Chapter: 30

361 3 0
                                    

IVY

Chapter: 30

Bumaba na sa kotse si Ivy kasabay ni Damian, nakahawak siya sa kamay nito. Tila napatingin siya sa paligid, kita niya ang disenyo na katulad din sa Hacienda. Hindi lang 'yun, malaki din talaga ang bahay ni Don Alfonso Branson, hindi na talaga siya magtataka na madaming kayaman ang mga eto. Pansin din niya ang sasakyan na naroroon, marahil naririto na talaga ang pamilya ni Devin. Ngumiti siya nang mapakla, wala na talaga siyang pakielam sa lalaking 'yun, at tumingin sa lalaking katabi niya. Kung alam lamang ni Damian na lihim siyang humanga nuon dito, at unti-unting minahal eto. Hindi lang 'yun, ang pag galang at pag respeto sa kanya noong wala siyang alam ay hindi nito inabuso bagkus ay tinulungan siya para matuto. 

Lumingon sa kanya si Damian.

"Are you okay?" 

"A little bit nervous." Tugon niya.

Saglit na huminto si Damian at hinarap si Ivy. "Tell me, if you want to stay for dinner or uuwi na tayo?" 

Umiling si Ivy, matagal niyang pinangarap na magkaharap sila ni Devin, oo at naroroon ang kaba na bumabalot sa kanya dahil na din ngayon lamang niya makikilala ang ama ni Damian at isa pa dahil siguro ay alam niyang magkikita sila ni Devin. "No, i'm afraid that your father—"

"Ssshh, spill it out. Dear you already Mrs. Branson, no one can hurt you." Sabay hawak nang mahigpit sa kamay ni Ivy. 

Ngumiti si Ivy at tumingin sa harapan, pansin na niya ang mga tauhan na kanya-kanya sa pwesto at tila yumuyuko sa tuwing dadaan sila.

 "Good evening Master Damian!" 

Tumango lang si Damian at muling nilingon si Ivy. "Ready?" 

Ngumiti si Ivy at tumango, ssbay na silang pumasok sa tila mala-palasyong bahay ng mga Branson, nangingintab sa kulay ginto bawat pasilyo dahil sa ilaw at mga kagamitan na alam niyang mamahalin. Ang ilaw sa ibabaw na mau kakaibang disenyo na kuha sa perlas. 

Maya-maya ay huminto sila nang makita ang matandang may tungkod na sumalubong.

"Papa." Bati ni Damian.

Napalapit na din siya dahil hawak ni Damian ang kanyang kamay. Pansin niya ang pagtitig nang matandang Branson sa kanya. "Don Alfonso." Sabay ngiti. 

"Damian, siya ba ang sinasabi mo?" 

Tumango si Damian at tumingin kay Ivy. "She's my wife already, and we decide na talagang magpakasal na sa simbahan as soon as possible." 

Tumingin si Alfonso kay Ivy. "Your name?" 

"Ivy." Pakilala niya at lahad ng palad. "Ivy Branson, and i'm so pleased to meet my father in law." 

Ngumiti si Alfonso na tinanggap ang kamay nang fiance ni Damian, tila ito lamang inaantay niya ang magkaroon nang sariling pamilya si Damian, at mukhang ang kaharap naman na babae ay may kalidad na kanyang hinahanap. Sa suot nito na formal na damit ay masasabing hindi ito nagmula sa mahirap na buhay, ang pananalita at pakitungo ay naaayon sa karangyaan. "Let's all gather in a table, naroroon na din ang pamilya ni Devin." At unang tumalikod ang Don.

Sumunod naman silang dalawa, tila malawak ang lugar nang mansyon, at halos iilan pa sa mga ito ay may pasikot-sikot. Napatingin an siya sa mahabang lamesa na gawa din sa kulay ginto. Maya-maya ay nakita na nang kanyang mga mata ang nakaupo na babae at katabi nito ang lalaking naging dahilan lahat nang kanyang paghihirap. Wala sa loob niya na mapahigpit ang hawak sa kamay ni Damian.

Pansin ni Damian iyon, kaya hinaplos niya ang kamay nito bahagya.

Hindi nagpakita si Ivy nang galit kundi ngumiti siya para hindi mahalata.


"Naririto na ang Uncle ninyo." Ma awtoridad na boses ng Don.

Napatayo ang mag-asawa, at agad na lumingon si Devin. Pero tila napatigil siya nang makilala ang babaeng kasama nang uncle niya, kahit na may kolorete at magarang damit na suot ay hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng minsan nang bumihag sa puso niya.

"Devin, Greta." Bati ni Damian at ngumiti. "By the way, let me introduce my wife." At tumingin kay Ivy. "Ivy Branson." 

Bahagyang gumalaw ang labi ni Devin nang madinig ang pangalan nito.

Ngumiti naman si Ivy. "Nice meeting both of you." Bati niya at tumitig kay Devin na tila hindi makatingin ng diretso.

Ngumiti naman si Greta at nilahad ang palad. "Hi, mukhang bata ka pa?" Bigla niyang puna, hindi niya kasi inaasahan na mas bata pa eto sa kanya.

Tinanggap naman ni Ivy ang palad niya. "Age doesn't matter." Tugon niya at binitawan na ang palad nito.


"Age is not definition of love Greta." Sabat ni Damian ang tumingin kay Ivy. "Most important is— alam mo kung ano ang magpapasaya sayo." Sabay muling tingin sa kanila.

Ngumiti nang pilit si Greta. "Oo nga naman." 

"Kumain na tayo." Muling ma awtoridad na boses ng Don.

Naunang naupo sina Ivy at Damian.

Samantalang si Devin ay hindi agad makaimik. "Excuse me, lolo and Uncle. Mag restroom lang ako." Sabay talikod 

Nasundan ito nang tingin ni Ivy at lihim na ngumiti.



**********

#AuthorCombsmania

IVY (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon