Chapter: 15

381 2 0
                                    

IVY

Chapter: 15

Dala nang ilang araw na puyat, walang pagkain na maayos at sama anang loob ay nalaglaga ang dinadala ni Ivy. Nakahiga lamang siya at nakatingin sa puting kisame nang ospital kung saan siya dinala ni Mang Vicencio. Marahil ay may plano ang Diyos kaya binawi nito ang magiging anak nila ni Devin, pero naroroon ang lungkot niya sa dibdib dahil maging ang anak na sana ay makakasama ay nawala sa piling niya. 

Muling pumatak ang luha ni Ivy, tila napapagod na siya ngayon gusto na niyang mamatay. Wala na siyang kasama— iniwan na siya nang kanyang ina, si Devin na lalaking minahal niya ay pinaglaruan lamang siya at ang batang nabuo nila na sana ay makakasama ay naglaho din nang parang bula.

Agad na siyang  bumangon, gusto na niyang makauwi sa kanyang bahay at duon na lang ipagpatuloy ang pagpapahinga.


*******

"Si Ivy ba 'yun?" 

Napalingon ang mga babae maging si Monica, nakita kasi nila na nagsasayaw si Ivy sa kalsada. Madumi ang suot nitong damit, at para bang sobra ang saya habang nagsasayaw. 

Napailing ang ibang matanda. "Bumigay na yata isip ni Ivy."

Napataas ang kilay ni Monica. "Paanong hindi bibigay ang utak, naloko ng lalaki, nagpabuntis tapos namatayan pa ng ina." Naiiling niyang sabi pero muli niyang pinagmasdan si Ivy, tila kasi napakaganda pa din nito kahit na madumi at hindi na nakakapag palit ng damit, isa pa ang mukha nito talaga ay kakaiba. "Well." Bulong niya.


*******

"Ayoko!" Sigaw ni Ivy nang buhusan siya ng tubig ni Monica.

"Maligo ka! Di'ba pangarap mo makapunta sa Maynila, pwes dadalhib kita duon."  At muling binuhusan ito ng tubig.

Halos mapasinghap si Ivy nang maliguan siya ni Monica, hindi na niya kilala ito at halos nakalimot na sa mundong ginagalawan. 

Nang matapos siya maliguan ay matyaga na binihisan siya ni Monica. "Yan, mamayang madaling araw tayo luluwas. Maganda sa maynila, mas madami ka makakalaro duon." Pilya nitong sabi.

Hindi umimik si Ivy, at binigyan siya nang manika ni Monica. Napangiti siya at tinanggap iyon.


********

Matagal ang naging biyahe nila, halos umaga na sila nakarating sa Maynila. Agad na pumasok si Monica sa malaking club, at hinila si Ivy. Sinalubong siya nang baklang may ari nang club. 

"Aba, mabuti naman at may dala ka?" Nakangiti nitong sabi at pinagmasdan si Ivy. "Ang ganda niya ahh."


"Super, kaso may kaunting... Alam mo na." Tugon ni Monica.


"Oh, hmm pero carry na 'yan." At hinawakan nang bakla si Ivy sa balikat. "Iha, marunong ka ba sumayaw?" 

Napa angat nang mukha si Ivy at ngumiti. "Sayaw?" Tila natuwa siya. "Opo mahilig ako sumayaw at hinawakan ang bestida na tinaas bahagya at umikot ikot.

"See i told you, pero mapapakinabangan niyo yan." Wika ni Monica at nilahad ang palad.

"Ako nang bahala." Tugon nito at dumukot sa bulsa nang pera, binilang nito ang sampung libo, at ibinigay na kay Monica. Mas doble pa kasi ang kikitain niya kapag nagkataon. At muling lumapit. "Anu pala pangalan mo?" 

"Ivy." Masayang sagot niya 

"Okay Ivy iha, halika at patuturuan kitang sumayaw ha." Sabay hawak na sa kamay nito at dinala sa kabilang pintuan.

Nangingiting tumalikod na si Monica at iniwan na si Ivy, talagang ibinenta niya eto. Ito kasi ang naging sideline niya sa Maynila ang magdala nang mga babae mula sa probinsya. Pero mas mahal si Ivy gawa na maganda at maalindog ito.


*******

#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon