Chapter: 17

360 2 0
                                    

IVY

Chapter: 17

Pinagmamasdan ni Damian ang babaeng walang malay, hindi niya alam kung bakit ba ito nasa kalsada pero isa lang ang alam niya. Humihingi ito nang tulong, napahinga siya nang malalim ng pumasok ang kanyang driver.

"Sir, hindi pa po ba tayo aalis?" 

Nilingon niya eto at umiling. "Tawagan mo si Cecil, tell to her to cancel may dinner meeting."  Sabay muling tingin sa babaeng nakahiga sa hospital bed.

"Sige po sir, babalik po muna ako sa kotse dahil anduon po ang cellphone ninyo." Paalam nito.

Hindi na sumagot si Damian, nakalimutan na kasi niya ang cellphone niya sa kotse dahil binuhat niya ang dalaga at nagmamadaling inilagay sa Emergency, mabuti na lang at wala ito masyadong pinsala. Ang sabi nang Doktor ay tila napagod lamang katawan nito gawa na galing daw sa pagkaka kunan. Napailing siya— hindi niya akalain na may pinagdadaanan ito. 

Napansin niyang gumalaw ang kamay nito.

Unti-unti nang gumalaw si Ivy, maya-maya ay dumilat siya. Saglit pa niyang hinila ang kumot at ikinumot sa sarili, hindi na kasi niya maalala ang mga nangyari sa kanya.

"Miss?" 

Napatingin siya sa lumapit sa kanya— hindi talaga niya maintindihan kung nasaan siyang lugar. "Si-sino ka? Nasaan ako?" 


Napatigil si Damian. "You don't know what happend?" 

"Ha, di kita maintindihan." Agad na sagot ni Ivy, naalala niya na umuwi na siya nang mawala ang anak nila ni Devin pero tila hindi na niya maalala ang mga sumunod. At ngayon may isang lalaki na nasa harapan niya. 


"Di mo'ko maintindihan?" Nangunot ang noo ni Damian. "Miss, look bigla ka na lang lumitaw sa kalsada. And i don't know where you from. Nabangga ka nang driver ko, kaya ka namin dinala dito sa Hospital." 

Napatingin sa paligid si Ivy, ngayon lang niya napagtanto na nasa Hospital nga siya. "Wala po akong, pambayad." Malungkot niyang sabi 

"Ei." Sa isip ni Damian at tumitig sa babae. Wala ba itong naiintindihan, hindi naman ito ang magbabayad kundi sila. "Hey, Miss. Naiintindihan mo ba talaga pinag uusapan natin?"


Napailing si Ivy at tila niyakap ang sarili. "Asan po ba ako? Anung lugar po eto?" Inosente niyang tanong.

"Talagang hindi mo alam kung nasaan ka?" Ulit na tanong ni Damian.

Umiling lang si Ivy. "Di ko po talaga alam, ang huli kong naalala nasa ospital din po ako sa lugar namin." 


"Dear." Bulong ni Damian at naiiling na napahilamos sa kanyang mukhang. "Okay, you're here in Makati. Kanina nasa Quezon Avenue ka nang mabangga ka namin." 

"Ma-ka-ti?" Ulit ni Ivy at naiiling. Hindi niya kasi alam ang mga lugar na binanggit nito. "Nasaan po ba ako, malayo po ba eto sa San isidro?" 

"What?" Takang tanong ni Damian. "Probinsya ba ang San Isidro?" Pansin niyang tumango ito. "Wala ka sa probinsya. Okay, teka hindi mo ba alam na naririto ka sa lungsod?" 

Hindi umimik si Ivy at napaiyak, hindi niya talaga maalala ang mga nangyari. 

Nabahala naman si Damian. "What about your family? I will call them for you?" 

"Anu po?" Sabay punas ni Ivy ng luha. "Pasensya na kayo, pero hindi ako nakakaintindi nang sinasabi ninyo."

Mas lalung nabigla si Damian sa sinabi nito. Kaya napabuntonghininga siya. "I see..." At lumapit bahagya. "Baka may pamilya ka na— gusto tawagan?" 

"Wala po, ako na lang mag isa. Pero salamat po sa pagtulong ninyo." Tugon ni Ivy at sinubukan nang tumayo ngunit nanghihina pa ang tuhod niya.

Mabilis na tinulungan ito ni Damian. "Mahina ka pa, sabi nang Doctor. Galing ka sa pagkaka kunan."

Napatigil si Ivy at napaupo sabay muling patak ng luha, naalala na niya nang umuwi siyang umiiyak at bumuhos ang ulan. Nang araw na 'yun ay hindi na siya nakauwi nang maayos. Pero hindi niya maalala kung ilang araa siyang nawala sa katinuan. 

Napailing si Damian. "Hey, wag ka nang umiyak. Di ko alam kung ano pinagdadaanan mo. Pero magtiwala ka lang at malalagpasan mo din ito." 

Napa angat nang mukha si Ivy at tumitig sa kaharap. Kahit paano ay nabuhayan siya nang loob, hindi niya kasi alam kung paano siya magsisimula. At wala siyang mapupuntahan.

"Siya nga pala— bayad na ang Hospital bills mo. Magpagaling ka na lang." Wika ni Damian. At tila napatingin sa paligid. "I need to go now, have a nice day." Sabay ngiti niya at tumalikod  na.


Napasunod na lang ng tingin si Ivy sa lumabas na lalaki, hindi na siya umimik at muling nahiga...


*****



#AuthorCombsmania


IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon