ang babaeng 'yun." Bulong niya at umismid sabay talikod.


"I hope na magkita ulit tayong dalawa." Wika ni Devin at saglit na inalis na ang kamay at hinayaan na si Ivy na ang mag bitbit ng mga damit.

"Madali lang po ninyo ako makikita, siya nga po pala may party bukas nang gabi. Pwede po kayo magpunta po duon. Para po sa lahat iyon, lalu sa inyo." Wika niya at inayos na sa tagiliran ang banyera na di naman masyadong kalakihan parang maglalako lang siya ng gulay o isda sa bayan.

"Pupunta ka ba?" 

Napatingin si Ivy dito. "Susubukan ko po, kasi— baka di ako payagan ni inay. Sige po, salamat po ulit sir." Sabay yuko niya bahagya at tumalikod na.


"Pumunta ka sana— para naman may makausap ako duon." Habol ni Devin.


Nadinig iyon ni Ivy, pero hindi na niya inabala ang sarili na lumingon. Ngunit ang ngiti sa kanyang labi ay nagpapahiwatig na tila may hatid iyon sa kanyang puso kaya agad na siyang naglakad para makauwi sa kanilang bahay.




**********



#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon