IVY
Chapter: 52
"What would you like?" Tanong ni Damian habang nasa restaurant sila ni Ivy, lunch break na niya kaya inaya ang asawa na kumain sa labas.
Napatitig lang si Ivy sa mga pagkain sa Menu, pakiramdam niya wala siyang gusto kainin. Kagat labing binaba niya ang Menu at iling.
"Why, is there something wrong?" Tanong ni Damian na nag aalala.
"Wala akong gusto kainin Damian, parang gustk ko nang manggang hilaw na isawsaw sa asin na may sili." Hiling niya.
"Dear." Sabay hawak ni Damian sa kamay ni Ivy. "Pero wala pang laman ang tiyan mo, baka sikmurain ka kung maasim agad kakainin mo?"
Napailing si Ivy. "Pero 'yun talaga hinahanap ko Damian."
Napatango si Damian at tumawag nang waiter, may lumapit naman agad sa kanila. "Hi, do you have indian mango here?"
"Sorry sir, pero wala po." Tugon nang waiter.
"I see." Sabay ngiti niya. "Ahmm, my wife really want it, okay lang ba na i-rescheduled ko na lang ang reservation ko?"
"No problem Mr. Branson. " tugon nito.
Ngumiti naman si Ivy nang malaman na aalis na sila at lilipat, kaya mabilis siyang humawak sa braso ni Damian. "Nagugutom ka na ba? Baka napipilitan ka?"
Ngumiti lang si Damian. "No, syempre ikaw ang nasa isip ko. Di naman pwedeng hindi tayo sabay kumain." Tugon niya at inopen na ang pintuan na gawa sa salamin na tila Entrance nang Restaurant.
"Saan kaya makakahanap ng mangga? Punta kaya tayo ng palengke." Agad niyang sabi at nilingon si Damian.
"Gusto mo?" Tanong ni Damian.
Tumango si Ivy, at agad nang pumasok sa kotse.
Napailing si Damian. "Mangga, talaga." Bulong niya at naiiling pumasok na din sa driver seat.
******
May ilang oras silang nagbabad sa palengke, at sa wakas nakauwi din sila. Diretso na munang umuwi silang dalawa sa bahay, tumawag na lang siya kay Aling Ising para maghanda muna nang pananghalian dahil hindi pa sila kumakain, pero napansin niya si Ivy na nagmamadali magpunta sa kusina.
Napasunod siya sa asawa na agad kumuha ang asin at sili, mabilis din nitong kinuha ang peeler para balatan ang manggang nabili.
"Master, nakahain na po ang inyong tanghalian." Wika ni Ising at tumingin kay Ivy, pansin niya ang pagkain ng mangga nito.
Tumango lang si Damian. "Aling Ising, pakiluto na din po ang pinamili niya, gusto daw kasi niya kumain nang ginataang bilo-bilo." At muling napatingin kay Ivy.
"Okay iho." Tugon ni Aling Ising.
"Aling Ising, hindi kaya sikmurain siya?" Takang tanong ni Damian.
Umiling si Aling Ising. "Natural lamang 'yan sa mga naglilihi iho."
Napalingon si Damian sa kanyang Yaya. "Naglilihi? You mean, buntis na ang asawa ko?" Sabay tingin kay Ivy at halos hindi mawari ang ngiti sa labi. Nagmamadali na lumapit siya kay Ivy. "Dear, you're pregnant?"
"Huh?" Sabay titig kay Damian, naroroon ang kuryusidad niya lalu sa ngiti nang asawa. Pero bigla din siya napatigil, ngayon lang niya naalala na hindi pa nga siya dinatnan. Isa pa— lagi na nga siya nakakaramdam nang pangangasim nang sikmura. "Hindi ko— hindi ko alam?" Sagot niya.
"Naku iha, baka buntis ka na... Dapat mag patingin ka na din." Sabat ni Aling Ising
Bigla siya nakaramdam nang tuwa sa nadinig at tumingin kay Damian, kung totoo nga na buntis siya ibig sabihin matutupad na ang pangarap niya na bumuo nang pamilya. Mabilis na siyang yumakap kay Damian.
"Oh my god Ivy, natutuwa talaga ako. Atlis magiging ama na ako." Bulong ni Damian, tila nawala ang gutom niya. At talagang buo na ang kanyang isipan na buntis si Ivy.
"Pero bago 'yun, lutuin niyo muna ang ginatan at hayaan niyo muna ako kumain nang mangga." Sabay kalas kay Damian.
Natawa lang si Damian at Aling Ising at tumango silang dalawa.
"Tutulungan ko na kayo Aling Ising." Prisinta ni Damian at nauna na kunin ang mga pinamili.
Natawa si Ivy sa asawa niya at muling kumain na siya nang mangga.
*********
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
IVY (completed)
RomanceSi Ivy ay lumaking inosente at napakagandang bata, masunurin at may takot sa Diyos. Ngunit hindi biniyayaan ng magandang buhay. Hindi siya nakapag aral, at tanging pagsasaka lamang ang kanilang ikinabubuhay mag-ina. Masaya na ang kanyang simpleng p...