IVY
Chapter: 64
"Monica! May bisita ka!"
Napalingon si Monica habang naglilinis ng banyo sa kulungan. Agad niyang pinunasan ang mga kamay at tumindig sabay lapit sa babaeng pulis. "Sino daw?" Tila maangas pa din niyang tanong.
"Wag ka na madaming tanong, puntahan mo na bisita mo!" Singhal nito at tumalikod.
Kahit na naiirita ay agad na din siyang sumunod, sa totoo lang naiinis pa din siya sa buong lugar na sobrang baho at mga kasama tila hangal ang bituka. Paglabas nila sa silid kung saan ay tila visiting room ng mga preso ay nakita niya ang nagiisang lalaki na solo na nakaupo habang nakatalikod.
"Yun ang dalaw mo." Utos muli nang babaeng pulis.
Napasinghap lang si Monica at agad na lumapit. "Dalaw daw kita?" Tila wala niya sa mood na sabi nang tumayo ito at humarap sa kanya. "De-devin?" Halos manlaki ang mga mata na hindi makapaniwala, agad na siyang lumapit sa kabilang side para maupo. "Mabuti naman, dinalaw mo'ko." Halos may exciting niyang sabi.
Ngumiti lang si Devin.
"Ang labo mo naman kausap, mag da-dalawang buwan na ako dito. Bakit di mo pa din ako pinapiyansahan?" Tila may tampo nabang boses ni Monica.
"Malapit na din." Tugon ni Devin at ngumiti nang lihim. "May inaayos lang ako."
"Okay ba acting ko? Kamusta si Greta?" Magkasunod na tanong ni Monica.
"She's fine in Hell." At tumawa nang nakakaloko.
Nawala ang ngiti ni Monica. "She's dead."
"Kailangan ko gawin 'yun, para magmukha akong hero sa Uncle ko at kay Ivy." Sabay titig niya kay Monica. "At magpanggap na may anmesia after ng insidente."
"W-what?" Tila tanong ni Monica na naguguluhan.
Sumandal lang si Devin at ngumiti.
**********
"Sino siya?" Tila tanong ni Devin nang unang araw na dumalaw siya sa San Isidro, nakita niya ang isang babae na sumasayaw nuon sa gitna nang bukiran.
Isang lalaki ang lumingon habang nagsasaka.
"Si Ivy po Master Devin, anak ni Aling Zeny na katiwala po sa Hacienda."
Napatango lang si Devin sa nadinig, pero agad din niya napansin ang Uncle niya na lihim na kinuhaan nang larawan ang batang babae. Bigla siya nakaramdam nang inis, siya ang unang nakakita sa dalaga pero tila ang Uncle niya gusto pa yata makihati. Inis na tumalikod siya muling pumasok sa mansyon.
Hindi siya masyadong lumalabas ,ngunit napapansin niya ang ama niya na tila tinutulungan ang ina ni Ivy, lihim niyang nakikita ang kakaibang turing nito na hindi niya nakikita sa ibang katulong. Hanggang sa napansin niya ang kanyang ina.
Una silang nakabalik sa Maynila, at nakita niya na nagpaiwan ang ama niya. Hindi niya alam kung ano'ng meron, pero naroroon sa isipan niya na marahil ay nilalandi nang ina ni Ivy ang Papa niya. Tumatak sa isipan niya iyon, lalu nang pagkabalik nila sa Maynila ay nagpakamatay ang ina niya.
Nanlulumo si Devin na napaluhod nang makitang nakabigti na ito, at nakita ang sulat pati litrato. Ang larawan na ang ama at si Zeny, ay magkayapos sa Hacienda, ang iniwan na liham nang kanyang ina ay naroroon.
Dear Devin
Patawad kung hindi kayanin nang isipan ko, labis kong minahal ang iyong ama, at kahit na mahigpit siya ay tinanggap ko. Ngunit hindi ko kakayanin na sa isang katulong ay ipagpapalit ako. Gusto niya makipag hiwalay at piliin si Zeny, sa kabila nang lahat. Ngunit hindi ako papayag, mamatay ako na dala ko ang apelyidong Branson! Paalam anak, at hiling ko na ipaghiganti mo ako sa mga taong umagaw sa mga mahal natin sa buhay.
Deborah.
Nilukos ni Devin ang papel at tumayo, saglit niyang pinagmasdan ang ina at niyakap. "Pangako mama." Bulong niya, dahil ito lamang ang taong nagmamahal sa kanya sa kabila nang lahat.
Matapos mailibing ang ina, ay ipinakasal siya kay Greta. Lihim niyang inalam bawat buhay nang mga tao sa paligid niya, at naging magiliw sa ama maging sa kanyang Uncle, lalu sa kanyang Lolo na siya ang pinakamahal.
At habang tumatagal, ay unti-unti na din niyang nilalason ang ama. Para magsimula sa paghihiganti, hindi na ito nakabalik sa San Isidro, kaya siya na ang bumalik duon.
Talagang nakipaglapit siya kay Ivy, dahil gusto niya na paibigin ito at saktan. Tulad nang ginawa nang ama niya sa kanyang ina, labis niya itong napaibig. At ibinigay ang lahat sa kanya, pero dumating na ang panahon na nabuntisan niya eto.
Duon siya mas lalung naintriga, hanggang sa iwanan ito.
Nang malaman na inatake si Zeny ay mabilis niyang inutusan ang mga Doctor na huwag itong ipagamot, alam din niya na nagplano si Greta. Pero lihim lang niya itong inalam, naging-bulag bulagan siya hanggang sa madinig na nabaliw na si Ivy at ibebenta sa Maynila.
Ngumiti siya, at muling bumalik sa San Isidro. Nakita niya si Ivy noon na sumasayaw sa gitna, napangiti pa siya at kinausap si Monica.
"Mas doble ang ibabayad ko, basta idiin mo si Greta sa lahat balang araw." Sabay abot niya nang checke.
Ngumiti siya nang tinanggap nito ang pera, at hindi lang 'yun, pinasadya talaga na sirain ang mukha ni Monica, para lang sa palabas.
Lalu nang makatakas si Ivy.
Ang hindi lang kasama sa plano ay napunta ito kanyang Uncle, gusto niya kasi masira ang buhay ni Ivy tulad nang pagkasira nang buhay nila mag-ina.
Pero aaminin niya nang makita muli ang babae na may pagbabago, ay tumibok ang kanyang puso.
Una dahil nuon pa man ay lihim niyang hinahangaan ito, ngunit mas nanaig ang pahirapan at saktan ito. Kaya ngayon, isa na lang ang gusto niya mangyari. Ang mawala sa landas si Uncle Damian niya, para bumalik na si Ivy sa kanya.
********
Muli siyang tumingin kay Monica. "Next week makakalaya ka na."
"Wow, good news 'yan ahh. Teka, anu pala nangyari kay Mang Vicencio, kasi ang alam mo siya ang unang nagsabi kay Ivy na ikaw ang nagpabenta sa kanya."
"Don't worry, nakabaon na din siya sa lupa." Sabay ngiti niya. "Kaya dapat sa ngayon, umayos ka na nang sagot mo. Kung ayaw mo sumunod, Monica."
"Don't worry Devin, makalaya lang ako dito. Paliligayahin naman kita."
Ngumiti lang si Devin at tumayo na. "See you next week." Sabay talikod
Ngumiti lang si Monica na tila excited nang makalaya.
**********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...